We need space

4 0 0
                                    

MYSTERIOUS HEARTBEAT

BY: LOVELYKASHELSA

****

PART 11

Carl's POV

Pagkatapos ng pakikipag usap niya sa phone niya hinarang ko agad siya ewan ko kasi may I miss you too pa at may tawagan pa sila ano yun samantalang kami babe lang minsan di niya pa tinatawag sakin yun nag seselos ako kaya nasigawan ko siya at umiyak siya sa mismong harapan ko ba ayaw na ayaw kong nakikita siyang umiiyak pero ako pa nag paiyak sa kanya kaya nung lumabas na siya sinundan ko agad siya pero sumakay siya sa isang kotse at hindi yun ang kotse niya may bumaba pang lalake at hindi rin iyon ang driver niya at ibang direksyon ang pupuntahan niya kaya sinundan ko agad at pag dating ko dun nag tago na ako sa puno na malapit sa kanila at nag duet pa silang kumanta.

"Ang galing mo parin palang kumanta walang mintis!"

kung ganun matagal na pala kayong magkakilala pero hindi ko napansin na may kinikita pala siyang ibang lalake.

"Syempre pero pati rin naman ikaw ang ganda ganda talaga ng boses mo!"

Anong nangyayari dito may hindi ba ako alam tungkol sayo Eloisa?

"Alam mo minsan kanta tayo sa banda namin ikaw naman talaga vocalista namin kaso nag quit ka lang noong 3rd year kana kasi aalis ka kaya pwede bang bumalik kana?"

Babalik? Kailan pa siya tumutugtog sa isang banda at teka diba sila pa nun ni Elgin noong aalis na siya kaya papaano niya nakilala itong lalakeng to?

"Uhh..."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko nag iinit na ako kanina pa ako nag titimpi kaya lumabas na ako sa pinagtataguan ko at hinarap sila mukhang gulat na gulat sila ha?

"Carl..."

"Sino to?"
Abat sumasagot pa ang asungot hindi niya ba alam na may boyfriend na iyong tao?

"Si Carl! Ice this is Carl my boyfriend and Carl this is Ice my.....bestfriend!"buti naaalala mo pang may boyfriend ka.

"Nice meeting you Carl"
At may nice meeting you pa to nakakainis na!

"Hihiramin ko lang girlfriend ko ha pwede ba?"

"Sure..."
Dapat lang hindi naman siya sayo! kaya hinila ko na si Eloisa at inilayo.

"Carl ano ba!"

"Kailan pa?"

"Anong kailan pa?!"

"Kailan mo pa ako niloloko!?"

"Hindi kita niloloko Carl kaibigan ko lang siya kaya pwede bang bitawan mo ako!"

"Hindi kita bibitawan hanggat di mo sinasabi ang totoo!"

"Eh totoo naman kaibigan ko lang siya!"

"Ano pa bang hindi ko nalalaman tungkol sayo ha? Kailan ka pa nakikipagkita sa ibang lalake!"Ayan nanaman siya umiiyak nanaman siya at sa tuwing umiiyak siya tingin ko lahat ng iyak niya ako ang may kasalanan.

"Hindi mo alam ang totoo kaya wag ka munang mag padalos dalos sa mga sinasabi mo wala kang alam!"

"Oo nga! Wala akong alam kaya gusto kong malaman!"

"Gusto mong malaman?!"

"Oo gusto kong malaman kung ano pang hindi ko nalalaman tungkol sayo?!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mysterious HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon