MISSING - MAY PINK Chapter 1: the bestfriend

5 0 0
                                    

09/15/15 - a week after Clarissa went missing

"I was at the bar.." Pambungad na salita ng dalagang nasa harapan ng camera. Kasalukuyan niyang pinapanood ang isa isang videong kinuha noong iniinterview niya ang tatlong suspek sa kaso. Nasa loob sila ng isang silid na Walang ibang gamit maliban sa silyang inuupuan niya at ng tatlo. Lingid sa kaalaman ng mga ito ay mayroon siyang hidden camera upang mairecord lahat ng sinasabi maging ang reaksiyon at facial expressions mg mga ito upang maanalisang mabuti.

Ang dalagang nasa video ay Isa sa mga suspek. Hannah De Vera, same age as clarissa, model, Ayon sa report bestfriend ito ng biktima. Looking at her right now, hindi maikakaila na she's one of the rich kids from their area. From the things and signature clothes she's wearing hindi rin maikakaila na may itsura ang babae. Maging sa pananalita nito ay mayroong class.

"I was waiting for her....." Pagpapatuloy nito sa kuwento. "We were supposed to meet there, she's a bit down that time kaya inaya ko siyang lumabas para malibang. Actually i'm planning to introduce her to a friend..." Sandaling tumigil ito sa pagsasalita at yumuko.

He stopped the video from that point. Naihilamos niya ang dalawang kamay sa mukha. Napakahirap naman nito! Tinitigan nita ang nakayukong dalaga sa screen. Akala ko ba madali lang! Iyon kasi ang dahilan ng maassign sakanya ang kaso. Kesyo dahil baguhan raw siya at wala pang karanasan.

Nang masawa sa katititig sa screen tumayo siya mula sa swivel chair at saka lumabas. Napagpasiyahan niyang mag-kape muna dahil mag-aalas dose na ng hating gabi hindi parin siya tapos sa gawain. Nagmumuni muni siya habang umiinom ng kape sa isang sulok nang mayroong umupo sa tabi niya.

"Ang lalim ng iniisip mo pare ah! Babae ba iyan?" si tonton pala. Kasamahan niya sa trabaho at gaya niya baguhan rin ito.

"Oo pare, babae nga.." Sagot niya rito.

"Maganda ba?"

"Oo"

"Naku!" Sambit nitong pumiptik pa sa hangin. "Mahirap iyan! Tsk. Sino ba ito? Katrabaho natin? O yung tindera malapit sa kanto?"

"Yung nawawalang babae doon sa kaso ko" sagot niya rito. Natawa naman siya dahil muntik na nitong maibuga ang kapeng iniinom.

"Ikaw talaga!" Wika nito habang pinupunasan ang bibig. "Wala parin bang progress hanggang ngayon?"

"Wala parin nga pare eh... Namomroblema nga ako kasi hindi ba mayroon tayong case presentation next week patungkol sa progress ng kaso?" Problemadong sagot niya sa katrabaho.

"Bakit? Masyado bang mahirap ang naibigay saiyo?"

"Oo eh, siguro dahil baguhan ako kaya hindi ko pa masyadong maintindihan... Pero nakakalito talaga eh! Biruin mo? Tatlong taong malapit sa biktima ang suspek? Bukod pa roon walang ibang ebidensiya ang magtuturo sa akin kung nasaan at kung sino ang may kinalaman sa pagkawala ng biktima." Frustrated na sagot niya rito.

"Ganoon ba? Hindi ba madali lang kapag malalapit sa biktima ang suspek? Mas madali mong maiimbestigahan"

"Ewan ko ba, mas madali kapag inaaral mo lang ang mga ganito gaya noong istudyante palang tayo, kesa ngayong tayo na ang hahawak ng kaso. Iba talaga kapag actual"

"Pare chill lang, huwag mo masyadong dibdibin" wika nito sa kanya while tapping his back.

"Okay lang sana pare kung exam lang pero hindi eh.. Dito nakasalalay ang future ko" naihilamos nanaman niya ang dalawang kamay sa mukha nang maalala na depende nga pala sa performace nila sa kaso kung mareregular sila sa trabahong ito. Dammit!

"Malalampasan natin ito pare. Maging ako hirap din pero kaya natin ito. Tiwala lang." Pagbibigay nito ng payo.
----------------------------------------------------
Agad niyang binalikan ang naudlot na gawain. Ewan lang niya kung aantukin pa siya ngayong naka tatlong baso na siya nv kape. He's not a coffee person pero simula ng magtrabaho siya rito ay araw araw na siyang nagkakape. Ewan ba niya, ang lakas makahatak ng coffee ang stress.

Umupo na siya sa swivel chair at binuksan ang jjiwang computer. Agad niyang pinlay ang video.

"Pero an hour later wala parin siya... I was thinking that maybe late lang as usual." Nakikiusap ang mga mata nito, nakakunot ang noo at magkasalikop ang dalawang kamay. "I called her phone so many times but she's not picking up. I received one text from her saying she's on the way... pero nagclose na ang bar she didn't came. I waited for her outside, napahiya na nga ako sa friend na dapat ipapakilala ko sa kanya kasi hindi siya dumating... She ditched me... I was mad and furious that i sent her horrible text messages..." Umiiyak na ito ngayon, diretsong nakatingin sa kanya. Kuhang kuha ng camera ang bawaf pagpatak ng luha nito pati ang mga matang nangungusap.

"I didn't know na nawawala na pala siya.. I didn't know that that day she went missing.. " the girl was now covering her face with both of her hands while crying "i swear to God if i only knew hindi na sana ako nagtanim ng sama ng loob sa kanya.. Ang sakit sakit dahil dapat noong araw na iyon kasama ko siya!" Mahabanv pause ang inilaan nito para sa pag-iyak "sana pala sinundo ko nalang siya mula sa trabaho... Sana pala i initiated hindi sana mangyayari ito.."

Ang akala ni Jose sa mga pelikula at teleserye lang nakikita ang mga ganitong drama, nagmistulang audition sa drama ang interview niya sa dalaga. He wanted to give the lady a warm of applause it's just that he's not an audience and she's not an entertainer. Hindi naman sa hinuhusgahan niya ang babae, sa linya kasi ng trabaho niya kailangang matigas ang puso mo sa mga ganoong eksena, he learned that with the kind of job he has, he needs to trust no one.

Hindi siya naantig sa ginawa ng babae, ewan ba niya ngunit hindi talaga siya tinamaan. Although she seemed innocent naman. Hindi nga lang niya sure kung si Clarissa ba ang iniiyakan nito o ang pagkasangkot nito sa kaso? Siguro both. Kung talagang mahal nito ang kaibigan mag-aalala talaga ito pero kung mas mahal nito ang sarili the latter part applies. Pero base sa kilos at pananamit nito latter part nga ata anv sagot. If you're stressed over something makakapagsuot ka pa ba ng stilettos, skirt at sleeveless habang inuusig? Kuntodo make-up pa. There's no doubt she loves attention at mas pahahalagahan nito ang sariling imahe kesa sa ibang tao.

Hindi kaya... Ito ang salarin? Gusto niyang batukan ang sarili. Pwede bang idahilan niya iyon sa case presentation nila? Nang dahil sa pananamit at itsura ay inaakusahan niya ang bestfriend ng biktima.. malamang binaril siya ng mga nakatataas sa kanya. Judgemental siya masyado wala naman siyang maihain na ebidensiya.

--------------------------------------
Lemme know what you think about this one :)

I'll be updating the next chapter later on.

MISSINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon