♥Chapter 4♥

3 2 2
                                    

Tiffany POV

Ang sarap ng tulog ko, nagising ako dahil sa mabangong amoy na narinig ko. Ang lambot naman ng kama na ito ang lamig pa. Ayoko pa bumangon pero talagang nagugutom ako sa sarap ng amoy, napabalikwas ako ng bigla kong maalala na wala pala ako sa bahay nasa batangas pala ako with Steve. Teka, Oo nga pala nakatulog ako sa Hallway kagabi ano nagyari sa rooms? lumabas ako ng kwarto at napansin kong ang ganda naman pala ng Room na ito kompleto para lang ako nasa bahay. may kusina, may sala, kwarto pero isa lang ang kwarto. kulay puti ang furnishing ng kabuuan nitong kwarto, lahat black and white naman ang mga gamit. Astig hehe. dumeretso na ako sa kusina nanlaki ang mata ko ng may makita akong lalaking nakatalikod nagluluto. nataranta ako sisigaw sana ako kaso hindi natuloy,nagtago ako napansin ko kasi ang ganda naman ng katawan ng magnanakaw at tsaka ibang klase ang puti, ang kinis, parang ang sarap yakapin ang pwet ang tambok ang sarap siguro pisilin niyan. Sosyal na akyat bahay nagluluto habang naka hubad. bumalik ako sa sala naghanap ng pamalo nakit ko naman ang flower base, pabalik na ako sa kusina pag silip ko wala na ang hot na magnanakaw. pumasok ako sa loob, tiningnan ko ang ref baka nagtago doon pero wala, sa ilalim ng mesa pero wala busy ako sa pag iisip ng biglang may yumakap sa bewang ko kaya napasigaw ako.

"Waaaaaaaaaaaa wag po manong, kua, wag po!!! ayoko pa pong mamatay virgin pa po ako, kahit Hot kag magnanakaw may Boyfriend na po ako hindi po ko papatol, wag niyo po akong gahasain if you want kunin niyo nalang po lahat ng gamit ko wag lang ako. waaaaaaaahhhhhhh Steve tulong huhuhuhu waaaaaaaaahhh!!!!"
"What the f***!!" hala! nag english si kuya magnanakaw. Ka boses niya si Steve, pag harap ko sa magnanakaw nanlaki ang mata ko si Steve!
"Waaaaa Steve, may Hot na magnanakaw kanina dito, nakahubad tapos nagluluto dito sa kusina." sumbong ko kay Steve. pero si Steve nakangiti lang.
"Steve! sabi ko may Hot na magnanakaw dito kanina. Your not listening at bakit naka ngiti kapa?" takang tanong ko.
"Hot na magnanakaw?" Tanong ni Steve
"Yes Babe." Naka pout na sabi ko.
"Hahaha so you think I'm Hot? hahaha silly girl hahaha" Hala nabaliw na si Steve at anong sinasabi niyang I think He's hot? tiningnan ko si Steve, mula ulo hanggang paa saka ko lang na realized na siya at yung magnanakaw pareho nakahubad ibig sabihin... Hala! tumakbo ako pabalik sa kwarto sabay tago sa ilalim ng comforter bakit ba ang engot ko?? hindi ko napansin na si Steve yun. Haaaiissttt naririnig ko pa hanggang dito sa kwarto ang tawa ni Steve.
"I'm really really hot Babe, I already know that! Hahaha" Sigaw ni Steve.

Nandito kami ngayon sa tabing dagat naliligo, naka short at T'shirt lang ako tapos si Steve naka short pero ang gwapo parin. nakakaasar kasi hanggang ngayon hindi pa siya tumitigil sa kakatukso sa akin tungkol sa nangyari kanina. Tulad ngayon.

"Babe bagay sayo suot mo, simple but hot." namula naman ako sa sinabi ni Steve.
"Bwisit ka Babe! ewan ko sayo.!" At nag walk out ako. tinatawag niya ako habang tumatawa, hindi ko siya pinansin deretso lang ako sa paglalakad hanggang sa napadpad ako sa isang bahagi ng Resort ang ganda naman dito, andaming Kayu (yung matataas na halaman, na kulay puti na kapag humahangin linilipad yung puti. basta yung ginagawang unan hehe) umupo ako sa isang malaking bato habang nakatingin sa dagat, ang sarap ng simoy ng hangin napakunot noo ako ng may marinig ako sound ng guitar. ang ganda ng hatid na musika, hindi na ako nakatiis hinanap ko na ang pinang gagalingan ng musika. at sa likod ng isang malaki pang bato nakita ko isang lalaki nakaupo at nakapikit habang tumutogtog ng gitara.
"Ang galing mo naman." Nagulat ang lalaki sa biglang pagsalita ko. naka kunot noo niya akong tiningnan. kqya nginitian ko lang siya.
"Ang galing mo naman, hehe"
"Sino ka?" Sabi ni kuya, bago ako nagsalita tumabi na ako sa harap niya.
"Hi I'm Tiffany, ang galing mo naman, ano name mo? ay teka taga dito ka ba? ah siguro Hindi kasi mukhang taga maynila ka saan ka sa maynila? Ano kaba naman, andami ko ng tanong your not answering."
"Papano ako makakapag salita kong dere deretso ka sa pagsasalita, hindi mo lang naman ako pinagsasalita" Nakakunot noong sabi nito.
"Ay sorry hehehe."
"Josh"
"Sino si Josh?"
"Seriously? your asking me who I am tapos sasabihin mo, sinong Josh? Oh cmon."
"Heheh ito naman ang seryoso nagbibiro lang ako haha." at nagkwentuhan kami hanggang sa hindi ko na napansin ang oras.
"Hala Josh! mag gagabi na pala!
"Ngayon mo lang napansin?"
"Hindi pa ako nag Lunch at Meryenda! Lagot! si Steve pa pala! Lagot talaga ako.! hala hala.." At tumakbo na ako pabalik sa hotel. Pagdating ko sa Hotel dumeretso ako sa room namin ni Steve. Wala akong spare key si Steve lang meron, nasa tapat na ako ng pintuan ng kwarto ng subukan kong buksan ang pinto at ayehey! bukas siya. madilim wala tao? hindi tulog na siguro si Steve sana oo, lagot ako pag nagkataon. naghihinay hinay ako sa pagpasok dederetso ako sa kusina sigurado akong may pagkain doon. kakalampas ko palang sa sala ng bumukas ang ilaw. tiningnan ko ang paligid at nakita ko si Steve naka handig sa katabi ng switch ng ilaw naka cross arms. Patay!
"Where have you been Tiffany?" Nakakatakot ang tingin at boses ni Steve, Layas ka kasi Tiffany! bahala ka sa buhay mo!

Hahahaha hello there guys! hihihi. ano po masasabi niyo? hehehe

Pahingi po akong feedback o comments

nagsusumamo,

writer

hehehe

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Someone To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon