My Unrequited Love II

4 0 0
                                    

My Unrequited Love II

See Rei Kelvin Lee's photo here ↗↗↗↗↗↗↗↗↗↗↗↗↗↗

Ako nga pala si Rei Kelvin Lee, 17 yrs. Old. My birthday is January 1, 1998.

PHYSICAL APPEARANCE:

___maputi

___matangkad

___maganda mata

___matangos ilong

___mapula ang labi

___mahaba ang pilik mata

___swabe

___at tsaka G_W_A_P_O

When it comes to my attitude siguro:

___mabait pag tulog.

___masipag pag nasa panahon kung hindi tatamarin

___palakaibigan siguro????

___matalino sa chiks hahaha

___mayabang siguro ewan pwede

___mahaba ang pasensya huwag lang pupunuin

___palangiti dagdag pogi points din yun....

Sporty naman ako kaso ayoko talaga mapagod bawas pogi points iyon pagpinawisan at amoy araw. Mas prefer ko pa ang mind games or board games.

Maglalaro ng team sports tapos ano? Away lang ang kalalabasan, sakit ng katawan, at pagod lang naman wala namang mapapala.

Mahilig ako sa hang-out kung may kasama at sa joy ride.

Pero lahat ng iyan ay magbabago dahil sa pagmamahal ko sa isang babae, kaya hahamakin ko ang lahat.

Today is the day para pumili ng kursong kukunin sa kolehiyo I made up my mind and I chosed Bachelor of Education (BSEd). I don't know why kung bakit ito napili ko, wala naman ito sa plano ko. Ang gusto ko lang naman ay Bachelor of Culture and Arts but it ended up like this. So weird nga para sa akin kasi hindi naman ako magaling maghandle ng students it's not my specialty. Pero siguro kaya ko kinuha ito dahil sa convincing power of the guidance counselor. Bahala na nga poproblemahin ko na lang ito pag nasa field na ako. Sabi nga huwag mo munang iputok ang iyong baril kung hindi pa oras ng giyera. Gets niyo ???

The second day is the "Day for Enrollment" dinala ko na lahat ng requirements ko na kailangan dalhin, dahil ayoko ng eengot-engot gusto ko isahan lang.

Nung ipapasa ko na ang aking requirements at sasabihin ko na lang 'yung course ko soon sa in-charge sa enrollment ay may nakaagaw ng aking atensiyon. Hindi ko akalaing para siyang anghel sa lupa ang cute niya at ang ganda niya, ewan basta lahat sa kanya maganda.

Hindi ko namalayan na nakanganga na pala ako, pamilyar kasi sa akin ang kanyang mukha. Bumalik lang ang aking kaluluwa ng sinigawan ako ng in-charge na teacher. Medyo na strike 1 ako doon ah! But anyway back to the line, nakapila nga pala ako. Pinasa ko na ang requirements then tinatakan lang nila tapos magproceed na lang daw ako sa window 5 kung saan ako mag-eenrol. It is the windows for BSEd, BEEd and TCP only.

Pero hindi pa rin naaalis ang tingin ko sa kanya, hindi ko maalala kung saan ko siya nakita dahil parang pamilyar ang mukha niya sa akin. Hangga't sa papalabas na sana siya ay bigla siyang binunggo ng nasa likod at nahulog ang mga papers niya.

Napasabi na lang akong walang modo 'yung bumangga na iyon kala mo bulag, kaagad akong umaksyon at pinulot ko ang mga nagkalat na papel.

"Miss here oh?!" Inabot ko naman sa kanya yung mga papers niya

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon