Prologue

20.1K 502 79
                                    

"Dahil hindi kita kayang tiisin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Dahil hindi kita kayang tiisin. Kung kaya nilang lahat na makitang nagkakaganyan ka, puwes ako, hindi. I care a lot about you, sugar. I love you, for god's sake. Hindi mo pa ba alam iyon hanggang ngayon?"


February 14, 2014

"SINABI ko na sa inyo, I don't wanna be disturbed!" singhal ni Porsche nang maramdamang bumukas ang pinto ng kuwarto niya.

Mahigit isang linggo na niyang tinalikuran ang buong mundo at ang espasyong iyon lang ang iniikutan niya. Ang pagkain niya na dinadala ng yaya ay tahimik na inilalagay lamang sa sariling dining area ng napakalaki niyang silid. Her bedroom suite was at the farthest corner of the Ilustre mansion's left wing. Hindi kalabisang sabihin na ang kinaroroon niya ngayon ay silid sa loob ng silid.

Walang makapagtangka na kumausap sa kanya. Wala siyang sinisino. Ang sumuway ay nakakatikim ng angil mula sa kanya.

Minsan nang nagtangka ang Kuya Leandro niya na kausapin siya. Pinairal niya ang kamalditahan at inangilan ito na parang siya ang nakakatanda. Siguro sadya lang siyang mahal ng nag-iisa niyang kapatid kaya pinalampas nito iyon. O marahil ay iniintindi na lamang ang sitwasyon niya. Sa huli, nag-alok ang kuya niya na kung gusto niyang mangibang-bansa ay bukas para sa kanya ang flat nito sa New York para tuluyan niya.

She was also indulged by her parents. Ibinilin na lamang ng kanyang papa sa mga katulong na huwag siyang kalimutang dalhan ng pagkain. Pero tanging yaya lang niya ang may lakas ng loob na pumasok sa kuwartong iyon kapag ganoon na matindi ang alburuto niya. At madalas din kaysa hindi, halos hindi naman nagagalaw ang mga pagkaing iyon.

She barely ate. Kahit nararamdaman niya ang gutom ay hindi niya magawang lunukin ang pagkain. Nilulunod na lamang niya ang sarili sa pag-inom. Her personal ref was stocked with lots of beverages at meron din siyang inuming nakalalasing. But ironically, sa kabila ng pagmumukmok niya ay hindi niya pinapansin ang alak.

She was just there on her bed. Halos hindi siya kumikilos. Nakatulala lang madalas. Nakatitig sa marangyang disenyo ng kanyang kisame na napipintahan ng kulay maputlang rosas. At tiyak niya, sa tagal ng pagmumukmok niya doon, kung sinubukan niyang bilangin ang mga kristal sa magarbong aranya sa kuwartong iyon ay malamang na nabilang na nga niya.

Pero madalas kaysa hindi, nakadapa siya at tinitigmak sa luha ang fire-retardant na unan niya. Her bed was a big mess. She was also a big mess herself.

"Kahit ba ako, hindi puwedeng mang-istorbo sa iyo?"

Mula sa pagkakabaon ng mukha niya sa malambot na unan ay lalo pang kumunot ang kanyang noo. Ni hindi niya kailangang tingnan kung sino ang pangahas na iyon.

"Go away, Jack. I just want to be alone." Lumambot ang tinig niya at idiniin pa ang mukha sa unan.

"Come on, sugar. Get up."

"Ayoko. And please, go away. Utang-na-loob."

"At paano kung ayaw ko?" tila hamon nito.

"Jack Rheus, utang-na-loob, iwan mo ako. Ayoko talagang makipag-usap kahit na kanino. Magpasalamat ka at mahinahon pa ako sa iyo." And it was so true. Hindi rin niya alam kung bakit.

Be My Valentine - Be My SugarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon