who are the DEMIgods??

5 2 0
                                    

[A/N]

mehee. sorry, pasingit muna neto a? Wala pa kong maisip na pang-update e :D

btw, this is the official group name of their group. Makikita dito yung names and a short description about themselves at may interview din. HARHAR. sana ma-gets nyo sinabi ko. 

So,, here goes :D

~.~.~.~.~.~.~.~.~

Name: Aphrodite Anne Alcaraz

Short Description:

Siya ang nakapag-isip ng group name na to, sobrang hilig nya kasi magbasa ng Greek myths related books. Kumbaga, sya ang parang leader ng barkada. Pag may problema ang isa sa mga kabarkada nila, siya ang dapat kausapin kasi napakagaling din nito magpayo. Ang tawag sa kanya ay Anne pag hindi kayo close, pero sa barkada nila, ang tawag sa kanya ay Aphrodite. Nasa kanya na raw ang lahat, pati na ang Campus King. Kung siya ang Campus Queen, ang long time boyfriend nya naman ang Campus King kaya sila ang tinatawag na Campus Royalties. 

**interview with Anne

Author: Hi Anne, bakit ayaw mong tawagin ka ng ibang tao na Aphrodite? 

Anne: Hi din po, Author. Ayaw ko pong magpatawag ng Aphrodite sa ibang tao dahil para sakin, yung close friends ko lang po ang pwedeng tumawag sakin nito, yung tipong alam na nila ang life story ko. Ganun.

Author: Okay, thanks sa time Anne! Sa uulitin!

Anne: Welcome po :D

Name: Harold Apollo Lopez

Short Description:

Nung una, siya ang kumokontra sa pangalan ng grupo nila dahil masyado daw corny. Pero dahil girlfriend nya ang nag-isip nito, hindi na sya kumontra baka daw kasi mag-break pa sila. Tahimik sya pag hindi mo pa ka-close pero sa oras na nakapag-usap kayo at nakilala niyo ang isa't isa, naku! Super kulit na nyan, hindi lang halata. Gwapo siya, kaya nga siya ang naging Campus King eh! 

 **interview with Harold

Author: Hi Harold! Tanggap mo ba na ikaw ang Campus King? I mean, sanay ka na ba sa mga pagpuri nila sayo? 

Harold: Honestly, hindi pa rin po masyado e. Pero kailangan ko na ring masanay, si Aphrodite kasi e. Alam nyo naman na sanay na yun sa fame, ako lang naman ang hindi.

Author: So tanggap mo na rin na gwapo ka?

Harold: Hindi po author, pero dahil sabi ni Aphrodite, OO nalang :D

Author: Haha, os'ya sige, salamat sa time. Next time nalang ulit!

Harold: Welcome! Bye!

Name: Athena Rachel Cruz

Short Description:

Mabait naman yan e, pero sa oras na inagrabyado mo yan, naku! Lagot ka! Maldita yan no :P Pero wag naman kayo matakot sa kanya, mabait naman yan sa mabait. Kahit sya ang pinaka-mukhang mataray sa kanilang grupo, siya pa rin ang pinaka-soft hearted. Madali mo yang mapapaiyak sa mga maliliit na bagay. Kumbaga, ito ang weakness nya. Pero, shh lang kayo ha! Siya nga pala ang Campus Sweetheart. 

**interview with Rachel

Author: Hi Rachel! Bakit ayaw mo ipaalam sa kanila na may soft side ka?

Rachel: Hello po, author! Syempre po, kasi parang nakaka-down yun ng reputation no. Iisipin nila na ang maldita ko pero madali akong mapaiyak? No way! 

Author: Okay, chill naman dyan Rachel. Haha! Salamat sa time :)

Rachel: Ikaw kasi author e, sige po. Welcome :D

Name: Timothy Zeus de La Cruz

Short Description:

Napaka-talino nitong batang to, pero may tinatago din yang sikreto no! Ang galing kaya nyan mag-basketball, kaso ayaw daw nya kasi baka ma-discover siya. Natuturingan nga yang nerd e! Pero, keri nya lang. Mabait at napaka-tulungin nyan, kung gusto mo ng isang secret keeper, siya ang puntahan mo, kahit hindi man yan makapag-bigay ng advice, atleast gagaan ang loob mo sa sabi mo saknya. Palagi yang nakangiti na akala mo'y walang problema. 

**Interview with Tim

Author: Magandang hapon sayo! Napag-alaman kong hindi ka masyadong nagsasabi ng mga problema mo sa barkada nyo, bakit?

Tim: Same to you! Kasi, gusto kong ako lang ang magdadala ng problema ko, kasi syempre, yang tropa ko may kanya-kanya ding mga problema, ba't ko pa dadagdagan diba? 

Author: May tama ka! Alam mo bang parehas tayo! Anyway, salamat sa time. Sa uulitin!

Tim: Thanks din po, welcome :D

~.~.~.~.~.~.~.~.~

AUTHOR'S NOTE:

Don't worry guys, dadagdagan ko pa ang info nyan. At iuupdate ko na rin yung story ko, medyo hassle pa ngayon sa school kaya di ko ma-update . eheheh PAGPASENSYAHAN ^_^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon