December 11,2015
Fourteen days before Christmas, nasa balkonahe si Andrea, nag iisip ng malalim habang nakatingin sa kawalan.......
sino ba talaga ako? Bakit andami kong nakikitang kakaiba sa panaginip ko?
Sambit ng kanyang isipan.....
Ano ba ang mga iyon? Parang isang lugar na napagiwanan na ng panahon, na para bang ghost town...
Ahh!! Ewan!!
Sigaw nya sa sobrang pagkainis
Bakit ko ba pinag aaksayahan ng panahon ang pesteng panaginip na yun? Panaginip nga lng diba? Hindi nman siguro totoo yun..
Lingid sa kanyang kaalaman na sa di kalayua'y nakatanaw sa kanya ang isang babaeng my asul na buhok at kumikintab na kasuotan.. nakamasid lamang ito sa kanya, pinagmamasdan kung ano ang ginagawa ng dalaga...
Oh! dea! Anung ginagawa mo jan? keaga-aga ee nakatunganga ka dito sa labas?
Tanong ng kadadating lng na tyahin ni andrea.. marami itong bitbit na pinamalengke..
Ahh wala ho tyang, inaantay lng ho kita, alam ko nman po kasing marami kang bitbit, buong palengke ho kase ang bininili nyo ee...
Sagot naman ni andrea na my halong pagbibiro..
Sus! Tong batang to, syempre mas maganda ng mamili ng marami para my stock tayo, ang hirap nman kung palagi tayong lalabas dahil madaming kulang sa ating kusina, saka isapa my ref nman tayo na mapag iimbakan kaya di ka dapat mag alala....
Tugon naman ng kanyang tiya na nagsimula ng maglakad papasok sa loob ng bahay..
Alam ko nman po yun tyang, mas mabuti na rin yung ganun para walang naaabala...
Nakasunod lang si andrea sa likod ng kanyang tiyahin..
Tama ka jan... nga pala dea, mamayang tanghali darating ang kuya jerson mo, ayusin mo nlng yung kwarto nya at magluto ka narin ng paborito nyang minudo....
Ha? Ako lng gagawa nun lahat tyang?
Di makapaniwalang tanong ni andrea.
Oo,ee , pasuyo na lng anak, aalis kasi ako ngayon ee, pupunta ako kila manang berta my appointment kasi ako sa kanila ngayon, alam mo naman tuwing sabado nag papa manecure yung mag asawang yun ee..
Nakikiusap na sagot ng kaniyang tiyahin.
Nanlulumong napaupo sa mesa si dea sa pag iisip kung kakayanin nya bang gawin ang lahat ng iyon..
Hija kakaunti lang naman yun ee, sige kung gusto mo mamaya pagkatapos ng pananghalian ay mamasyal ka kasama ng mga Kakalase mo oh kung ano mang gusto mong gawin, ikaw ang bahala sa oras mo maghapon, basta siguraduhin mo lg na makakauwi ka bago mag alas sais ha,
Pampalubag loob ng kanyang tiyahin,,
YES!!!!thank you tyang, ang bait nyo talaga! Da best ka! Pramis!!!!!
Tuwang tuwang napalundag ang dalaga sa kanyang narinig at buong pusong nagpasalamat sa kanyang tiyahin...
Iiling-iling naman na nakangiti ang kanyang tiyahin dahil sa pambobola ng kanyang pinaka mamahal na pamangkin..
Maagang naulila si Andrea dahil sa isang malagim n insidente na hanggang ngayon ay hindi sinasabi sa kanya ng kanyang tiyahi, at sa tuwing magtatanong naman si andrea tungkol sa kanyang mga magulang, isang mapait na ngiti lng ang isinasagot sa kanya ng kanyinang tiyahin sabay ng pagsabing,
Nasa heaven na sila anak....
Habang may namumuong luha sa kanyang mga mata...
Hindi na lamang ito pinapansin ng dalaga at din a sya nagtatanong pang muli...
Sa araw araw na ganoon ang sinasagot sa kanya ng kanyang tiyahin ay nasanay na lamanng siya... at unti unti na lng na tinanggap na wala na ang kanyang mga magulang, hindi naman nakararamdam ng pangungulila s idea dahil sobra sobra ang pagmamahal na ibinibigay ng pamilya ng kanyang tiyahin para sa kanya.. nangungulila man ay gayon parin ang pasasalamat niya sa Poong may kapal...
Naglilinis si dea sa kwarto ng kanyang pinsan ng maalala niya ang panaginip niyang ilang gabi ng bumabagabag sa kanya..
Ano ba kasing meron sa lugar nay un?? Nakakaloka na aa!....