Tres

2 0 0
                                    

"Xzyria! Bumaba ka na jan nandito na sila tita pia mo." Sigaw sakin ni mommy sa baba.

Napabuntong hininga nalang ako. Parang ayoko bumaba. Mababadtrip nanaman ako sa lalaking yun. Pero ayoko mapalo sa pwet ng inay ko.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin saka inayos ng konti ang buhok ko saka bumaba na.

I'm wearing an off shoulder black dress (ayan po yung picture ) and flat shoes. I'm not fond of wearing high heels. So not my thing.

Nadatnan ko sila mommy sa sala. Kausap niya si tita pia siguro ito? Ng mapatingin siya sakin ay lumaki ang ngiti niya at lumapit sakin para yakapin ako.

She's beautiful.

Walang ka wrinkles wrinkles ang mukha niya. Ang puti niya pa.

I'm astonished with tita pia's look.

May anak na siya pero taglay niya pa din ang pagka hot ng isang babae. Charot lang and i think magkaedad lang sila ni mommy. Malay niyo mas matanda ang isa sakanila.

Maganda rin naman si mommy. Kasi tingnan niyo naman ako. Kanino pa ba ako magmamana? Nuxx.

Nagising ako bigla sa pag iimagine ko ng may nag snap ng fingers sa harap ko. Pagtingin ko si james lang pala. Nanaman.

Napangiti siya sakin saka pinisil ang ilong ko at lumapit sa tenga ko at bumulong.

"Hi babe. Miss me?" Saka pasimpleng hinalikan ang tenga ko. What the? Manyak tong hayop na to.

Nag init nanaman ang pisngi ko sa ginawa niya kaya kinurot ko ang pisngi niya. Hobby ko na talaga to.

"Shut up. Ang landi mo talaga. Pervert" bulong ko din sakanya.

Napatawa naman siya ng mahina sa sinabi ko

"Ehem.." napatingin naman kami sa nagsalita. Nasa likod siya ni james at parang mas bata sakanya. Ang ganda niya. Bat di ko siya napansin kanina?

"Nakalimutan ko nga pala, Kim meet my sister, Sascha Kaythe Blake. "

Ngumiti naman siya sakin. Teka? Kim? Kelan niya pa ko tinawag na kim? At kelan pa kong pumayag na tawagin niya ko nun? Wala pang tumatawag nun sakin.

"Hi po ate uhh. Xzy- kim nalang. Ang hirap kasi sabihin ng name niyo po. Hahaha." Sabi ni Sascha sakin

Natawa naman ako sakanya. Ang cute niya!

"Hii din sascha nice to meet you. Okay lang hahaha Zayrian ang pag pronounce nun. You can call me Xzyria nalang." Ngumiti ako ng matamis sakanya saka napatingin sa kuya niya na nakatingin nanaman sakin.

"Hoy ikaw. Kelan pa ko pumayag na tawagin mo ako ng kim? Ha?" Tanong ko sakanya with matching cross arms and taas kilay pa. Taray oh.

"Since, Now. " kunyari nag isip pa siya. Nakakaloko talaga to.

"Whatever." Pagtataray ko sakanya.
Bahala siya. Kim na kung kim. Cute parin naman ang name ko.

"So okay lang kung kim tawag ko sayo? Yiiee. Ako lang tatawag nun sayo ah." Sabi niya habang nakangiti.

Para siyang bata na ang saya saya kasi pinayagan siyang makilaro sa playground. Jusko.

"Asa ka pa. At bakit ikaw lang dapat? Aber?" Tanong ko sakanya.

"Kasi gusto ko. Pag may tumawag sayo nun na iba. Babangasan ko sila." Maangas niyang sabi. Sus. Di naman bagay.

Langya. Tindi talaga ng yabang nito. Whoo. Gora lang Xzyria. Chesa ka pa din naman.

Am I inlove with you?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon