Chapter 5

4.7K 75 9
                                    


Chapter 5
Sabbie's POV

Napanganga ako. Yung... Yung stolen shot ko kanina!! Pinost ni Steven saka tinag sakin!! Waaa!! Mukha akong ewan!! Mukha akong busabos na bata na walang makain at gutom na gutom!! Steveeen!! Alam mong lablab kita pero gusto kitang kalbuhin ngayon!—Joke! Gusto pala kitang ihug tapos ikiss hanggang sa hindi ka na makahinga!

Tapos yung caption pa! Yung captiooooonnn!!

Cute :) — with Sabbie Vien Lejada

Nag-melt na talaga ako.

Kinabukasan ay lutang na naman ako. Tapos idagdag pa 'tong mga poodle na 'to na mukhang tuwang-tuwang hindi ko kasabay si Steven ngayon na pumasok. May chenelin kasi sa Photography club. Ano pang silbi ng pasok kahapon diba?

Sabagay once or twice a week lang naman kami nagkakasabay pumasok. May hiya din naman ako minsan diba?—Joke! Minsan kasi nakakatamad bumangon! Kahit naman crush ko si Steven ay may katamaran pa rin ako sa katawan. HAHAHA!

"Baklaaa!!"  Papalingon pa lang ako ay naramdaman ko na yung yakap ni Lourrie sa likod ko.

"Nag-review ka na?! Pakopya, ha!"  Saka pa sya umakbay sakin. Napakunot ang noo ko. Anong review—

Nanlaki ang mga mata ko.  "OMAYGAD!! OO NGA PALA!!"

OMAYGAD TALAGA! ANAK KA NG TOKWANG POODLE NAMAN OO!! MAY EXAM NGA PALA KAMI NGAYON SA PHYSICS!!

"Teka! Nakalimutan mo?!"

"Oo! Hala!!"

"Weh?! Ikaw?! Nakalimutan mong may exam ngayon?! Paano?! Himala!"

Kung alam mo lang, Lourrie! Kahit ako ay tinatanong ko rin yan sa sarili ko! Paano ko ba nakalimutan yun?! Ano bang ginawa ko kahapon?!

Grabe! GRABE!! Ayoko na pumasok!! Ayoko na mag-aral!! Mag-aasawa nalang ako!! Papakasal na kami ni Steven mamaya!! Ugh!! Bakit ba kasi hindi ako nakapag-review?!

"Ayoko na bakla! Ayokooo naaa pumasoook!!"  Hinatak na ako papunta sa room ni Lourrie dahil kulang nalang ay humalandusay ako dito sa sahig at mag nganga-ngawa! Ugh! Katapusan ko naaa!! Ang hirap pa naman ng Physics!! Bakit kasi kaylangan pa yun sa buhay?! Ayun ba ang mag-aahon sa akin sa hirap?! Ayun pa bang susi sa World Peace?!

"Grabe! Ang gwapo talaga ni Steven!! Nginitian nya ako kanina!!"  Napatigil ako kangangawa dahil sa narinig ko.

"Ako kaya ang nginitian nya!"  Sabi pa nung kasama. May poodles pala kaming makakasalubong. At malala pa, ang reyna ng mga poodle ang kasama! Grr!!

"Oh, loser, tinitingin-tingin mo dyan?"  Taas kikay pang tanong sakin ni Ellaine ng magkasalubong kami.

Tinaasan ko rin sya ng kilay.  "Oh? Buhay ka pa pala?"

Agad na namula yung mukha nya at halatang nagpipigil na ng galit. Tama yan. Sino ang loser satin, aber? Reyna ka lang ng mga poodle. Ako reyna ni Steven. Mwehehe.

"Tara na nga girls! Bwisit!"  Saka na sila umalis kasama ang mga alipores nya. Shoopii!

"Taray mo doon bakla! Winner ka doon!"  Saka kami nag-apir ni Lourrie. Nananahimik lang yan pag hindi sya kinakante, pero mas war freak sakin 'to! Kaya nga hindi maaway-away ni Ellaine yan eh. Sus!

Bumalik ako sa wisyo ng mag-bell. Ayan na!! Ayaaan naaa! Ayoko na talaga!! Waaa!!

Wala na akong nagawa ng kaladkarin na ako ni Lourrie papasok ng room. Hindi na ako nakapag-scan ng notebook dahil early bird si Ma'am. Bakit? Mas mataas ba ang sweldo pag maaga napasok?! Hindi naman diba?! Uwaaa!!

Naiiyak na akong umupo. Hindi ko na nga maintindihan yung rules and regulations ni Ma'am dahil sa takot. Omaygad.

"Huy! Text mo kuya mo!"  Pabulong na sabi sakin ni Lourrie habang sinisiko siko pa ako.

"Ha? Ano namang sasabihin ko doon?"

"Itext mo yung tanong. Pasagot mo sakanya."  Nanlaki ang mga mata ko. Ano daw?!

"Namali yata ako ng rinig, bakla. Inuutusan mo ba akong mag-cheat?"  Lalong pabulong kong tanong sakanya. Naloloka ako! Naloloka na nga ako dahil hindi ako nakapag-review kung ano-ano pa sinasabi nitong babaeng 'to!

"Bahala ka. Class president at Top 1 na si Sabbie Vien Lejada, mababa sa exam? Naku naku!"  Napakagat ako sa labi ko.

"Eh cheating yun! Iba yun!"

"Bahala ka. Nakakahiya naman sa klase."

Napakagat na ako sa kuko ko. Naiiyak na talaga ako!  "O-Oo na. Sige na nga!"  Ngumiti sya ng tagumpay. Gagawin nya talaga ang lahat makapag-sagot lang! Kung sya sana gagawa eh?! Hay!

Papa God sorry po talaga! Ngayon lang naman po eh. Naging mabait naman po akong bata buong buhay ko. Hindi na po talaga mauulit, promise! Estudyante rin po ako, natutukso. At sobrang lakas po maka-BI ni Lourrie! Sorry po talaga!

Grabe yung pawis ko sa sobrang kaba habang tinetext kay kuya yung mga tanong na hindi ko alam. Yung iba naman nasagutan ko pa rin. Agad namang nag-reply si kuya.

Nakonsensya talaga ako ng bongga. Lagot talaga ako. Siguradong pagagalitan ako ni Kuya mamaya!

"Hi! Pwedeng maki-share ng table?"  Napatingin kami ni Lourrie kay Demi na nakangiti sa amin. Agad kaming pumayag kaya kasama namin ngayon sya dito sa cafeteria.

Mabait si Demi at sobrang ganda. Mahinhin at matalino rin. Masaya syang kasama kaya tuwang-tuwa si Lourrie na makipag kwentuhan sakanya. Maganda ang boses at kasama namin sa Glee club. Di lang yon, sya rin ang muse at ang escort ay wala namang iba kundi si Steven.

Tss, maganda rin naman ako. Pag tinabi nga lang ako kay Demi ay nagmumukha akong puchupuchu. Psh.

Tumatawa-tawa pa kami ng mahagilap ng paningin ko si Steven at Saiby. Sila lang dalawa.

"Oh, matunaw."

Di ko nalang pinansin yung pang-aasar nila Lourrie at Demi dahil nagseselos talaga ako! Bakit sobrang close nilang dalawa? Bakit laging ngiting-ngiti si Steven pag magkasama sila? Ugh.

Nanlulumo akong umuwi. Pero stay positive, Saab! Malay mo close lang talaga sila? Diba mas malabong maging sila kapag super friends sila? Malay mo ma-friendzoned lang sila sa isa't-isa! Whoo! Go Saab! Go cutie Saab!

Pinipilit kong maging positive pauwi. Kaso naningkit ang mga mata ko ng may mamataan ako sa harap ng bahay namin.

Lumakad ako palapit saka ko nakita kung sino yun.

Ogad.

The NERDY Boy Next Door ♥ [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon