chapter 24: San isidro:allemend mansion

10 1 1
                                    

--gaea---

Nam

Paalis na kami pero wala paring txt o tawag si sede.

"Aaron!!balik ka ah!"

Naiiyak na sabi ni shin..hindi siya pinansn ni aaron..isang limousine ang sasakyan namin at mukhang galing pa itong san isidro..hindi ko din kilala ang driver.

Nagpaalam na ako kila mama at sa mga kapatid ko.limang taon na simula nung huling punta ko sa san isidro at ngayon ay babalik akong muli rito.

Tahimik lang kami sa buong byahe..minsan naman ay naririnig kong nagkukulitan sila andre at kevin..habang si aaron ay tahimik lang.ganon din si xander na abala sa loptop nito.kahapon pa to ah!!

Limang oras lang ang byahe namin..at unti unti ng nagiging pamilyar sa akin ang allemend mansion..nag iisa lang ang mansion dito sa san isidro at yun ay ang mansion ng mga allemend.

"Sa wakas malapit na tayo"

Sabi ni andre sa likod.kumabog din ng malakas ang dibdib ko lalo na ng makita ang napakalaking gate ng mga allemend na yari sa bakal.bumukas ang malaking gate at masasabi kong mas lalong gumaganda ang allemend mansion..napakadaming nakaitim na lalaki na animoy mga istatwa lang sa paligid.

Sa hardin palang ay napaka lawak na.binuksan ko ang bintana ng kotse gusto kong masilayan ang ganda ng garden dito.maya maya ay huminto na ang sasakyan..may mga lalaking nagbukas ng pinto ng kotse na pawang nakaitim lahat ang suot nung makalabas na si xander ay sabay sabay silang yumuko.

Tss!!ang ooA..

"Maligayang pagdating Nam"

bati sa akin ni mrs.allemend at mr.allemend na pormal na pormal ang suot habang nasa likod naman nila ang young xander na kung hindi ako nagkamali ay siya si francis ang nakababatang kapatid ni xander na kaidad ko lang..not really kaedad dahil 2months ang tanda ko sa kanya..habang si xander naman ay 2yrs ang tanda sa akin.

Sinalubong ako ng yakap ng mag asawang allemend na labis ang galak sa kanilang mukha

"Francis come on batiin mo ang ate nam mo"

Tiningnan ako ni francis at saka bahagyang ngumiti.

"Hi"

Sabi lang nito..ginulo ni xander ang buhok niya at saka sila pumasok sa lokb ng bahay.

"Tara na"

Inakay naman nila ako sa loob ng bahay.hindi na sumunod pa sila andre.napakalaki talaga ng bahay nato..sa sala palang para na siyang isang malaking hall na ang luwag luwag at halata mong lahat ng naka display sa paligid ay mamahalin.nagkalat din ang mga katulong na naglilinis ng abog sa paligid na pare pareho ng uniform.yumuko silang lahat ng mapansin kami.senensyasan lamg sila ni mrs.allemend na ipagpatuloy ang ginagawa.

"Magpahinga na mona kayo sa kwarto siguradong pagod kayo sa byahe xander samahan mo siya sa kwarto niyo"

Tumingin si xander sa relo nito at saka bumaling sa amin.

"May lakad ako" wika niya at umalis.

San naman kaya pupunta yun?

"Ang batang yun talaga"

Iiling iling na sabi ni mrs.allemend..nakangiting binalingan niya si francis

"Francis anak..maari bang ikaw na ang sumama kay nam sa kwarto nila ng kuya mo?"

Tiningnan ako ni francis at saka tumango sa mga magulang niya.

"Sege na pahinga kana"

Nakangiting sabi ni mrs.allemend.sumunod ako kay francis na tahimik lang na naglalakad.parehong pareho talaga sila ng kuya niya suplado.

shes a Gangster Girlfriend and a Mafia WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon