Late kana paige! gising na! pag di kapa bumangon wala kang baon! Aniya lola saakin.
Edi hindi nako babangon, mawawalan rin naman pala ako ng baon e. ayaw ko sanang maligo dahil sayang lang tubig kaya lang kailangan e. At bumangon nako sa kama at dumiretso na sa banyo.
kumain kana paige, nagluto ako ng bacon and egg, may bread diyan at coffee. aniya lola at pinaghain na ako ng makakain, agad naman akong tumanggi at humigop nalang ng kape para makaalis na. Late na kasi ako.
Gumising panaman ako ng maaga para makapagluto ng almusal eh mukang kami lang ng lolo mo ang kakain aniya lola sabay bigay saakin ng baon ko para sa araw na ito. si papa ang nagbibigay saakin ng baon at binibigay niya ito kay lola. burara daw kasi ako. Umalis na ako ng bahay at sumakay na sa jeep para makarating na sa school.
Habang naglalakad ako sa corridor ng school ay nakita ko nanaman ang malanding si alexander na may kadaldalang babae. Nagpagupit siya ng clean cut at mas gumwapo pa siya lalo. dami nanaman chicks ng isang to. tarages di manlang ako pinansin ng makarating nako sa room. di ba siya nahihiya sakin ? kanina ko pa kasi siya hinahanap eh. iba talaga to e kapag may nakaaligid na chicks. hirap kasi maging pangit tss Kailangan kong siyang dedmahin dahil nakakasira ito ng ganda, kaya lang wala naman akong beauty kaya walang ikasisira. iyakan na this.
Math ang first period namin at nagtatake down notes ako para sa finals, pangit na nga ako pati banaman grades ko? Aba, di iyon maari. natigil nanaman ako sa pagsusulat dahil itong si punyetang alexander na makiri ay may kalandian nanaman. hays ibang klase to ba't ba kasi gwapo siya e sana pangit nalang siya para meant to be kami meant to be apart dahil gwapo siya
Natapos ang mga sumunod pang subjects at ganon siya may chicks nanaman. Kinausap ko ang seatmate kong si Schuyler Chan. Famous rin to sa school e. Swerte ko ba? lahat nalang ng gwapo nakakaseatmate ko hays. May pagkachinito itong si schuyler at matangkad, mala adonis rin ang katawan nito di nga lang gaya kay Alexander na parang anak na ng greek god. Bwiset kung bakit ba kasi nagkagusto ako diyan kay alexander.
Hi Schuyler! May assignment ka ba? aniya ko, kakahiya naman dito. Wow! nahihiya pala ako? now i know
Oo -aniya schuyler at nginitian ako. tinanguan ko nalang siya at makapunta nalang sa canteen gutom narin ako eh kung ba't ba kasi di ako nagbreakfast sa bahay.
Habang naglalakad sa canteen ay nakita kong may dala-dalang boquet of roses si alexander at binigay ito kay Cleo Rueda. Isa siya sa pinakamaganda sa school, medyo matangkad, kulot ang dulo ng buhok, mestiza at Maganda ang katawan. Di ko maitanggi sa sarili ko na nagseselos ako at naiinsecure ako sa kagandahan niya lumiko ako ng daan at napagdesisyunang pumunta nalang sa kabilang canteen. di ko yata matanggap ang nakita ko.
Mag-isa nanaman akong kumakain at walang pake sa mundo. ano pa nga ba? wala namang bago lagi naman akong nag-iisa. Si alexander na nga lang kaibigan ko nawala pa. Sarap lang humagulgol ngayon sa canteen. Ano kayang problema sakin? abnormal ba'ko at wala akong nagiging kaibigan yung bang laging nasa tabi ko. Nangungulila nako kay Alexander. I used to be with him all day. We used to eat lunch together. pero ngayon? ako nalang mag-isa kawawa naman ako.
Yan kasi ang hirap saakin. kapag di na ako kinakausap o sinasamahan manlang ni alexander eh magtatampo nako kahit na hindi dapat. nagaassume na ako na ayaw na sakin nun kasi nga loner ako. Naiisip ko na mag fefriendship over na kami, friendzoned na nga ako ng hindi niya alam. Buset nagdadrama nanaman ako.
Nagulat nalang ako sa gitna ng pageemote ko ng may nagbackhug saakin. Uminit ang pisngi ko nang nakitang si alexander iyon. Ba't nandito ito? may atraso sakin to ah, pa boquet boquet roses pa mabubulok rin naman.