Chapter I - After Fourten Years

9 2 1
                                    

Chapter I - After Fourteen Years

"Tita, aalis na po ako. Thanks po sa masarap na dinner." paalam ni Vincent sa mama ko.

"Sige, ingat ka pagda-drive ha? Goodnight." sabi ni Mama.

"Opo."

"O pano, sunduin na lang kita bukas sa office?" tanong sa kin ni Vincent.

"Sabi ko naman sayo, di mo na dapat ako hinahatid sundo. May trabaho ka din naman, di ka ba napapagod?"

Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil. "Angeline... Hindi ako pagod, okay? At hindi ako mapapagod na ihatid at sunduin ka kahit saan ka pa pupunta. Masaya ako sa ginagawa ko, kaya sana pagbigyan mo na ako, ha?"

Haaay. Ano pa nga ba magagawa ko?

Ngumiti na lang ako tanda ng pagsuko. Ang kulit talaga ng lahi nito.

Ginulo niya ang buhok ko at tumawa. Ganyan siya lagi kapag natutuwa siya sa kin.

"Goodnight Princess. I love you." He kissed my forehead.

"'kay, ingat ka. Text me when you reach home."

"Opo Mommy." *^▁^*

Sumakay na siya sa Toyota Fortuner niya. Bumusina muna siya bago umarangkada. Kumaway na lang ako hanggang sa hindi ko na makita yung kotse niya. Dito lang naman ako sa may pintuan kasi ayaw niya magpahatid sa gate. Mahirap na daw baka may kumidnap pa sa kin. Psh. -_-b

"Mabait na bata iyang si Vincent, hija. Kaya nagtataka ako kung bakit hindi mo pa siya sinasagot. Matagal na siyang nanliligaw sayo, marami na rin siyang napatunayan. Bakit nga ba hindi mo pa siya sagutin, anak?" tanong sa kin ni Mama.

I sighed. Magdadalawang taon na rin ngang nanliligaw sa akin si Vincent. Nakilala ko siya sa batch reunion a year after college. Ipinakilala siya sa akin ng classmate ko dati sa minor subject. Turns out na matagal na pala akong crush ni Vincent, kaso nung gabing iyon lang siya nagkalakas ng loob na kausapin ako. Since then, lagi na niya akong pinupuntahan sa office. Until naging magkaibigan kami, at nagtapat nga siya sa akin.

"Hindi naman po siya mahirap mahalin eh. He has everything a girl needs. Gwapo, mabait, malambing, responsable, lahat na. Kaya lang Ma, wala pa talaga akong maramdaman beyond friendship eh. Ayoko naman pong sagutin siya kahit hindi ko pa siya mahal. That would be unfair to him."

"Pero hindi kaya unfair din kung patatagalin mo pa ang panliligaw niya kahit hindi mo naman talaga siya kayang mahalin?"

"Yun na nga po Ma eh. Ilang beses ko nang sinabi sa kaniya na hanggang kaibigan lang talaga, pero he insist. Masaya naman po akong kasama siya eh. At hindi na po niya binabanggit yung status namin since I rejected him. Masaya na daw po siya na maging magkaibigan kami."

"Mabuti naman kung nagkakaunawaan pala kayo. Sayang, akala ko pa naman mamanugangin ko na siya." Q_Q

"Ma! Ang bata bata ko pa po, pag-aasawahin niyo na ako?"

"Anong bata? Aba hija, beinte sais ka na! No boyfriend since birth. Tapos wala ka pa rin planong magboyfriend? Eh kailan mo pa kami planong bigyan ng apo? Hindi na kami bumabata ng Papa mo." _(._.)_

Aysh. Si Mama talaga, ipinamukha pa sa king NBSB ako. -_-///

"Mama naman eh. Saka na po natin pag-usapan yan kapag may nakita na akong magpapatibok ng pihikan kong puso. hehe" ^___^"

"Ay naku, baka naman kasi hinihintay mo pa rin yung kababata mo kaya di ka nagboboyfriend."

Aray! Tsk, Mama talaga. . .

"Uhmmm. . Matutulog na po ako Ma, goodnight po." I kissed her cheek at umakyat na ako sa kwarto ko. Baka kung saan pa mapunta yung usapan na yun. . .

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Author's Note:

Hello!!! My fourth story, pero short story category lang ito huh!?! Hopefully ito ang kaunahan kong matatapos. . Yun eh kung laging may mag-iisponsor ng broadband load ko. LOL! ↖(^▽^)↗

Maiksi lang siyempre, patikim muna. Kekeke. . .

Di ko muna hihilingin na mag Vote, that's unreasonable pa, haha!

Follow follow na lang diyan! φ(..)メモメモφ(..)メモメモφ(..)メモメモφ(..)メモメモφ(..)メモメ

¡Gracias!

CHEB27

FIRST LOVE NEVER DIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon