Chapter Two

23 2 0
                                    

"Grabe Kimi! Ang saya-saya sa school mo! Habang naglalakad ako ang dami-daming bumabati sa akin! Tapos maraming lalaki ang nagbibigay sa akin ng kung ano-ano! Grabe! Pati mga babae nagsasabi na idol ka daw nila tapos yung iba may ibinibigay pang regalo para sayo! Grabe talaga! Para kang celebrity!" Tuwang-tuwang pagkukwento nya pagkatapos akong sundan sa kwarto ko

"Oh Tapos? Enjoy na enjoy ka naman sa pagiging ako? Enjoy na enjoy ka sa pagkuha ng dapat ay sa akin? Hindi ka pa ba nasanay? Diba sa school natin dati ganun ka rin? Lahat ng atensyon na sayo. Lahat ng papuri at parangal sa yo napupunta. Ano na yung tawag nila sayo "the miracle Kim"? Lahat kasi na sayo na... samantalang ako? Isang anino mo lang. Bakit kung kailan ako nagkaroon ng sarili kong katauhan, duon ka naman magpapakita at aangkinin lahat ng dapat ay sa akin? .... Kulang pa ba Kim? Kulang pa ba lahat ng na sayo?"

"Kimi... hindi ko inaangkin ang binibigay nila sayo. Inexplain ko naman na hindi ako ikaw but they insisted to give it to me because they know you won't accept it anyway. Kimi, I'm sor---"

"So I should congratulate you! They like you for not being me! They like you for who you are! Unlike me who receive gifts as you"

"Kimi... honestly... I en---"

"Nag-aaway ba kayo?" Pagpuputol ni mama sa sinasabi ni Kim

"Ah no ma. Nagkwekwento lang si Kim about her visit to my school and I'm glad that Kim is super happy about it. She even received gifts from my schoolmates!" Tuwang-tuwang sabi ko kay mama

"Really? Naku Kim, you gotta show those to me. Baka mamaya puro gifts yan from boys ha!"

"Sige ma, Kim, gusto ko nang magpahinga. Nakakapagod po kasi " sabi ko

Lumabas na din naman sila agad. Excited pa nga si mama na tignan ang mga natanggap ni Kim

Napasandal na lang ako sa pader

'Why does my life have to be this miserable?'

Maraming nag-iisip na maswerte na ang isang tao kung may sarili syang bahay, nakakakain ng tatlong beses ng isang araw, nakapag-aral o nag-aral

I am lucky, I know. Actually, more than lucky pa nga. My family own 3 houses, 2 here in the Philippines and 1 in America. I can eat for as many times as I want. I study in a prestigious school. I have more compared to most people. I am blessed... physically

Pero kung gaano ako ka-swerte sa yaman at mga material na bagay... bawing-bawi naman sa emosyon

Alam kong hindi lang ako ang may ganitong nararamdaman. Normal na nga ata sa mga magkakapatid ang magkainggitan na minsan ay nauuwi sa pagiging malayo sa isa't-isa

Yung feeling na nagkikipag-agawan ka sa kapatid mo ng atensyon mula sa mga magulang nyo?

Yung feeling na napagdadamutan ka?

Yung feeling na angat sila kumpara sayo?

Normal na feeling yan... tao lang kasi tayo

Pero hindi normal ay ang magkaroon ng mukha na katulad ng taong kinaiinggitan mo

Yung feeling na araw-araw kang haharap at tititig sa salamin... at bawat anggulo ng mukha na nakaharap sayo... wala kang ibang nakikita kundi ang taong kinaiinggitan mo

Araw-araw mong tatanungin kung ano ba ang kulang sayo... kung anong pinagkaiba nyo

Kung bakit nasa kanya lahat habang ikaw tira-tira lang nya ang nakukuha

Hanggang sa ang inggit ay naging muhi

Oo. Galit ako kay Kim... galit na galit...

Dahil sa tuwing makikita kong masaya sya... ako naman ay kabaliktaran

Kung Ako Sya (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon