Prologue

57 1 0
                                    

Prologue

"AAaaaahhh! Tama na! Tama na! Ayoko na, a-aayok--- aaaaaahh! Ahahaha. ." rinig sa buong park ang hagikhik ng batang si Angel, habang wala namang tigil si Gabby sa paghabol at pagkiliti sa kaniya.

"Ahahaha! Yan ang parusa mo. . Akala mo hindi ko nakita nung inilagay mo yung butiki sa bag ko ha? Pasaway ka talagang babae ka. . . Hahaha!" tuloy pa rin sa pagkiliti si Gabby.

"Ahaha. . P-please. . G-Gabby tama na!!! Uhuh. . Ahahaha! A-ayo- ahaha! H-hindi na ko uulit, promise! . . .

"Talaga? Siguraduhin mo lang na magpapakabait ka na kasi kung hindi..."

"Kung hindi ay ano Gabby?" biglang sumeryoso ang mukha ni Gabby nang mapansing nakatitig sa kaniya si Angel habang naghihintay ng sagot niya.

"Ahhh. . Uhmmm. . Bili tayo ng ice cream! Libre mo ko!" Biglang iniba ni Gabby ang usapan.

"Huh? Eh ikaw tong mayaman, ako pa manlilibre sayo? Ikaw talaga. . ."

"Eeeeh, dali na! Wala akong pera. Saka sina Dad ang mayaman, hindi ako."

"Hmmmmp! arte mo! Ganun na rin yon! Lika na nga!" Hinigit na ni Angel si Gabby palapit sa ice cream vendor.

"Manong, dalawang strawberry flavor nga po." favorite nilang dalawa iyon. "Ito pong si Angel ang magbabayad pati yung inutang ko kahapon."

Q_Q "Grabe ka talaga Gabby! Pati yung kinain mo kahapon sa akin mo pa pababayaran??? Ang kapal lang huh!"

Pinitik niya ang noo nito, "Hoy Anghel na may sayad, nakalimutan mo na bang inubos mo ang allowance ko nung mag arcade tayo? Hindi ako humihingi kina Mommy ng extra. Kaya magtiis ka diyan, ikaw lagi gagastos."

"Hmmmmmmp! Ang yaman-yaman niyo eh kurikuripot mo. O manong, heto na po ang bayad namin. Salamat po."

"Manong bukas po ulit ah? Hanggang mamulubi itong si Angel, haha!"

"Tse!"

Bumalik na sila sa school.

"Hoy panget, may nagpapabigay sayo!" sabi ni Angel sabay abot ng bulaklak kay Gabby.

"Sino? Psh, kunwari ka pa eh sayo naman galing yan!" kinuha ni Gabby ang bulaklak kay Angel. Wala namang letter.

"Ang kapal talaga neto, oh! Kita mo yung matabang babae na may mantika yung nguso, yung sira yung butones ng blouse kasi pumutok na sa laki ng tiyan, yun! Yun ang nagpapabigay niyan. At ibinilin din niyang sabay kayong umuwi mamaya. Sige Gabby ha, una na ko."

"Ano!?! Teka, ayoko! Kita mong ang laki-laki nun eh, baka mapisa ako! Huwag mo akong iwan, sabay tayo!"

"Naku, ayoko nga! Baka mamaya ako ang pigain nung matabang yun sa selos. Sige na, Bye!" sabay takbo ni Angel palayo. Hahabulin sana siya ni Gabby kaso nakaharang na kaagad si Fiona sa daan niya.

"Hi Gabriel! Pinasabi mo daw kay Angeline na sabay tayo umuwi. Sana sinabi mo agad para di na ko nagpasundo. Pero okay lang, pauuwiin ko na lang yung driver namin. Halika na..." hinila ni Fiona ang braso ni Gabby kaya hindi na siya nakatanggi pa.

"Argh! I swear Angel, paparusahan na naman kita mamaya! Lagot ka sa kin!"

"May sinasabi ka, Gabriel?"

"Ha? Ah... s-sabi ko tara na nga. Hehe!" takot na lang niya mapitpit ng lumbalumba.

---

"Angel! Hoy Angel lumabas ka diyan! Hooooy!!!" sigaw ni Gabby sa labas ng bahay nina Angel.

Lagi namang nakakapasok si Gabby hanggang sa kwarto ni Angel, pero sinadya ni Angel i-lock pati ang gate nila. Alam kasi niyang galit si Gabby at sisingilin na naman siya nito dahil sa ginawa niyang kalokohan.

Nakasilip si Angel sa bintana ng kwarto niya habang tawa nang tawa. Naisahan na naman kasi niya ito. Takot kasi si Gabby kay Fiona dahil malaki ito at payat lang naman si Gabby. 15 years old lang kasi ito, si Angel naman ay 12. First year si Angel at third year naman siya.

Nang biglang lumabas ng bahay ang Mama ni Angel at binuksan ang gate.

Dali-daling tumakbo si Angel sa pintuan at ini-lock iyon. Iniharang ang kaniyang study table at naupo dito.

"Angel! Buksan mo to! Hay. . Ikaw talagang babae ka, alam mo bang ngayon lang ako nakauwi dahil sa matabang yon!?!" Napatingin si Angel sa wall clock niya. 7:30 pm. "Kung saan saan pa kami dumaan! Ang dami daming biniling pagkain, tapos nagsasalita habang may laman ang bibig kaya natatalsikan ako sa mukha! Tapos nagyakag pa siya sa Jollibee! Tapos nagpabili pa sa kin ng ice cream! Naubos ang pera ko, alam mo ba yun!?!"

Tawa nang tawa si Angel sa likod ng pinto. Sinadya niya kasing ireto si Gabby sa babaeng yun dahil ubod ito ng takaw! At dahil siya ang pinagbayad ni Gabby ng ice cream na inutang nito, yun ang naisip nyang paghihiganti.

"Ang sama mo. Hindi ko tuloy nabili yung kailangan ko para sa project ko. Bukas ko na ipapasa yun. Haaay. Bahala ka na nga diyan!" Narinig na niya ang mga hakbang nito papalayo.

Biglang itinulak ni Angel ang lamesa at binuksan ang pinto. Nakunsensya kasi siya. Kaso..

BLAG!

Uh-oh. . .

Si Gabby, naka-evil grin... >o<

"Aaaaaaaaaaahhhh!!! Mama!!!!" at nag-umpisa na nga ang paniningil. . .

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

All rights reserved © 2013

First Love Never Dies

by CHEB27

FIRST LOVE NEVER DIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon