Part 19

7.3K 223 34
                                    


  "Bakit ako nakahubad dito?"  

NAKAPIKIT pa si Portia ay nag-iinat na siya. Nang umunat ang braso niya ay naramdaman niya ang kakaibang lamig na dumampi sa kanyang balat. Mabilis siyang napadilat. At nanlaki ang mga mata nang makitang hubad siya. Napabalikwas siya sa sofang hinigaan. Iniisip niya kung paanong naging hubad siya doon habang hinahagilap ang mga damit niya. Nakita niya iyon na maayos na nakatupi sa sandalan ng sofa.

"Gising ka na pala." Buhat sa banyo ay lumabas si Jack. Nakabihis na ito. In fact, bihis na bihis. Kulang na lang sa pormal na gayak nito ay ang jacket.

Pero hindi niya pinag-ukulan ng labis na pansin iyon. Karaniwan na dito iyon, depende sa pupuntahang pagtitipon. "Bakit ako nakahubad dito?" sa halip ay tanong niya at itinabing sa sarili ang comforter.

Isang matabang na tingin ang ipinukol nito sa kanya. "Ako ang dapat magtanong niyan sa iyo. Bakit natulog ka ng nakahubad diyan?"

Mabilis niyang inalala ang nagdaang gabi. "Init na init ako kagabi---"

"Save your breath. Nagtagumpay ka na," agaw nito sa sasabihin pa niya. "Mabuti pa ay magbihis ka na."

Napakunot ang noo niya. "Ang suplado mo naman ngayon. Masama ba ang gising mo?"

"Napakasama. Baka nga mas maganda pang hindi na ako nagising. Sige na, kumilos ka na."

"Paano naman ako magbibihis kung nandiyan ka? Pahiram ng robe. Sa banyo ako magbibihis."

Tumikwas ang sulok ng labi nito. "Ano pa ba ang balak mong itago sa akin samantalang makikita ko din naman ang lahat ng iyan."

"What are you talking about?"

"Huwag ka nang magmaang-maangan, lahat ng ito, ikaw ang nagplano." He made a tsk sound. "I can't believe this, Porsche. Hindi ko akalaing ganito ka kadesperada."

Lalong lumalim ang gatla sa noo niya. Itinapis niya ang comforter sa kahubdan niya at humakbang palapit dito. "Anong desperada ang sinasabi mo diyan? At anong plano? I got drunk last night. First time ko, hindi ba? Ikaw ang unang bumagsak. I felt some itch on my body tapos nagsunod-sunod na kung saan-saan iyong makati. Hindi ko na alam kung ano ang kakamutin ko. Tapos ang init-init ng buong katawan ko. Naghubad ako dahil hindi ko na maintindihan ang naghahalong kati at init na nararamdaman ko---"

Walang salita na tinanggal nito ang nakatabing sa kanya.

"Jack!" singhap niya nang maipon sa paanan niya ang comforter.

Awtomatikong pinagkrus niya ang mga kamay sa tapat ng dibdib. Parang gusto niyang ginawin sa paraan ng pagtingin sa kanya ng binata nang hagurin nito ng mata ang kabuuan niya. Where was the passion she used to see in his eyes? Mala-yelo ang lamig ng mga mata nito. 

"What are you doing?"

Ibinalik nito sa mga mata niya ang tingin. "Tinitingnan ko lang kung ano ang nakatakdang maging akin," walang emosyon na sabi nito.

Pinulot niya ang comforter at muling tinakpan ang sarili. "Hindi kita naiintindihan, Jack. Kung may lakad ka, mauna ka na. Magbibihis lang ako at uuwi na ako."

"Hindi ka na uuwi sa inyo mula ngayon. Kung nasaan ako, dapat nandoon ka din."

"At bakit naman?"

"Ganoon ang mag-asawa, hindi ba? Dapat na laging magkasama."

"Mag-asawa? Tayo?"

Tumawa ito nang walang tunog. "Cut the hypocrisy, sugar. Malapit nang bumitiw ang hinahon ko. Ikaw ang may gustong mangyari ang lahat ng ito. Sige na, magbihis ka na muna. Baka mainip sa atin ang mama at kuya mo. Pupunta tayo sa inyo."

Hindi siya tuminag sa kinatatayuan. "Linawin mo, Jack. Paano tayo magiging mag-asawa? Are we going to get married?"

"Don't be silly. Nakalimutan mo na bang ilang beses mo akong inalok na pakasalan ka?"

"But you never said yes! Bakit mo ako pakakasalan ngayon?"

"Your father is also coming. Bago matapos ang araw na ito, kasal na tayo," sa halip ay sabi nito.

"Wait! Bakit? Paano nangyari?" Parang hindi maproseso ng utak niya ang sinasabi nito. Taliwas iyon sa bagay na tinanggap na niya kagabi. Inihanda na niya ang sarili na magiging magkaibigan lang sila nito.

"Nakakapagod sumagot gayong alam ko naman na alam mo ang lahat ng tungkol dito. Look at me, papasa naman siguro sa iyo itong suot ko para sa kasal natin?" Inayos pa nito ang butterfly sa ilalim ng collar nito.

"Oh, my God, Jack," sabi niya na parang hindi na maisip kung ano pa ang sasabihin.

"Magbihis ka na. O baka gusto mong unahin na natin ang honeymoon?"

Parang may pakpak ang mga paa na binitbit niya ang damit patungo sa banyo.



*******

Hello, readers!

Thank you for reaching up to this part.

For some years, readers had the opportunity to enjoy reading this over and over again for FREE.

However, this time around, the complete story found its new home at Dreame. (Ang Dreame ay isa ring reading app na gaya ng Wattpad. Hanapin lamang sa Google Playstore (for Android users) at sa iPhone users, pakihanap na lang din.)

You can search me on Dreame under the username Jasmine Esperanza.

Thank you so much.

*****

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor  

Be My Valentine - Be My SugarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon