30

36 3 3
                                    

Dear Zach,

Pagkatapos mo kong kausapin at yakapin (EHEM! KENELEG EKE DEEN!) ay nagulat ako nung bigla mo na lang ako hinila papasok sa bahay ampunan.

Doon sinalubong ka ng mga batang naglalaro.

Ang saya-saya mo habang tinitignan. Parang hindi ka nasasaktan. Sana ganyan ka na lang palagi.

Tinuro ako nung isang bata. Sino daw ba ako?

Sasabihin ko sana ako ang taong papatay sa'yo kaya lang baka mahimatay pa siya. So wag na lang.

Baka makasuhan pa ako na child abuse.

Kinuha mo naman ang aking kamay atsaka tinignan ako at bumalik ulit sa mga bata.

"Ang isa mga tao na pinag-alala ko ng lubos. Kaya gagawin ko ang makakaya ko para makabawi ako sa kanya"

Tuluyan ng lumaki ang mga mata ko dahil sa sinabi mo.

Ikaw babawi? At Sa akin pa talaga?

Dear ZachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon