Pamilya

130 1 0
                                    

Disclaimer: I don't own the photo used for the book cover. And if you find any stories with the same thought/plot/ideas similar to mine I am 100% sure it is just purely coincidental. Thank you


Ang ingay.
Napakaingay.
Iba't ibang boses na nag-uusap.

Tumingin ako sa paligid, buti pa ang ingay dito kesa sa ingay doon.
"Zyree," napalingon ako sa biglang tumawag sa akin. Si Joel pala, alam ko na kung ano sasabihin niya
"Hawakan mo nga 'tong mga damit na to. Para kasi to kay Hanna kaya di dapat madumihan" tama nga ako. Ngumiti ako, "Sige."
Naghahanda kasi ang buong klase para sa pageant na magaganap mamaya. Napatingin ako kay Hanna. Ang ganda niya, at ang sexy pa tapos matangkad. Napatingin naman ako sa aking sarili at napangiti ng mapait.

Heto na ako sa lugar kung saan ako nagdurusa. "Bakit ngayon ka lang bata ka?!" Hindi ko pa nasasara yung pinto yun agad narinig ko.
Hindi ko ito sinagot, lumapit ako sa kanya "mano po" kukunin ko na sana kamay niya pero bigla niya akong sinampal ng malakas. Sa sobrang lakas napaupo ako.
"Tinatanong kita kaya sumagot ka!" at tinadyakan niya ako.
"Tama na po" pagmamakaawa ko habang umiiyak.
"Ito ang bagay sa'yong bata ka! Kung saan-saan ka siguro nagbubulakbol!" sigaw niya habang tinatadyakan pa rin ako.
"d-diba po may p-part t-time ako. H-hinintay ko po y-yung s-sahod kk-ko" hirap na hirap kong sagot sa kanya.
Nakailang pagmamakawa ako bago siya huminto at tinanong "Asan yung sahod mo?!" hirap na hirap man ako ay nagawa kong kunin yung 200 na sahod ko sa bulsa. Agad na kinuha niya iyon at iniwan lang akong nakahiga sa sahig. Nakahinga naman ako ng maluwag, buti na lang rin tinago ko yung 50 galing sa sahod ko. 250 talaga sahod ko pero kinukuha ko yung 50 para sa ipon ko.

Hindi ka sexy. Hindi ka maganda. Andami mong pasa. Yan ang paulit-ulit na sinasabi ko habang nakatingin sa aking katawan sa salamin. Napatingin ako sa aking mukha, bukod sa kapangitan ay may sugat ito sa pisngi at sa gilid ng labi dulot kanina. Napabuntong hininga ako at humiga na sa kama.

Hirap akong gumalaw sa klase dahil sa bugbog na nakuha ko. "Bakit ka may sugat?" Biglang tanong ni Nathan na katabi ko sa kaliwa.
Napatingin ako sa kanya at ngumiti "Paper cut" pagsisinungaling ko.
"Eh yang sa gilid ng labi?" medyo gulat naman akong napatingin sa kanan ko na si Jake nung bigla siyang magtanong.
"May nahulog kasi habang natutulog ako." Sinungaling. Binigyan niya ako ng blankong tingin at bumalik sa pagsusulat niya.

"Si Zyree ay tahimik at napakabait. Masiyahin rin siyang tao at nakakatawa. Siya ay laging natutulog sa klase at ewan ko kung bakit. Pero si Zyree ay maaasahan na tao." Nakinig lang ako sa nagsasalita ngayon. Nilalarawan niya ko sa harap ng klase dahil kailangan siya na ang panghuli. Masiyahin, tahimik, mabait, nakakatawa. Yan lagi ang inilalarawan sa akin ng mga kaklase ko at masaya ako kasi napapasaya ko sila.

"Zyree, sumayaw ka" sigaw ng guro namin sa P.E. Natatawa na lang mga kaklase ko dahil alam ng lahat na hindi talaga ako sumasayaw. Masakit na nga katawan ko ang tigas pa. "Go Zy haha" natatawang sabi ni Nathan "che haha" tugon ko naman na natatawa. Pero bigla akong napasigaw ng may humawak sa balikat ko na medyo malakas. Si Joel.
"Aray!" sigaw ko at tinanggal ko yung kamay niya.
"Hala, sorry Zy naku sorry, masakit ba?" sabi niya, hahawakan na sana niya yung balikat ko, pero hinarangan ko agad ito.
"Hindi ok na ako" sagot ko naman sa kanya.
"Bakit ba masakit yan?" tanong ni Joel
"Wala, masakit lang kasi medyo hardcore yung exercise ko haha"


Eto lang ako, nakaupo tinatanaw ang labas ng bintana. Napaisip ako, kalian ba matatapos ang padurusa kong ito? Bakit ba ganito ang buhay? Mabait naman akong tao. Bakit napakasama ng mga tao? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pagod na ako sa buhay ko.
Biglang napabalik ang diwa ko nang may biglang naglapag ng kung ano sa mesa. Napatingin ako dun, isang bubblegum. Tinignan ko ang naglapag nito, si Jake. Binigyan ko siya nang nagtatakang tingin pero nagkibitbalikat lang siya at umalis. Napaisip naman ako, para saan 'to?

PamilyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon