chapter 19:May asawa kana ba?

141 6 0
                                    

--gaea---

NAM

Pagkapasok ko ng bahay ay nakita ko si shin sa garden namin na kagat kagat ang labi habang nakatitig kay aaron na may kausap sa cellphone.

Lumapit ako sa kanya at pinitik ang noo niya.mas lalo siyang nainis dun

"Ate naman e!"

Sabi niyang hinawakan pa ang noo niyang pinitik ko.tumingin din ako kay aaron at halatang enjoy din ito sa kausap niya sa cellphone

"Nagseselos ka?"

Tanong ko sa kanya.natataranta siyang tumingin sa akin

"TSS! ako magseselos sa basagulero nayan!pwe!"

Naiirita niyang sabi tsaka tumayo.at iniwan ako.

Bigla akong napaisip.hindi kaya may gusto na itong si shin kay aaron?my god!hindi pwede!pag nagkataon magiging pag aari na talaga kami ng mga mafia na yan.

Habang kumakain kami ay napansin kong pasulyap sulyap si shin kay aaron.

Si xander naman ay tahimik lang na kumakain.ganon din ang iba.matapos kumain ay pumasok ako sa kwarto ni shin..nakatitig siya sa bear habang nakadapa sa kama niya

"Ate bakit?"

Tanong niya at binaba ang bear.lumapit ako sa kanya at kinuha ang bear na nilapag niya sa kama.

"Kay aron ba ito galing?"

Tanong ko.akmang aagawin niya ito pero agad ko iyong naiiwas.

"Ate!!"

"Sagutin mo nalang kaya tanong ko."

"Napanalunan lang namin yan sa gun shot nung araw na lumabas kami kasama sila andre at kevin"

"So sa kanya nga galing?"

Bumuntong hininga siya bago sumagot.

"Oo"

Tiningnan kong mabute si shin.

"Nagkakagusto kana ba sa aaron na yun ha?shin!3yrs ang tanda sayo non!at isa lang siya sa tau tauhan ng demonyong xander na yun!"

Masama na kong masama pero ayaw kong magkagusto si shin sa aaron na yun.inagaw niyang muli ang bear pero agad ko namang naiiwas yun mula sa kanya.

"Ate hindi naman natuturuan ang puso kung sinong magugustuhan niya diba?'

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya.bigla nalang siyang humagulgol

"Ate naiinis ako sa kanya!matapos niya akong paibigin bigla nalang siyang nagbago!lagi ko siyang naririnig na may ibang kausap sa cellphone!at kahit hindi niya aminin alam kong umiiwas na siya sa akin!"

Mahabang sabi niya kasabay ng paghikbi niya.

"I told you!gago siya gaya ni xander!kaya umiwas kana rin sa kanya.!"

Mas lalong lumakas ang hikbi niya.

"Hindi ko kaya"

"Shin!!"

Nung akmang kukunin niya ang bear ay agad ko iyong itinapon sa bintana niya!!

"Ate!!"

"Trust me shin..hindi ka magiging maligaya sa kanya!"

"I hate you!!i hate you!!"

Tumayo ako dahil pinagtutulakan na niya ako palabas.

Tumuloy ako sa kwarto namin at nakita ko si xander na nakatingin sa kawalan.katabi niya ang cellphone na bigay ni jin sa akin.

shes a Gangster Girlfriend and a Mafia WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon