No Choice
Nakasakay ako sa tricycle patungo sa kolehiyo kung saan ako pumapasok. Sa wakas, simula na rin ng bagong academic year! Buong bakasyon kasi ay wala akong ginawa kung 'di kumain, matulog, mag advance reading at tumugtog ng gitara. Kulang na lang yata ay tumulong ako kina tito na magsaka at mag-gapas ng palay sa sobrang pagkabore ko.
Papasok pa lamang ako sa gate ay rinig na rinig ko na ang mga tilian, sigawan at kwentuhan ng mga kapwa ko estudyante. Tss, hindi ba nila kayang hinaan ang mga boses nila? Kung makapagsalita eh akala mo nasa kabilang kanto yung kausap, katabi lang naman nila. And FYI, two months lang silang hindi nagkita ah, hindi ISANG TAON!
"Ashhhhhh! I missed you!" Bungad sa akin ni Gianna sabay yakap pagkadating ko sa room.
"Juskong mahabagin! Bagong taon na, hindi pa rin humihina yang boses mo?" Hindi ko sinuklian ang yakap niya hanggang siya na mismo ang kumalas.
"Grabe ah. I missed you too Ash, I missed you too. Tss! Wala ka talagang kahit kaunting sweetness diyan sa katawan mo no?"
"Huwag ka ngang OA Gianna. Dalawang buwan lang tayo walang pasok. And for God's sake, nagkita lang tayo nung fiesta!" Inirapan ko siya sabay punta sa kung saan ako madalas umupo, sa pinaka harap.
"Hay nako, ewan ko sayo girl. Kailangan mo na yata talagang magkaboyfriend para maging sweet ka naman kahit papaano. Bakit kasi hindi mo bigyan ng chance yung mga nagbabalak manligaw sa iyo? May mga itsura naman ah." Aniya sabay upo sa tabi ko.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo Gianna, wala akong panahon sa lovelife na yan. Besides, ano naman kung gwapo sila? Mga kupal naman." Totoo iyon. Kundi basagulero ay mayayabang ang mga nambabalak manligaw sa akin. Seriously? Anong mararating nila kung ganyan ang mga ugali nila?
"Grabe siya oh! May mga matitino rin naman ah? Kaya lang 'di pa man kasi nanliligaw, binabusted mo na." Sagot ni Gianna. Inirapan ko lang ulit siya.
Isa rin sa mga dahilan kung bakit ayoko iinvolve ang sarili ko sa love na yan ay dahil na rin mismo sa kanila. Alam ko namang ninety percent sa mga nambabalak manligaw sa akin ay dahil gusto lamang sumikat.
"Speaking of gwapo, may poging transferee raw girl!"
"So?" Tanong ko kahit na mukhang alam ko na yung sino yung tinutukoy niya. Bigla akong kinabahan sa naisip ko.
"Share lungs! Baka kasi magbago ang ihip ng hangin at maging interesado ka na." Natatawang sabi niya sabay lingon sa may pintuan.
Natahimik ang buong room nang pumasok ang isang matandang babae na sa tingin ko'y ang propesor namin at isang lalaking pamilyar na pamilyar sa akin. Sinasabi ko na nga ba! Siya nga ang sinasabing transferee ni Gianna!
Luminga linga ang lalaki na tila naghahanap ng mauupan. Nagulat ako ng makita kong papunta siya sa lugar namin at di nagtagal ay umupo na sa tabi ko. Liningon niya ako ng isang beses at pagkatapos ay pinakita na naman niya sakin ang ngiting ipinakita niya sakin noong nagkakilala kami sa bahay.
Damn! Ano bang problema niya?
Hindi nagtagal ay nag-umpisa na ang aming propesor na Marlyn Balmeo pala ang pangalan. Walang duda na isa siyang napakasipag na guro dahil unang araw palang ng klase ay nagdiscuss na siya. Oh well, naenjoy ko naman yung buong time niya except for the fact na bulong ng bulong sakin si Gianna tungkol sa katabi ko.
Pagkatapos kami idismiss ni Ma'am Balmeo ay dumiretso na agad kami sa labas ng room para kumain sa cafeteria. Pero nagulat ako nang sumabay sa aming maglakad si Cash. Mukhang ganoon rin ang reaksyon ni Gianna dahil nanlaki ang mga mata niya at napanganga pa siya.
ANO SA TINGIN NIYA ANG GINAGAWA NIYA?
Huminto ako sa paglalakad at bumaling sa kanya.
"Uhm, excuse me? What are you doing?"
"Huh? Naglalakad."
PILOSOPO!
"Huwag mo nga akong pinipilosopo. Ang ibig kong sabihin, bakit ka sumasabay saming maglakad?"
"Bakit? Masama na bang sumabay maglakad ngayon?" Aniya sabay taas ng kilay na tila ba naghahamon.
Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad papuntang cafeteria.
As usual, habang naglalakad ay maraming bumabati sa akin at nagpapapansin. Pagkadating namin sa cafeteria ay agad naman kaming nakahanap ng mauupuan. Aba't ang mokong, sumunod din sa table namin at nauna pang umupo!
Ang kapal!
"Bakit ka ba sumasama samin?" Hindi ko na natiis na itanong sa kanya.
Nagkibit balikat lang siya. "Ikaw lang ang kilala ko dito remember? Kaya kanino pa ba ako pwedeng sumama?"
"So no choice ka lang kaya ka sumasama samin ganon?"
"Parang ganun na nga."
ABA'T!
Dahil sa sobrang pagkainis ay hindi ko nalang siya ulit pinansin. Pagkatapos naming bumili ay kumain na rin naman kami agad dahil may susunod pa kaming klase. Hindi na rin naman kumibo si Cash at si Gianna naman ay patuloy pa rin sa pagbulong at pagtatanong sa akin kung bakit ko kilala si Cash.
Habang kumakain kami ay pansin kong halos lahat ng estudyante ay napapatingin sa table namin. Well, sanay na naman akong laging tinitingnan pero ang pinagkaiba lang ay kay Cash sila tumitingin! Bigla akong nakaramdam ng konting inis.
Maya-maya ay may biglang lumapit sa akin.
"Ash, pinapatawag ka ni coach after class. Pag-uusapan daw ata yung schedule ng training at tryouts." Tumango ako sa kanya at nagpasalamat. Hindi nagtagal ay umalis na rin naman siya.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa susunod naming klase at nagpapasalamat ako dahil hindi namin kaklase si Cash! Ipinaliwanag ko na rin kay Gianna kung bakit ko kakilala ang hinayupak at ang tanging nasabi lang niya ay napakaswerte ko raw.
What the hell?
Mas maswerte siya dahil nakasabay pa niya akong kumain noh. Andami kayang handang mamatay para lang makasabay akong maglunch. Tss.
Kulang na lang ay takpan ko ang dalawa kong tenga gamit ang mga palad ko. Nakaupo ako sa library habang nirereview ang mga nilesson namin kanina sa Analytic Geometry ngunit hindi ata ako matatapos dahil sobrang ingay ng mga tao sa paligid ko.
Pagkatapos kasi akong kausapin ni coach ay napagdesisyunan kong huwag munang umuwi sa bahay at tumambay nalang muna dito sa library.
Seriously? Library ba talaga tong pinasukan ko or what?
Pucha sobrang ingay! Napatingin ako sa librarian at nakitang kong pangiti ngiti lamang ito habang nakatitig sa kanyang cellphone. Ugh! Sineswelduhan siya pero hindi niya ginagampanan ng maayos ang trabaho niya? Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh.
Hindi ko na natiis ang ingay kung kaya't padabog akong tumayo at humarap sa kanila. Tinaasan ko sila isa isa ng kilay at sinigurado kong kitang kita nila sa mukha ko kung gaano ako kainis.
"Seriously guys? Sa library pa talaga? Hindi ba kayo nahihiya sa mga nag-aaral dito? Kung gusto niyong mag ingay at magtawanan, you all might want to consider going to a fast food chain or something, huwag dito sa library. Where are your manners?"Inirapan ko sila at muling umupo. Natahimik naman silang lahat sa sinabi ko. Pagkaupo ko ay bigla akong napalingon sa gilid ko at doon ay nakita ko na naman ang isang pares ng matang iba kung makatitig sa akin. Damn those pair of eyes! Teka...
Sinusundan niya ba ako?!
BINABASA MO ANG
Hooked
General FictionSi Ashleigh Azalea Alcantara ay isang babaeng punong puno ng talento. Lahat yata ng magagandang katangian ng isang babae ay nasa kanya na: Matalino, maganda at magaling kumanta. Isa siyang palaban na babae na hindi kailan man hinayaan ang sariling m...