Chapter 14

13 0 0
                                    

Nang makarating ako sa school pilit kung kalimutan ang nangyari kanina sa tabing dagat.

"Rebecca san ka galing?"tanong ni Stacy

"Wala nag libot libot lang" palusot ko

"Halika na, tayo na sa hall kakain na raw" anyaya niya

"Hindi muna ako kakain busog pa ako eh" ano ba ang nangyayari saakin hindi naman ako umaatras sa kainan ha bakit ngayon inaayawan ko.

"Ok, may sakit kaba?" tanong nya at hinawakan ang forehead ko

"Ano ka ba, ok lang ako busog lang talaga ako at inaantok narin ako kaya matutulog nalang ako.

"Ok pero kung ginugutom ka pumunta ka lang sa hall, ok" sabi niya at tumango lang din ako at umalis na siya kaya dumeritsu narin ako kwarto namin at natulog.

Third person's POV

May isang babaeng pumasok mukhang may idad na siya at umupo sa tabi ng isang babae.

"Ano po?, nakausap niyo po ba sya?" Tanong ng babae

"Oo wag kang mag alala binalaan ko na rin siya at nakita ko rin kung gaano siya kalakas" sagot niya

"Kamusta na po siya?" Tanong ulit ng babae

"Maayos naman ang kalagayan niya at ang bait din niya at alam mo magkamukha talaga kayo nag mana siya sayo sa kagandahan" sabi nito

"Kailan ko kaya makikita ang ANAK ko" sabi niya at naka yuko

"Wag kang mag alala malapit na kunting tiis nalang" sabi niya

***

Nang gabing yon hindi ako makatulog ng maayos iniisip ko parin ang mga nangyari saakin dito sa school yung mga sinasabi nilang ako raw ang pinakamalakas at ako raw ang tatapos sa gulo rito, spesyal ability, at yung nangyari kanina ang pinag sasabi naman niya kailangan kong maging malakas at wag maniniwala sa iba. Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko hindi ko narin alam kung sino ako, Ano ba ako at sino ako?!?.

Gusto ko nang bumalik sa buhay ko noon bakit pa kasi ako napadpad rito eh.. Gusto kong malaman kong sino ako, ano bato?!?

Umupo ako sa pagkakahiga ko at niyakap ang tuhod ko tiningnan ko si Stacy habang natutulog mukhang pagod pagod siya, hindi ko rin siya masisisi dahil sadyang nakakapagod naman talaga mag training. Bigla ko tuloy naalala na ngayon pala mag uumpisa ang training ko. Nako!! Si Shane panaman ang training buddy ko, lord bakit pa kasi siya and magiging training buddy ko!! Sigaw ko sa isip ko, napapikit nalang ako sa inis.

"Ano ba ang kailangan kung gawin?"tanong ko sa sarili ko.

Pumasok na ako sa banyo at nag umpisang maligo ng matapos akong maligo ay lumabas naako, paglabas ko nakita ko na si Stacy bago palang soya nagising kaya she's still yoaning.

"Gising ka na pala" sabi ko

"Bago lang, narinig ko kasi ang ingay sa banyo kaya nagising ako" sabi niya

"Pasinsya kana sa ingay ha yan tuloy nagising kita" sabi ko

"Ok lang yun, mabuti pa nga eh" nagtaka naman ako sa sinabi niya

"Hah?, mabuti?" Tanong ko na nakataas ang kilay

"Dahil maaga ang training ngayon ng lahat walang regular classes ngayon kaya ang dapat mong isuot ay ang training uniform" sabi niya sa nakakaantok na boses.

"Ahh ganun ba"kinuha ko na ang training/battle uniform ko at sinuot ito

"Maliligo naako" paalam niya at pumasok sa banyo

"Nakatayo lang ako sa harap ng full length mirror at inaayos ang uniform ko at tinali ang buhok ko ng pony tail.

Kinuha ko ang envelope sa bag ko at tiningnan ko ulit ang schedule ko 7:15 pala ito mag sisimula.

Lumabas narin si Stacy at nagbihis narin siya

Dream High Academy:for special abilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon