Hays, kailan kaya ako makakahanap ng the one? Nakakainggit naman kasi sa mga nababasa kong libro at mga romantikong palabas. Di naman sa nagmamadali ako pero, feeling ko uhaw ako sa pag-ibig. Bullshit ang buhay ko e, Ako si Paige Fuentes Lancaster. Iniwan ng kaibigan,Di pinapansin ng crush kong bestfriend ko rin, Wasak ang pamilya, at pangit. Oo pangit ako, may tigyawat kaunti lang naman duh,kayumanggi,Petite,Mahaba ang buhok at may bangs. Feeling ko nga babaeng bakla ako e, Ewan ko ba basta ganon. mahilig ako sa musical instruments,kumanta,sumayaw,maglaro ng sports,magbasa ng books,bands, mahilig magsuot ng sneakers at iba lang rubbershoes, mamalo ng cabinet sa panga, ay erase eraseAyun nga, nagdadaydream nanaman ako about sa mga fictional characters na nababasa ko sa libro. Kaimbyerna naman. Gusto ko yung lalaking, may abs, mala adonis ang katawan,Sweet,Gwapo,mayaman,mapagmahal,loyal,mabait,responsable,talentado,matalino,gentleman. Pero balewala lahat yan basta ba mahal ko yung lalaki. Hirap talaga maging pangit. Makaalis na nga dito sa field bwiset may nakita banaman akong couple na gumagawa ng assignment magkahawak pa ng kamay! Akala mo namang mawawala kayo gaga lunurin ko kayo sa tabo! ampapangit niyo! natin pala okay.
Loner ako, obvious ba? kasi naman itong bestfriend kong si Alexander Biersach na pogi na famous na model na mayaman na mabango na matangkad na may abs na palatawa na swe-- ay tama na nga bwisit ha, Oo nasakanya na lahat! Kasalanan niya kung bat mag-isa ako ngayon, ano pa nga ba? edi nanchicks nanaman, alam niya kasing gwapo siya kaya ganon.
Feeling ko nga di ako bestfriend non, tangina lahat ng kaibigan non babae! Hindi naman sa bakla siya kaya lang ganon talaga siya sa babae friendly, kaya nga heto! kaibigan niya ako. Makauwi na nga sa bahay. uwian na kasi namin
ba't ba ako nagstastay sa impaktang school na'to? makauwi na nga.Habang naglalakad ako sa pangit na daan na kasing pangit ko ay may narinig akong tumatawag sakin.
Pedge! Pedge! hatid na kita! marape kapa sa daan. ay wala nga palang mararape sayo aniya.
Pakyu ka alexander, Osiya, hatid mo nako sayang tong pamasahe ko pambili rin to ng napkin with wings, Parang ikaw sa sobrang taas mo di kita makamit dejoke pakyu. aniya sabay pasok sa kotse nila. Oo mayaman nga e diba? magpapakipot paba ako eh tipid pamasahe rin to pauwi.
Asus! Napakacandid mo talaga pedge akala ko tatanggi ka e. aniya sabay kindat sakin, pumasok narin siya
nasa likod kami, grade 10 palang kami at bawal pa siya magdrive, kaya may driver siya na sumusundo sakanya.Paige! hindi pedge! pektusan kita diyan kung di lang kita bestfriend. ako sabay belat sakanya
Eh gusto ko pedge e! pake mo ba? Buntisin kita diyan e. Aniya at humalakhak siya. shet bakit ba ang gwapo niya? pati halakhak sexy! Makapal ang pilik mata, brown eyes, maamong muka at perpektong kurba ng labi, maganda ang ngipin makintab pa sa bituin,may abs, biceps,triceps, mala adonis ang katawan,Perfect jaw line, nagfeflex pa yung muscle niya konting galaw lang. putek!! baka isuko ko na ang bataan pigilan niyo ko shet baka siya pa halayin ko ano ba yang iniisip ko? kainis tigil na nga! nagiinit na ang pisngi ko dahil sa sinabi niya kaya nanahimik nalang ako buong byahe.
pedge! tama na kakadaydream sakin, nandito na tayo sa harap ng bahay niyo baba na! Mahiya ka naman sakin. -Aniya at nginitian ako
Oo na bababa na nga diba? di makapaghintay? hampasin kita ng cabinet e. ge bye salamat sa paghatid sakin sa bahay Ingat! aniya sabay kaway sa papalayo nilang bmw m6
hon, maguwi kang gatas paguwi mo ha? bilhan mo narin si jenna ng mogu-mogu paguwi mo gusto niya yun eh, i love you! Sigaw ng nanay ko sa kanyang asawa na papalayo na.
Broken Family kami at kanila lola ako tumutuloy, pumupunta ako kanila papa tuwing walang pasok at kanila lola naman tuwing may pasok. Step father ko iyong sinisigawan ni mama. nagiisang anak ako kay papa at mama. naghiwalay sila sampung taon ng nakakalipas. May mga kapatid ako kay mama at ang nakakalungkot, hindi sila kasal ni papa. Kaya ang tingin sakin nung mga tiyuhin ko sa side ni papa ay anak sa labas.
Mayaman ang tatay ko at average lang kay mama. dalawa kapatid ko kay mama at close ko naman ang mga kapatid ko kahit ganon, Si Caileigh Fuentes Lancaster ang pangalawa kong kapatid na Siyam na taong gulang, Ang pangatlo naman ay si Leslie Fuentes Lancaster na pitong taong gulang. mahal ko sila kahit na ganoon. Magkakalapit lang naman ang bahay namin nila mama at lola kaya nakikita ko rin sila araw-araw.
Nung mga panahong ako palang ang anak ni mama ay todo asikaso siya sakin, ramdam na ramdam ko ang pagpapahalaga at pagmamahal niya saakin. pero nung nagkaanak na siya, noong naghiwalay sila ni papa ay hindi na niya ako inasikaso. Lumaki ako hanggang ngayon na walang pagaalaga galing sa isang ina. hindi manlang siya nakadalo nung graduation ko noong grade 6 di niya manlang makuha ang mga card ko sa eskwelahan hanggang ngayong grade 10 na ako, puro si papa ang laging nasa tabi ko. pero kahit ganon ayos lang. mahal ko siya eh nanay ko siya kahit anong mangyari. at hindi ako nagsisisi dahil naiintindihan ko siya.
Kay papa, wala nakong mahihiling pa. binuhos niya lahat ng pagmamahal at pagaaruga saakin, siya ang nagpa-aral saakin sa private hanggang elementary, mapahanggang ngayon. Dahil kay papa ay nararanasan ko ang buhay ng magaan, kumakain sa labas, nabibilhan ng mga branded na damit, at iba pa. Lahat ng kaligayahan at luho ko naibibigay niya. Magisa nalang si papa sa buhay dahil patay na ang kanyang magulang, kumakain siya magisa,natutulog magisa, lahat na yata ng gawain magisa siya. at ayoko nang magisa siya pero hindi pako pwede tumira sa bahay ni papa dahil mamimiss ko ang mga kapatid ko ang lolo ko, si lola lahat mamimiss ko sa side ni mama. dahil sa side ni papa ay hindi ko kaclose ang mga relatives ko dahil ang turing nila saakin ay anak sa labas hindi kami magkakaclose.
Buti nalang at tumira na yung tito at tita ko sa bahay ni papa para naman may kasama na si papa. kaya lang, hindi kami close ng mga tuta este tita ko. iniirapan pa nga ako nun maski nung mga anak niya. sign na ayaw nila saakin, baka nga nilalagari na ako nun sa leeg sa isip nila.
Teka? narinig ko lang ang boses ni mama nagdrama nako dito sa gate namin! ay wala pala kaming gate sorry na. makapasok na nga sa kwarto ko lintik na buhay to, tama na at baka magkaiyakan pa tayo, dami ko pang gagawin na schoolworks huhuhu