MISSING - MAY PINK Chapter 3: the brother

5 0 0
                                    

"Sinundo ko siya sa hotel" ito ang mga katagang unang binitawan ni Nathan Herrera ang nakakatandang kapatid ng biktima.

"Ako ang palaging nagsusundo sa kanya pagkatapos ng shift niya sa trabaho. Alas cuatro kami nagsasara ng shop kaya pagkatapos ay deretso na ako sa hotel upang sunduin siya." Kalmado at seryoso ang binatang nagsasalita sa video. Blanko ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin sa kanya at nagpapaliwanag.

"Noong araw na iyon, nakita ko si Anton nakaluhod sa harap ng kapatid ko. Hindi lingid sa akin na nagtalo ang dalawa ng dahil sa pambababae nito. Galit ako sa lalaking iyon, kahit naman hindi kami gaanong magkasundo ni clarissa sa mga bagay bagay ay pinapahalagahan ko parin siya dahil kapatid ko siya. Pero noong araw na iyon pinabayaan ko siyang magdesisyon, hindi ako nakialam kahit gustong gusto ko na siyang hatakin pauwi dahil ayokong kausapin niya si anton" tuloy tuloy na paglalathala nito.

"Noong iwan niya si Anton at sumakay sa kotse, agad kong pinaandar ang sasakyan upang makauwi. Hindi rin nagtagal ay gusto niyang balikan si Anton. Nagtalo kami ng dahil doon" Pumiyok ang boses nito tanda na nagpipigil ito sa pag-iyak. Napansin niyang iniwas nito ang tingin sa kanya at tumingin sa baba.

"Ipinahinto niya ang sasakyan. Ang sabi niya magpapasundo na lamang raw siya kay Hannah. Hindi ko siya mapigilan dahil pilit niya akong itinataboy. Sa sobrang pagka-inis ko ay iniwan ko siya." Nakayuko ito habang umiiyak. Ngunit hindi gaya ng dalawang nauna hikbi lamang ang ginawa nito.

"Kung alam ko lang na mangyayari ito hindi ko na dapat siya iniwan" paninisi nito sa sarili. Hindi parin ito tumitingin sa kanya. Hikbi na lamang ang sumunod at pagpahid nito ng luha.

Inihinto na niya ang video. Sa statement ng binata malinaw na tinutumbok nito ang dalawa pang sangkot sa kaso. Ayon dito si Hannah De Vera ang huling pangalan na sinabi ni clarissa bago nagkahiwalay ang dalawa at ang isa pa ay si Antonio De Vera na gusto raw nitong balikan sa hotel. Dalawang tao ang idinidiin ng binata ngunit hindi parin ito abswelto dahil kung tutuusin mas malaki ang kinalaman nito sa pagkawala ng dalaga dahil sa ito ang huling kasama ni Clarissa.

Kung susumahin walang matibay na ebidensiya sa tatlo tangjng ang mga saksi lamang noong mga huling araw na nakita ang dalaga. Baka naman sumama lamang sa ibang lalaki si Clarissa at nagtanan ang mga ito? Posible iyong naisip niya ngunit ayon sa kanyang source ay masyado raw dalagang Filipina si Clarissa at si Antonio lamang daw ang una nitong boyfriend. Interesting! Baka naman inililihim lang?

Kinuha niya ang folder na nakapatong sa desk at binuksan iyon. Laman nito ang mga impormasiyon patungkol kay Clarissa at ang nag-iisang larawan nito. Pinagmasdan niya iyon, Ordinaryo ang mukha ng dalaga, Ordinaryo ngunit ito iyong tipong kapag tinititigan ay lalong gumaganda. Maganda ang itim at tuwid na buhok nito. Mapuputi ang pantay pantay na mga ngipin. Napakainosente nitong tignan. Sayang... Ipagdarasal ko na lamang na sana ay buhay ka pa.

Tiningnan niya ang orasan na nakasabit sa dingding. Mag-aalas tres na pala. Inilagay na niya ang folder sa kaniyang bag at ang iba pang mga gamit. Hinugot na niya ang USB at pinatay na ang computer. Ipagpapatuloy na lamang niya ito pag-uwi.
-------------------------------------------------
Thank you for reading. Lemme know what you think. 😊

Next Chapter will be tomorrow. Have a nice day.

MISSINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon