PHILIPPINES
[3] Sky
Mapayapa akong nakatingin sa dalampasigan ng may bigla nalang sumigaw sa likod ko dahilan para mawalan ako ng balanse. Pumikit ako at inisip na mahuhulog ako ng ilang minuto pa ay hindi ko pa rin nararamdaman ang malamig na tubig ng dagat at sa halip ay mainit at malambot ang naramdamang kong nasa aking bewang. Pagdilat ko sa aking mga mata ay nakasalubong ko ang maitim na mga mata kung saan parang nang aakit pa ito. Tinignan ko ang kaniyang buong mukha at masasabi kong gwapo ang isang ito. Ngunit kapag hindi pa niya ako binitawan ay masasapak ko na siya. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Walo. Siy--.
"Are you all right?" tanong nito sa akin at pagkatapos ay inalalayan akong makatayo ng maayos. Sayang, gusto ko pa namang mangsapak ng tao ngayon. Isang segundo na lang eh!
"Okay la-- I mean, I'm all right" sagot ko sa kaniya. Tumawa siya ng mahina dahilan para mapatingin ako sa kaniya ng naguguluhan, mukha namang naramdaman niya iyon. "Nakakaintindi ako ng tagalog" sabi niya, pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko. Kahit kasi itim ang kulay ng mata at buhok nito ay napakaputi nito katulad ng isang espasol at ang pagkakasabi niya sa mga salitang binitiwan niya kanina ay may halong accent ng mga foreigner kaya hindi ko inakala na nakakaintindi siya ng tagalog at nakakapagsalita, ayon nga lang, slang ang pagkakapronounce nito.
"Ahh, okay, salamat nga pala sa pagsagip sa akin kanina, muntik na tuloy akong mabasa" sabi ko nalang sa kaniya.
Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa na parang may sinusuri, nailang naman ako sa ginawa nito, maya-maya pa'y nagsalita muli ito "Wala ka dapat ipagpasalamat, I am only doing the right thing atsaka kasalanan ko pa nga nang muntik ka nang mahulog sa tubig dagat" Hmp! Buti alam niya! Ang steady-steady ng pagkakabalance ko sa katawan ko kanina ay bigla na lang tong susulpot at saka sisigaw?
Binabalance ko ang aking katawan kanina-nina lang. May hawak-hawak na isang kalahating supot ng maliliit na mga bato sa magkabilang kamay habang nakataas ang isa kong paa sa likudan at nakatapak sa isang medyo malaking bato na nakita ko lang sa kung saan.
Walang nagsalita ni isa sa amin, kaya naman ay nagsimula na akong magpaalam dahil hapon na rin naman. "Kailangan ko ng umalis, baka naghihintay na sa akin ang pamilya ko. Sige paalam at salamat ulit" Tumalikod na ako ng hawakan niya ang kanang kamay ko dahil para mapatingin ulit ako sa kaniya. "May kailangan ka ba?"
"Ah!" Sabi niya, at pagkatapos ay binitiwan ang aking kamay at itinaas ito parehas sa ere. "I'm sorry, I just want to know your name"
"Ekaf, Ekaf Eman ang pangalan ko" wika ko sa kaniya. Hmmp! Asa ka namang sasabihin ko sa iyo ang pangalan ko.
"That's... a unique name" sabi nito. Unique name mo mukha mo! "Is there any chance na magkita pa muli tayo?" None! Hindi na ako muling makikipagkita sa iyo noh! Paraparaan nga naman, napakaold-fashioned at kabisadong-kabisado ko na ang mga moves niyo.
"Unfortunately, hindi ko po alam kung magkikita pa muli tayo" Ang sabi ko nalang kahit parang gusto ko siyang suntikin sa mukha. Para naman siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Ganiyan talaga ang buhay, makakahanap ka rin ng taong para sa iyo.
"Ah, ganon ba?" Tumango ako, pinalungkot naman niya ang hitsura niya. Luma na iyan, alam na alam ko na yan. Hindi mo ako madadaan diyan sa makalumang diskarte ng mga lalaki.
"Sige mauna na po ako, kailangan ko na pong bumalik sa amin" Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita pa dahil aabutin kami ng gabi dito kung pinagsalita ko pa siya, eh sigurado naman akong nakikipagflirt lang naman yan sa akin. Pasalamat siya hindi ko siya pinatulan kundi meron na siyang bali sa buto. Hmp!
NANG dumating ako sa aming bahay ay nadatnan kong nasa labas ng bahay namin si Axel, ang nakakabata kong kapatid na ngayon ay labing dalawang taong gulang na. Siya ay may black na may konting brown na buhok at kulay chocolate brown na mga mata. Kahit bata pa lang ito ay may katangkaran na ito kumpara sa edad nito ngunit hindi aabot sa kaniyang tangkad. Ngumiti ako ng pagkalaki-laki at niyakap siya "Ang sweet mo naman Xel! Hinintay mo talaga ang ate?"
BINABASA MO ANG
AMSC [HIATUS]
Novela JuvenilSKYZZE BLUE AZUMI is the 'Miss Hearthrob Player' of DoA Academy. She is someone all girls are envious of. All -- except a certain group-- of the boys are charmed by her beauty, she is described as the Modern Goddess of Beauty and Knowledge -- Aphrod...