OSC 33 : True Feelings

1.2K 25 3
                                    

OSC 33 : True Feelings..

A/N: SHET! NAWALA YUNG MAS MAGANDA AT NAKAKAKILIG NA VERSION NITO NA AKALA KO NAPUBLISH NA SA WATTPAD! ARGH! NAKAKAINIS! PASENSYA NA KAYO DITO. HUHU.

Alexa's Point Of View

Dahil sa sakit na naramdaman ko umalis ako, kahit pagod pa ako sa byahe galing Pinas. Pero sa kamalasmalasan ko nga naman e napadpad pa ako sa lugar kung saan hindi ko alam kung nasaan. Wtf!

"Alexa..." May tumawag sa pangalan ko, nanlamig ang buong katawan ko. Hindi sa takot kundi sa kakaibang nararamdaman ko sa dibdib ko. Ano to?

"P-Paul.." Si Paul nga, anong ginagawa niya dito?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin at pinunasan ang mga luhang nasa pisngi ko. Ayan na naman yung mga kabayo! Inalis ko yung kamay niya.

"Naligaw ako." At tumalikod na. Err bakit sa lahat ng lugar dito pa?

"Ako din. Hay. Napagbintangan kasi ako, ako daw bumaril kay Sharlene. What a life..." Napatingin ako kay Paul. Bakit naman siya?

"A-ako nga din.." Sabi ko ng mahina.

"Oh talaga? Bet ko sinugod ka rin ni Nash?" Sabi niya ng tumatawa ng mapakla.

"Tawa ka pa. Oo. Ang bigat nga ng mga sinabi niya." Napatungo na naman ako kasi tumutulo na naman ang luha ko bakit ba kasi palaging ako?

"Shh. Wala ka namang kasalanan alam ko yan."

"Bakit ba kasi ako na lang palagi? Porket ako ang naging sanhi ng lahat ako parin sa huli? Nakakapagod na rin kasi e." niyakap niya ako. Hay. Ang sarap ng pakiramdam kapag nasa mga bisig niya ako.

"Tara hanap tayo ng matutuluyan?" Tumango na lang ako. Tahimik kaming naglalakad. Iniwan muna namin ang mga sasakyan namin wala rin naman kaming dalang phone. Di ko alam kung anong malas ang dumapo sakin? tsh. Minsan sinusulyapan ko siya pero binabawi ko agad kasi nakatingin siya sakin.

"Alam mo ba kilala ko na matagal yang mokong na yan? Magkakababata kami. Di ko nga alam kung bakit di niya ako matandaan, parati nyang akon inaasar kasi alam niyang may gusto ako kay Sharlene tapos si Sharlene naman may gusto sa kanya. Hay nako. Lokong yun, kinalimutan na ako." Napaisip naman ako sa sinabi ni Paul. Sayang kung nakilala ko sana agad si Sharlene siguro may pag-asa pang ako ang magustuhan ni --

"Huy! Tulala ka dyan?" Napailing iling na lang ako ano ba tong iniisip ko? Move on nga kasi Alexa! Pero alam ko naman na wala na kasi--

"Ayun! Ayun!" May tinuturo siya. Kanina pa niya ako pinuputol ah! Tsh. Nagulat ako kasi hinawakan niya ang kamay ko at may dumugudog na naman sa dibdib ko. Jeskelerd. Ano po ba ito?

"AHH!" Sabay kaming napasigaw kasi sa isang balon kami nahulog! Ah! Kamalas malasan nga naman.

"AHH!" Napasigaw si Paul. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang braso niya na dumudugo! Sht, nagpapanic ang sistema ko.

"T-teka lang." Nagpapanic ako. Naisip ko naman agad yung tinuro ng teacher namin nung Highschool. Kapag walang first aid kit kumuha ng tela at ipulupot sa sugat para maibsan ang pagdudugo. Di ko alam kung yun nga pero pinunit ko na ang dress ko, mahaba naman yun.

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya pero di ko siya sinasagot. Nagsimula na akong magpulupot ng tela sa braso niya.

"A-araaay." Alam kong masakit kaya ayaw kong tumingin sa mukha niya. Nakangiwi kasi baka mapisil ko lang ang pisngi niya, ang cute kasi. Haha.

"Okay na!" Sabi ko. Nginitian niya naman ako. Napalunok ako ng laway. What the?! Ano bang nangyayari sakin?

"Sht ang lamig." Napabulong ako. Ang lamig nga. Grabe ano ba ito! Nagulat ako kasi may pumatong na coat sakin.

"Paano ka?" Tanong ko. Naka lobg sleeves kasi siya baka galing party to? Ang pormal niya.

"Okay lang ako." Kinabig niya ang ulo ko at inilagay sa dibdib niya. Di ko alam kung para san yun. Pinapamulahan na naman ako.

"P-paul?" Tanong ko..

"Shhh. Let's sleep first, i'm tired". Sabi ko nga . Pinilit ko namang matulog at sucess. Naalimpungatan lang ako ng may maramdaman akong kamay sa ulo ko at hinahaplos yun.

Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko?

Ilang ulit pa ba ang uulitin, o giliw ko?

Tatlong oras na akong nagpapacute sayo. Di mo manlang napapansin ang bagong t-shirt ko.

Wah! Gwapo ng boses. Sheyt! Napatingin ako sa kanya at nagkatitigan kami, ako ang unang umiwas at tinuloy ko ang kanta.

Ilang isaw pa ba ang kakainin, o giliw ko?

Ilang tanzan pa ba ang iipunin, o giliw ko?

Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo, wag mo lang ipagkait ang hinahanap ko..

Di ko man aminin ko pero kinikilig talaga ako. Emegesh! Why?

Napatigil siya sa pag hum kasi nagsalita ako.

"P-paul?"

"Hmm?" Tuloy pa rin ang paghaplos niya sa buhok ko.

"Paano ba malalaman kung inlove ka sa isang tao?" Di ko alam kung bakit yun ang tanong ko.

"Inlove? Kapag nagkatitigan kayo at parang di mo alam ang nararamdaman mo kaya mas pipiliin mo na lang na umiwas para hindi niya malaman ang nararamdaman mo." Ano daw?

"Huh?" Tanong ko. Nagulat ako, na naman kasi hinawakan niya ang ang dalawa kong pisngi.

"Parang ganito." Nag-iwas siya ng tingin. Huh? Pero nakahawak parin yung mga kamay niya kaya hinawakan ko rin ang pisngi niya at nagkatitigan ulit kami.

"Alexa. I've been through a lot and you're always there for me. This past few weeks i can't explain what am i feeling towards you but now i know. Alexa, I --"

"HELLO! MAY TAO BA DYAN!" Narinig kong napamura si Paul. At ako rin! Wrong Timing ka Manong! Argh!!

"MERON PO! TULUNGAN NIYO PO KAMING MAKATAAS DYAN, MAY SUGAT PO KASI ANG --" pinutol niya ang sinasabi ko.

"SOON TO BE BOYFRIEND NIYA! PAKIBILISAN NYO PO PARA MASAGOT NA NIYA AKO." Soon to be? Boyfriend? Masagot? Siya?

"PAUL--" napatigil ako kasi hinalikan niya ako. OMG!

"Alexa, I love you and i'm willing to wait for your answer."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Book 2 : One Step Closer (NashLene & NLEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon