Prologue

50 0 0
                                    

Naniniwala ka ba sa tadhana? Eh sa happy ever after? Para sakin ang corny isipin, kasi pano mo masasabing tinadhana kayo ng isang tao? At pano mo rin masasabi na may happy ever after? Eh di sana walang bitter sa mundo na nagsasabing "WALANG FOREVER!"

Nakakatawa mang isipin pero minsan na din akong nabilang sa institution ng mga sawi sa pag-ibig at nabitter sa poreber. Ang childish at immature kung iisipin, pero minsan umaabot talaga tayo sa point ng buhay naten nan di na natin kilala ang mga sarili natin.

Simple lang naman akong tao: scholar ng isang sikat na unibersidad, hindi ganon kayaman pero hindi rin naman mahirap. Minsan na akong nagmahal ng todo sa maling lalaki, kahit una palang alam ko nang mali at masasaktan ako, itinuloy ko parin. Kaya hindi ko masisisi kung iniwan niya ako, because he was never originally mine at the first place. 18 palang ako pero mga problema ko daw pang 23 years old na. Marami na akong napagdaanan at a very young age, actually okay lang naman sana buhay ko kung hindi dahil sa love love nay an. Pero anong magagawa ko? When love strikes me wala na akong powers para pigilan ito.

Ako si Jessie Castro, maganda daw ako, marami akong manliligaw, scholar, may maipagmamalaki naman kahit papano. Matalino daw ako, gifted. Pero ang tanga ko lang talaga pagdating sa pag-ibig. Minsan na akong nagkaroon ng ka forever ko at binitawan ko siya para sa lalaking taken na. Ngayon I'm left with no one with me, hindi pa mandin ako sanay na walang boyfriend. Wala akong inspirasyon para mabuhay.

Things changed when I met someone whom I thought would change the way I view love again. I am Jessie, Jess in short, and this is my story.


Bulong ng TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon