Photo Credit to: http://www.liveinternet.ru
PAG-IBIG FOR SALE
Sa Panulat Ni Denver FadriquelaPag-ibig. Isang salita na dumudugtong sa iba't-ibang damdamin ng isang tao. Pwede siyang ibigay at ipamigay. Ninanakaw at nanakaw. Ganun kasimple. Sa gaya kong ilang beses ng naiwan eh kahit sino titigas ang puso. Hanggang ngayon dala-dala ko 'yun. Hindi na mawawala sa alaaala ko ang lahat. Ganun naman talaga. Mas hindi mo kayang makalimutan ang mga panahon na sobra kang nasaktan.
Ako nga pala si Arabella. Pero pwede niyo na'kong tawaging Ara. Hindi ako "foreigner". Sadyang "blonde" lang ang buhok ko para kahit pano naman eh mabenta ako. Actually, alam ko wala namang magandang aral ang kuwento ko. Isang malaking kahibangan kung isasalaysay ko pa. Pero pagbigyan niyo na'ko.
I'm 32 years old and still single. Syempre never been touched din. Kasi naniniwala pa rin naman ako na mas magandang ibigay iyon sa lalaking pakakasalan muna ako. Well, I know its never too late. Mukha naman akong 16 years old. haha. biro lang.
Actually malungkot talaga ang buhay ko. Hmmm. Buhay pag-ibig lang pala. Hindi ko kasi alam kung bakit ganito ako. I mean, hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko eh ang hirap hirap matagpuan ni Mr.Right. Naiisip ko pa nga, meron kaya talagang lalaking tama para sa gaya ko?
Well, sabi ng mga friends ko, maganda ako, matalino at talented kaya for sure marami daw magkakandarapang gwapong lalake sa akin e. Tsk! Minsan feeling ko binobola nalang nila ko. Minsan tuloy naiisip ko sumpa na yata ang kagandahang ko kung bakit hanggang ngayon "single" pa din ako. Pero hindi rin. Sadya lang sigurong pihikan ako. Na para sa akin, mas mabuting magmahal kapag natagpuan mo na ang tunay na tao para sa'yo.
Unusual ang love story ko. Actually marami naman talagang nanligaw sa akin pero lahat sila sinuko ako. Mali pala, ako ang sumuko. Kasi sa simula palang gumawa na'ko ng paraan para layuan nila ko. Ayoko kasi mag-aksaya ng panahon sa taong hindi ko gusto. Kaya lahat sila pinamigay ko sa mga kaibigan ko na parang kendi.
Naalala ko si William. Magka eskwela kami mula elementary hanggang College. After graduation, nagtapat siya sa akin na gusto niya ko. Nung una, nabigla ako. Mabait siyang tao, mapagmahal na anak. ayokong mabago ko siya sa paraang magiging unfair ako sa kaniya.
Si Alexander na nakilala ko sa isang Seminar nung unang araw kong magtrabaho sa Hotel. Gwapo, matalino at mayaman. Hindi ko siya gusto kasi alam ko hindi ako magugustuhan ng mayaman nilang pamilya. Pagkatapos ng halos dalawang buwan ng panliligaw, sinabi ko sa kaniya na hindi ko na tigilan na niya ko. Langit kasi siya, lupa ako.
Bigla ko tuloy naalala ang bastos na si Miguel. Guess what? Siya lang naman ang unang lalaking chineck-in ako sa isang cheap na Motel. Mabuti nalang magaling ako manapak kaya nakababa ako agad ng taxi bago makapasok sa bwiset na lugar na yun! Feeling ko tuloy cheap na babae ang tingin niya sa akin.
Sumunod nun nang makilala ko si Orly ng minsang habulin niya ko papalabas ng simbahan. Napaka-romantic ng tagpo habang hinahabol niya ko para ibalik ang naiwanan kong pouch bag. May spark sa mga mata ko. Shet! Nakakatunaw ang tingin niya. May kabog sa puso. May tindig-balahibo. May paghinto ng minuto. Hayys. Bigla nalang siyang tinawag ng isang magandang babae. Ang ending, commited na siya. Nganga!
Halos tatlong taon na mula ng maramdaman kong wala na yatang nanliligaw sa akin. Ang masaklap sa tuwing magkikita kami ng mga kaibigan ko ay para kong nadudurog. Minsan naiiisip ko wala namang masama sa mga desisyon ko lalo ramdam ko napasaya ko ang mga kaibian ko.
Ang kaibigan kong si Joyce na kasama si William at ang kanilang isang anak. Maganda ang buhay nila dahil nakapagpatayo na sila ng magandang negosyo. Alam ko kasi matagal na rin kasing mahal ni Joyce si William. Nagparaya ako noon para maging masaya siya. Mas alam kong naging masaya si William sa kaniya. Totoo nga.
Si Abigail na napang-asawa si Alexander, ang mayamang lalaking tinanggihan ko. Hindi naman pala naging hadlang ang pagiging mahirap ni Abigail para mahalin siya ng isang mayamang lalaki. May panghihinayang ako dahil agad kong hinusgahan si Alexander. Mahal nila ang isa't-isa. Ramdam ko yun sa tuwing nagpapasalamat sila sa akin. Dahil nakilala nila ang isa't-isa.
Ang barumbado at bastos na si Miguel, binago ng kaibigan kong si Mariz. Sinong mag-aakala na ang babaeng nagtanggol sa akin ay mamahalin ang lalaking kaaway ko. How sweet. Siguro sila talaga ang bagay sa isa't-isa. Nagbago sila para mapabuti. Para maging maayos. Higit para maging buo at matibay.
Sa buhay, nakakatagpo tayo ng mga taong magpaparamdam ng pagmamahal. Madalas sinusubukan muna natin kung pwede, kung baka may chance at baka siya na talaga. Marami akong pinalampas na taong pwede sanang magmahal sa akin. Pero hindi naman nabibili ang pag-ibig di'ba? Lalo damdamin ang nakataya.
Pero ewan ko. Hanggang ngayon, ang lalaking nagustuhan ko ay nanatiling isang kaibigan lang. Inisip ko na sana may chance kami ni Orly. Nasa kaniya na kasi ang hinahanap ko. Pero mukhang malabo dahil naging malapit kami ng girlfriend niyang si Janet. Bakit ganun no? Kung kelan gusto mo ang isang bagay, hindi mo makuha.
Hanggang ngayon, feeling ko napaka hopeless na ng love life ko. Feeling ko for sale na ang puso ko. Haaays. Medyo may pagsisisi pero nag-iwan sa akin ng aral na ang pagmamahal laging may chance. Hindi pwedeng husgahan ng isip at ng mga mata. Dahil binubuo ito ng panahon at pagkakataon.
Siguro kailangan kong bigyan ang sarili ko na pansamantalang tanggapin ang mga dumarating. Bigyan ng oras para makilala. Kasi ang pag-ibig hindi naman parang "for sale" na kailangang magustuhan ka para makuha ka. Dahil ang pagmamahal dinidikta ng puso. Tatanggapin ng taong tunay na magmamahal at bubuo sa'yo...
01/06/2016
8:19 ng gabi.Para sa gaya kong nagtatanong.
BINABASA MO ANG
PAG-IBIG FOR SALE
RomancePhoto Credit to: http://www.liveinternet.ru PAG-IBIG FOR SALE Sa Panulat Ni Denver Fadriquela Pag-ibig. Isang salita na dumudugtong sa iba't-ibang damdamin ng isang tao. Pwede siyang ibigay at ipamigay. Ninanakaw at nanakaw. Ganun kasimple. Sa gaya...