Mata
Come and lay here beside me
I'll tell you how I feel
There's a secret inside me
I'm ready to reveal
To have you close, embrace your heart
With my love
Over and over
These are things that I promise
My promise to you
Kasabay ng pagkalabit ko sa aking gitara ang pagpikit ng aking mga mata.
For all of my life
You are the one, I will love you faithfully forever
All of my life you are the one
I'll give to you my greatest love
For all of my life...
Nandito ako ngayon sa entablado, kumakanta sa harap ng maraming tao. Ito talaga ang hilig ko, ang pagkanta. Muli kong idinilat ang mga mata ko at nakita kong lahat ng mga manonood ay nakapokus na sa akin. Napuno ng katahimikan ang buong lugar habang ako'y kumakanta, inaabangan ang bawat pagbuka ng aking bibig at pagbigkas ng bawat linya na aking aawitin. Ganito ako palagi, dinaramdam ang bawat kantang inaawit at isinasapuso ang bawat salitang sinasabi.
Inilibot ko ang aking paningin sa mga taong nakapaligid sa baba ng entablado nang may isang pares ng matang nakaagaw sa aking atensyon. Seryoso itong nakatingin sa akin habang magkapulupot ang kanyang dalawang braso sa harap ng kanyang dibdib. Ibang iba ang titig nito kumpara sa ibang manonood. Parang hindi magtatagal ay matutunaw na ako kung kaya't agad kong iniwas ang aking tingin at muli na lamang pumikit at pinagpatuloy ang pagkanta.
For all of my life
You are the one, I will love you faithfully forever
All of my life you are the one
I'll give to you my greatest love
For all of my life...
For all of my life...
Matapos kong kantahin ang huling linya ay agad namang nagsitayuan ang mga nanonood at unti-unting lumakas ang palakpakan. Hindi nagtagal ay lumakas na rin ang mga sigawan galing sa mga manonood na sa tingin ko'y pinangunahan ng aking mga kamag-anakan. Lumingon ako sa kung saan nakapwesto ang lalaking nakapukaw sa aking atensyon ngunit wala na siya doon.
"At ang nanalo sa 9th Kabyawan Singing Contest ay si..."
Hindi ko pinahalata sa mga nanonood kung gaano ako kakaba. Ipinakita ko sa kanila na confident ako sa pamamagitan ng pag-ngiti sa kanilang lahat. Iba't ibang pangalan ang sinisigaw nila ngunit hamak na mas marami ang sumisigaw sa pangalan ko.
"Ash yan! Mukha pa lang solb na!"
"Woo go Ash! Wag kang kabahan, sure win yan!"
"Alcantara panalo, walang duda!"
Medyo nabawasan ang kaba ko nang maramdamang mas marami ang sumusuporta sa akin. Huminga ako ng malalim at hinintay ang susunod na sasabihin ng emcee.
"Ashley Azalea Alcantara!"
Dumagungdong ang sigawan sa buong lugar kung saan ginanap ang singing contest. Halatang marami ang natuwa sa resulta nito. Ngunit bigla akong napasimangot nang sabihin ng emcee ang pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Hooked
Fiksi UmumSi Ashleigh Azalea Alcantara ay isang babaeng punong puno ng talento. Lahat yata ng magagandang katangian ng isang babae ay nasa kanya na: Matalino, maganda at magaling kumanta. Isa siyang palaban na babae na hindi kailan man hinayaan ang sariling m...