Simula

2.1K 24 4
                                    

Sophie



Ako:

Where are you?


Ako:

Daryl, nasaan ka? Samahan mo ako.


Ako:

Sige na please. I'm waiting.


Ako:

Uhm, busy ka? Please call me once you get this.


Ako:

I think you are really busy.


Ilang beses na akong pabalik balik ng tingin sa screen ng phone ko kung may reply ba si Daryl. Ilang beses na akong nag text at tumawag pero hindi niya ako sinasagot. I need him to help me out with my thesis. Marami kasi akong dalang gamit at wala akong dalang sasakyan ngayon. Kaya ko naman pumunta sa iba't-ibang shops at malls para kausapin ang mga owners nito, but with all the files and folders kasama na ang laptop ko, I really need someone who can assist me on this.


Wala naman kasi akong ibang maasahan eh. This is a solo thesis. Wala ang bestfriend kong si Maisie dahil inaasikaso niya rin yung thesis niya and I bet she's also busy with her husband.


I've been living alone since my father died three years ago. Wala na akong ina, di ko alam kung saang lupalop na siya ngayon. Hindi ko alam kung buhay pa ba siya o patay na. Iniwan niya kaming dalawa ni papa simula pa noong 5 years old pa ako. Nakita ko kung paano nasaktan at nawasak si papa. Kahit na masakit ang sinapit niya, hindi niya ako iniwan tulad ng ginawa ni mama. Si papa na ang nagpalaki sa akin, siya ang nagsumikap para sa amin, at siya ang unang lalakeng minahal at hinangaan ko. Pero mapaglaro ang tadhana, namatay si papa dahil sa sakit sa puso na matagal na niya palang nililihim at naiwan na lang akong mag-isa. Pero kahit ganon, hindi naman ako pinabayaan ni papa. Nag-iwan siya ng will and testament. Sa akin niya ipinamana ang bahay at lupa namin, pati na rin ang poultry farm na siyang pinagkukunan ko ng pera.


I was alone. All I have is myself and no one else. Nabubuhay ako, pero hindi ako buo. Hindi ko alam kung para saan pa ang lahat ng ginagawa ko. Wala na akong pamilya. Wala ng katuturan ang lahat ng pagsisikap ko. But Daryl came to my life and everything changed. Minahal niya ako. Siya ang naging sandalan ko sa tuwing may problema ako. Siya ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng pag-asa para mabuhay at bumangon araw-araw.


Pumasok muna ako sa isang coffee shop dito sa MOA. Masakit na ang mga paa ko sa kakalakad. Dalawang clothing shops na ang napuntahan ko para maka-usap ang manager o may-ari. Bakit ba kasi consumer behavior pa ang napili kong topic ng thesis ko? Di na sana ako magkakandarapa para makapag reserve ng schedule sa gagawin kong interview kung nag-isip ako ng mas madaling topic.


Habang kumakain ako ng pasta, naaninag ng mga mata ko ang isang pamilyar na lalakeng nakatayo sa tapat ng coffee shop. Nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang mukha niya. Pero may kutob ako kung sino iyon, hindi ko lang makumpirma ang hinala ko. After a while, I saw a girl clung into his arms at hinalikan siya nito sa pisngi. The girl is pretty and her short hair makes her more stunning. Inakbayan ng lalake yung babae at sabay silang naglakad paalis.

Out of Bounds (Ugly Past Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon