Chapter twelve

16 0 0
                                    

Nakatulog naman ako ng maayos pero maaga akong gumising. Pinag iisipan ko ang mga narinig kong sinabi nila saakin hindi ko parin ito maintindihan.

Ikaw ang pinaka makapangyarihan.

Ikaw ang magwawakas ng kagulohan.

Magigiging malakas ka at matibay.

Darating din ang tamang panahon.

Matapang ka.

Ano ba ang pinag sasabi nila hindi naman ako makapangyarihan at normal lang naman akong tao eh, ahh.. Maybe hindi nga ako normal pero hindi rin naman ako yung taong tinututukoy nila isa pa hindi ako makapangyarihan at bago lang naman ako rito sa mundong to eh.

Sa mundong ito ang impossible ay possibling mangyari.

Bigla ko nalang naisip ang sinabi ni miss. Lucia.

"Hayy!!..ano ba ang nangyayari sa mundong to" sinabi ko habang kinakamot ang batok ko.

Tumayo ako at tiningnan ko ang bintana may nakita akong ilog malapit sa garden pinagpasyahan ko na lumabas ng kwarto at puntahan yun. Sinuot ko ang jacket ko at lumabas ako sa kwarto ko at dahan dahang nag lakad sa hallway at ng marating ko pinto ay binukasan ko ito at lumabas papunta sa ilog at umupo sa may bench don.

Napansin ko ang mga magagandang bulaklak sa garden at naririnig ko rin ang mga agos ng tubig sa ilog, naisip ko ang ability ko I try to do it again pero sinubukan ko muna ito sa isang maliit na bato na pagalaw ko ito at sinubukan ulit ang mas malaking bato at naipagalaw ko rin ito.

"Hahahaha... Ang galing i dont know nakaya ko pala to"sabi ko na parang batang na nakatangap ng isang regalo

"What are you doing here?" Nagulat ako sa pagsalita niya na naging dahilan para ma bagsak ang mga bato tinitigan ko siya at ng matamaan ang mukha niya ng ilae ng lamp post doon ko naaninag ang mukha niya.Shane

"Nothing"sagot ko at binalik ang tingin sa ilog

"Sa ganitong oras?" Tanong niya at unti unting naglakad papunta sa akin

"Well nagpapahangin lang, ikaw ano ang ginagawa mo rito?"

"Nothing, i saw you" nabigla ako sa sinabi niya

"H-hah?"

"I said I saw you doing it" sabi niya at tuluyan na nga syang makalapit saakin

"You mean the stones?" Sagot ko

"Yes, ngayon mo lang ba talaga nagawa yan?" Tanong niya

"Well, oo nabigla ngarin ako eh. I dont believe in magics pero nangyayari na ito ngayon sa paligid ko pati narin sa sarili ko"sabi ko at tumayo

"Ganun ba dito sa school nato hindi normal ang magkaroon ng isang transferee na katulad mo" sabi niya

"What do you mean like me?"sabi ko na naka tingin sa kanya

"Dahil halos kami rito sa school at pati rin sa mundong ito ay may sariling ability at ang mga abiliting yon ay lumalabas pagdating namin sa edad na 2 or 3 kaya bata palang kami sina sanay na kami para kontrolin ang mga ability namin kaya hindi normal sa school na may isang new student at lalong lalo na hindi pa niya alam ang ability niya" paliwag niya na alala ko tuloy ang simabi ni Stacy na 3 years old nya nalaman ang ability niya.

"Ganun ba?, ano nga pala ang ability mo?"

"Fire manipulator"sabi niya

"May kapatid ka?"nabigla siya sa tanong ko at kumunot ang ulo niya

Dream High Academy:for special abilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon