karibal

64 1 2
                                    

"Omygeeeee~!"

Napukaw ang atensyon ko sa impit na pagtili ng kaibigan kong si Gyne. Matabi ko pa naman siya kaya medyo nabingi pa ako sa ginawa niya. At base sa reaksyon niya kinikilig siya. Napatingin tuloy sakanya ang iba naming kaklase. Kung minsan talag nakakahiya siyang kasama. - , -

"Nilabas na yung MV ng exo na Wolf! Gaaash! Ang astiiig~!"

Agad naman akong napatingin sa laptop niya. Nakaplay doon ang mv ng exo na wolf. Shet! Si Baekhyun at Nickhun! Omygash!

"Sheeeet! Baekhyuuuuun~! Ang gwapo mooo~!" Di ko na din napigilan ang sarili kong maghysterical dahil nakita ko ang kagwapuhan ng mga bias ko!

Lalo tuloy kaming pinagtinginan ng mga kaklase namin. Wala kaming pakialam kung sabihin pa nilang mukha kaming tanga sa pag-i-spazz dito. So? May sarili kaming mundo dito. Mind their own bussiness!

"Naega wolf naega wolf! Awoooooo~! Sarangheyo!" Kanta namin ng mga kabarkada kong adik sa kpop. Hohoho. Ang saya talaga kapag kasama momg nag-i-spazz mga kaibigan mo. :"">

"Baekhyun sheeet! Antayin mo ako sa Korea! Magkikita din tayo! Papakasalan pa kitaaa~!" Hohoho. Hindi na maalis sa laptop ni Gyne ang mga mata. Lalo pa pagpinapakita sina Baekhyun at Nickhun!

"Tumigil ka nga Mae. Akin si Baehyun! Wag kang mang-agaw! May boyfriend ka na nga kumekerengkeng ka pa." Sabi ni Gyne sakin.

Dahil sa sinabi niya napalingon ako sa likod ko kung saan nakaupo ang boyfriend kong si Zico at ang mga kabarkada niya. Pero paglingon ko, wala siya sa upuan niya. Napatingin ako kay Vince na agad namang nginuso kung nasaan si Zico. Sakto namang nakita kong palabas siya. Baka mag-CCR lang. Hayaan ko na siya.

"Oy look! Ang cute ni Nickhun dito oh!" Sabi ni Gyne habang may kinakalikot sa page ng youtube. Dakilang tambay talaga to sa youtube haaay.

Pero agad namang lumuwa ang mata ko sa video na ipinakita niya sakin.

"Waaaah~! Hahahahahaha~!"nagtawanan kami sa video na pinanuod namin. Ang kyut-kyut ng Nickhun babaes ko. >///<

-------------------

"Hoy pupunta daw ang Exo dito!" Sabi ni Gyne.

Naglalakad kami ngayon sa corridor habang nilalantakan ang french fries na binili namin.

"Ooooow? Kelan daw?" Tanong ko naman. Aba! Pagkakataon ko na yung makita ang mga bias ko!

"Sa September daw eh."

Gaaaaash! Can't wait for thaaaat!

"Oy diba sina Zico yun." Sabi ng isa ko pang kaibigan.

Nakita ko naman sina Zico na kakalabas lang ng sa isang computer shop kasama ang mga kabarkada niya.

Lalapitan ko na sana sila nang biglang lumabas din dun si Jane sabay umangkla sa braso ni Zico. F^ck, what's the meaning of this huh?

"Gash! Mae, don't tell me Zico is being unfaithful to you! Sabi na nga ba eh. Hindi talaga ako bito sa Zico na yan!"

Oh great Gyne! You're such a great friend! Ginatungan mo lang ang pagdududa ko sa magaling kong boyfriend.

Pero hindi pwede. Kailangan kong malaman ang totoo.

Naglakas loob akong lapitan sina Zico. Nakita ko namang inakbayan nung isang kabarkada ni Zico si Jane. Pokpok ba talaga siya? How gross!

"Zico!"

Napalingon silang lahat sa pagtawag kong yun! Pero ang balahurang si Jane hindi padin inaalis ang kamay sa boyfriend ko!

Agad namang lumapit sakin si Zico at inakbayan ako. Ano ka ngayon Jane! Supalpal ka sakin! Malandi ka kasi!

"Hi Gyne." Bati ni Vince kay Gyne, na agad namang inirapan si Vince. Ayaw ni Gyne na binabati siya ng ganun ni Vince. It sound like 'hygine' daw kase. Haha.

Inakbayan lang ako ni Zico papunta sa room namin. Sinubuan ko pa siya ng fries pero tumanggi siya.

"Nagdota ka na naman. Tigilan mo na nga yan." Sermon ko sakanya. Hindi na kasi kami makapagdate dahil palagi na lang siyang nagdodota. Tuwing lunch break hanggang uwian sa mga kabarkada niya siya sumasama.

Bigla namang niyang inalis ang kamay niya sa pagkakaakbay sakin. Bigla naman akong nalungkot. Feeling ko nawalan ako ng secure nang tanggalin niya ang kamay niya sa balikat ko.

"Hindi pwede. May lakad kami mamaya ng mga kabarkada ko, hindi kita maihahatid sa inyo."

Para namang umakyat ang dugo ko sa ulo ko. Naiinis na ako sakanya. Mas inuuna niya ang barkada niya kesa sakin! Feeling ko wala na akong halaga para sakanya! Bwiset!

"Sige dun ka na lang sa mga barkada mo! Dun ka naman masaya eh." Pilit kong hininaan ang boses ko para hindi kami makakuha ng ibang atensyon.

Hindi siya nagsalita saka pumunta sa mga barkada niya na lalong nagpainit ng ulo ko! Punyeta!

Pero bago pa siya makalapit sa barkada niya hinila ko na agad siya palapit sakin.

"Ano ba yun?!" Halatang naiinis siya sakin.

Aba! Siya pa tong galit samantalang siya tong mas inuuna pa ang pagdodota kesa sakin?!

"Manhid ka ba o ano? Nakakainis ka na ha."

"Ako pa itong nakakainis ngayon? Hah! At inuuna ang dota? Ano naman? Diba busy ka rin naman dun sa mga lalaki mo? Quits na tayo!"

Pakingshet! Alam mo ba yun?! Mga lalaki ko? What is he talking about? Mahina lang ang pag-uusap namin pero naririnig pa din kami ng ibang malapit sa pwesto namin.

"Wag mong ibalik sakin ang katarantaduhan mo Zico."

"Hah! Ewan ko sayo." Tatalikuran niya na sana ako pero hindi pwede. Hindi pa kami tapos.

"Zico naman eh!" I shout at the top of my lungs. Wala akong paki kung pagtinginan man kami ng mga kaklase namin. Pero siya dirediretso lang palabas ng room.

Hindi naman ako nagpatinag at sinundan ko siya palabas.

"Zico naman eh. Bakit ka ba ganyan?"

"Nakakasakal ka kasi!"

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Nasasakal? Ganun na ba ako kahigpit sakanya?

"Akala mo kung sino kang wala tong pinagkakaabalahan kaya ganyan mo na lang ako pagbawalan. Ikaw kaya tong pagbawalan ko sa pag-kkpop na yan?! Sa pagpuntapunta sa mga concert na yan?! Mabuti nga ako nakikipagpustahan pa sa mga barkada ko para may pangdate tayo. Eh ikaw? May napapala ba ako sa kpop mong yan? Wala! Nauubos pa nga ang oras mo sakin dahil sa lintek na kpop na yan. Pagpumupunta ka ng concert. Ano pagkatapos? Hindi kita makausap ng maayos dahil puro kpop ang kwento mo. Eh ako nagkukwento ba ako sayo tungkol sa dota ha?"

For the first time. Sinumbatan niya ako. </3

"Nakikipagpustahan ka para may pangdate tayo? Tapos ano? Pagnatalo ka? Wala ka ng pera. Kaya ayokong nagdodota ka eh! Inuubos mo lang ang pera mo imbis na nag-iipon ka!"

Napahilamos siya sa mukha niya.

"Ewan ko sayo Mae. Hindi mo kasi naiintindihan!"

"Kasi sarado ang utak mo! Hindi mo maintindihan kung bakit pinagbabawalan kitang magdota! Ikaw ang hindi nakakaintindi sakin!"

"Bwiset." Narinig kong bulong niya.

"Naiinis kana sakin? Ha? Naiinis kana? Eh di magbreak na tayo! Para wala nang magbabawal sayong magdota! Break na tayo!" Sabi ko saka tinalikuran siya.

Bumalik ako sa room at lumapit sa mga kaibigan ko. Dinukdok ko ang mukha ko sa upuan ko saka umiyak. Naramdaman ko ang pagyakap sakin ng mga kaibigan ko.

Tang ina! Buti pa ang mga kaibigan ko suportado nila ako sa kung anong gusto ko! Dun din siya sa mga kaibigan niya, tutal pare-pareho din naman sila!

Lalo akong nasaktan sa naisip ko. Ano bang mali sa ginawa ko? Wala namang mali sa pagiging mahilig sa kpop ah? Mali yung ginagawa niya pakikipagpustahan tapos ipapangdate namin? Tapos pagnatalo siya mainit ang ulo niya at sakin ibubunton ang galit? Ayoko ng ganun. Tama lang na naghiwalay kami. Oo. Tama lang yun. </3 :""(

----------------

[>INFATUATED CHICK<]

Heartbreak (collection of one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon