Her Pov

41 5 2
                                    

Pagkadating namin sa ISA sa mga bahay ni Zach eh hindi na kami nagpatumpik tumpik pa. Noong pagkakita namin nina Polly yung guard na nagbabantay sa loob ng bahay eh agad kaming lumapit sa kanya.

"KUYANG GUARD!!!!" sigaw ni Skyla sa kanya at kaway din. 

Namukhaan ata ng guard si Skyla kaya tumayo ito at tuluyan ng binuksan ang gate ng bahay.

"Ms. Skyla bakit po kayo nandito? Me kailangan po ba kayo?"

"Wala naman po. Tatanong ko lang po sana kung nandito si Zach? Ilang linggo na kasi siyang wala eh."

"Ay Mam! Sorry po, pero wala po si Sir Zach rito. Huling punta niya po rito noong nakaraang buwan po. Simula nun hindi na po siya pumunta rito. Bakit po nawawala niyo po ba siya hinahanap?"

Kinalabit siya ni Chleondar na nakita kong umiling.

"Ah.. Wala lang po. Heheheh. Naglalaro po kasi kami ng tagu taguan manong. Kung sinong mataya libre lunch isang buwan."

"Ah. Ganun ba hija? Sige sasabihin ko kapag nagpunta si Sir Zach rito."

"Tenkyu manong!"

Pagkatalikod na pagkatalikod ni Skyla ay nawala ang ngiti nito sa labi.

"Ano nang gagawin natin?"

"Guys saan na tayo maghahanap?"

"Maybe we should call Zach's Parents"

"WAG! WE should not informed them that Zach is missing. Mas lalaki lang ang problema. Hindi pwede mastress ang mama niya. Whatever happens, walang magsasalita tungkol rito okay?!"

Napatango kaming lahat sa sinabi niya.

Hindi nila pwedeng malaman na nawawala si Zach. Mas lalong magugulo ang lahat.





Dear ZachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon