“False hope is a terrible thing, if its the only thing keeping you alive you'll be dead by dawn.” - Charlie Rae
________________________
"Truth or dare?" tanong ni Lea kay Jake
Naglalaro kasi kami ng truth or dare, walang klase hindi kasi kami sinipot ng masipag naming teacher. Nasa room kami iba-iba ang ginagawa, maraming busy, busy makipagkwentuhah, busy magharutan, busy maglandian pero iilan lang ang busy mag-aaral, yun yung mga nasa top ayaw kasi paalis sa pwesto. Kami? Eto ine-enjoy ang pagiging high school pabanjing-banjing lang!! Pa laro laro lang ng truth or dare habang naka-upo sa lapag.
"Truth" parang wala lang na sagot ni Jake.
"Okay!" masiglang sabi ni Lea, para bang excited. Tsk! Palibhasa gusto niya kasi si Jake, lahat naman ata dito sa room..... wait! Hindi lang sa room kundi sa buong campus crush siya! Wala namang kakaiba sakanya, tao rin naman siya diba? Kumakain, dumidighay, sumusuka, umuutot at nagbabawas!! Diba? Eh bakit patay na patay sila? Gulo!!
"Sige! Sabihin mo kung sino ang crush mo sa room!" Tsk! Yan naman ang palaging tanong pagnag-truth ka! Alam ko naman na walang gusto yan sa room, wala naman kasing siyang kinakausap dito!! Masungit yan eh!!
"Si Rina" Sabi sa inyo eh!! Wala siyang gust-
Wait!! Sino raw? Hindi ako nagreact hindi ko kasi alam ang sasabihin ko, hindi ko alam ang tamang sagot. Hindi naman kasi siya nagtatanong!! Argh!! Naguguluhan na ako!! Ako lang naman ang Rina samin!! Natapos ang truth or dare and guess what? Tulala lang ako maghapon. Hindi ko alam na ganito ang magiging impact sakin. Inaasar na nga kami eh, pero siya parang wala lang sakin naman hindi ko na napapatulan kasi ng lutang parin ako sa sinabi niya. Umiling na lang ako ng malakas at mabilis, baka maalog yung utak ko!!
"Ui. Rina anong nangyari sayo?" Ngumiti na lang ako. Ayokong magsalita. Biro lang yun!! Joke lang!! Rinalyn, nagjo-joke lang siya!! Hindi ka niya gusto!!
Hindi ko naman siya gusto, diba?
**_________
Thrusday na at isang linggo na ang nakalipas simula nung naglaro kami ng truth or dare pero may napansin lang ako, sa mga nagdaang araw iniiwasan ako ni Lea, hindi ko alam kung galit ba siya o hindi, hindi naman kami close pero ayoko lang kasi nang may kaaway sa room, nahihirapan kasi akong gumalaw lalo na kung alam kong may nakatingin sakin. Hindi ko siya matanong dahil kada lalapit ako umiiwas siya, galit ba siya? Dahil dun sa sinabi ni Jake? Speaking of Jake..."Goodmorning" bati niya sakin, binati ko rin siya pabalik habang paupo siya at ngumiti naman siya. Nakakagulat man at nakakagulat talaga! Pero kinakausap niya na ako simula nung friday, hindi ko alam kung nagiba ba ang ihip ng hangin o siya lang talaga ng nagiba. Medyo masaya ako kasi naging kaibigan ko siya pero parang dumami ata ang nainis sakin simula ng naglaro kami. Hindi ko na initindi kasi hindi ko naman sinabi kay Jake na sabihin niyang ako ang sabihin niya na 'crush' niya AT wala akong ginagawang masama. Hindi naman ako lumapit sakanya para magustuhan niya!!
Hindi naman ako umaasa, diba?
**_________
Foundation week na!! Masaya ang lahat wala kasing klase at mage-enjoy ka pa! Nandito ako ngayon sa gym, manonood kami ng program. Hinhintay ko lang kasi si-
BINABASA MO ANG
Akala ko lang pala
Teen Fiction❝Akala ko kasi nung una hindi kita magugustuhan, akala ko kasi hindi ako aasa, akala ko kasi hanggang crush lang, akala ko kasi hindi ako magseselos, akala ko kasi gusto mo ako, akala ko parehas tayo, yun pala kayo na. Lahat ng akala ko hanggang aka...