Chapter [2.]

3.4K 162 35
                                    


Chapter Two

Mia

--

After I got home from school, nakita ko sila mama at papa na komportableng komportable lamang na nakaupo at walang ginagawa. It is as if they were waiting for someone. Tataas na sana ako sa kwarto pero tinawag ako ni mama. I turned to face them and gave them a 'What' look. Tinapik ni mama ang upuan sa gilid niya.

I walked towards them and sat beside her.

"Ano po bang pag-uusapan?" Tanong ko sa kanila. Tiningnan lang ako ni papa saka siya nag iwas ng tingin na naging dahilan ng pagkunot ng noo ko. Bakit pakiramdam ko may problema kami? My heart started to beat fast as I was just observing them. Tama nga ang hinala ko, may problema kami. Hindi naman magkakaganyan ang mga itsura nila kung wala hindi ba?

"Ma, anong problema?" Diretsong tanong ko sa kanila. Narinig kong bumuntong hininga si Papa. 'Yan, iyang buntong-hininga na iyan ng papa ko, nagsisimbolo sa isang malaking problema. Katulad niya bumuntong hininga na rin ako.

"Anak, malapit ng bumagsak ang kompanya natin." Sabi ni mama, nanlaki ang mata ko sa sinabi nila. Ano? Malapit na? Ano ng gagawin namin ngayon? Hindi kami pwedeng maghirap.

"Ma, pa, ano po bang pwede kong gawin para lang maisalba ang kompanya?" Tanong ko. Gusto ko na ngang pagtawanan ang sarili ko dahil sa tanong na 'yan. Bakit? Ano ba kasi ang magagawa ko? Bata pa lang ako at nag aaral, pero sana may maitulong pa rin ako sa kanila. Napatingin ako kay papa ng mapansin kong parang nakahinga siya ng malalim. Anong ibig sabihin nito?

"Thanks for asking that anak, actually you can do something to save our company. You are our only hope." Tipid akong napangiti. Kung ano man 'yan, gagawin ko ang lahat para lang maisalba ang kompanya ng pamilya namin na pinaghirapan nila.

"Ano po ba 'yun, papa?" Nakatingin lang ako sa kanila habang naghihintay ng isasagot nila. Nagkatinginan muna sila bago nila sinabi ang kagimbal-gimbal na balita.

"You have to marry someone anak." Malungkot na sabi ni Mama.

Para namang tinusok ng sandamakmak na karayom ang puso ko ng marinig ko iyon mula sa kanila, ano? Kailangan kong magpakasal sa someone na iyan para lang maresolba itong problemang ito? Ano bang connect no'n? Oo ikakasal ako tapos, tapos na. Ano 'yon? Para naman akong binenta niyan. 

But I have to think this carefully. This is all about our family's company. I cannot just let this fall, pinaghirapan nila ito at ako na lang ang natitirang pag asa nila. Should I have to agree with this or not? I took a deep breath.

"Sino po ba ang pakakasalan ko?"

"Park Jimin. Ang anak ng negosyante na tutulong sa atin ma-i-angat muli ang ating kompanya."

Narinig kong tumibok ng malakas ang puso ko. Sino raw? Park Jimin? P-Park Jimin? Kilala ko siya, I mean kilalang kilala ko siya. Lumunok ako at tiningnan ng seryoso ang mga magulang ko.

"Ma, h-hindi ko po ba na misheard? Si J-Jimin po ba talaga ang pakakasalan ko?" Tanong ko para masigurado kong siya nga talaga, kasi kung hindi. Kasi kung hindi magwawala ako!

Simula nang Junior high pa lang ako crush na crush ko na siya sa taglay na kagwapuhan niya! Mas lalo akong nahuhulog sa kanya sa tuwing ngingiti at sumasayaw siya, simula noon hindi na siya nawala pa sa isip at puso ko. At ngayon na, ngayon na siya ang lalaking pakakasalan ko, hindi na dapat pa akong umarte. This is already an opportunity right?

Hindi ko pwedeng pakawalan na lang ito.

"Payag po ako, mama, papa. Para naman po ito sa kompanya." 

At para rin kay Park Jimin na matagal ko ng pinapangarap.

--

I cupped my forehead as I thought of it again. Bakit ko nga ba 'yon naiisip? Dapat nga hindi ko na iniisip kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Nakakainis lang kasi dahil sa letcheng problema na iyon pati na din sa letche kong puso ay napapayag ako para umo-o sa kasal na hindi ko aakalain na ganito ang mangyayari.

Sumandal ako sa swivel chair ko at aksidenteng napatingin sa office ni sir V. Kanina pa ako nakakarinig ng boses ng babae sa loob e. Para silang may ginagawang kababalaghan. Napangiwi na lamang ako sa naisip ko. Ano ba namang klaseng pag iisip iyan.

Saka 'di ko na iniisip iyan a? Balik kasi ng balik sa utak ko ang bawat paghalakhak ng babaeng iyon, pati na rin ang mababang boses ni Sir, naririnig ko. Kung pasukin ko kaya sila sa loob at sabihing tumigil sila at 'di ako makakoncentrate sa trabaho?

"Boo!" Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla na lang sumulpot sa harap ko na parang kabute si Chen. May hawak siyang dalawang kape. " Kape, kape rin pag may time." Inabot niya sa akin iyon at tinanggap ko ito, muli akong napatingin sa office ni Sir. Tumingin din si Chen doon saka mabilis niyang inilipat ang tingin niya sa akin at binigyan niya ako ng isang mapang asar na ngiti. Sinamaan ko siya ng tingin, ano na naman ba iniisip niya?

"Ano na naman ba 'yang ngiting 'yan Chen? Gusto mo bang masapak?" Inis na sabi ko sa kanya pero 'di pa rin nawawala ang ngisi sa labi niya. Nagmumukha na tuloy siyang aso.

"Bakit ka sumisilip-dilip sa office niya? May crush ka sa kanya ano?" Pang aasar niya sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay, Ano? Ako? Magkakagusto kay Sir V? Tsk. Nakakatawa! Best joke ever!

"Hindi! Kanina pa kasi ako nakakarinig ng tawa ng babae sa loob. Nakakairita, naririnig mo ba 'yon?" Binigyan niya ako ng tingin na parang 'di siya naniniwala sa akin. Aba't nakakainis na siya a?!

"Ano ba, Chen? Tumigil tigil ka nga d'yan! Lumayas ka sa harap ko at bumalik ka na sa trabaho mo!"

Lumapit sa akin si Chen saka niya ginulo ang buhok ko.

"Oo na, pero may sasabihin lang ako sa iyo."

"Ano?!"

"Sabihin mo kung hiwalay na kayo ng pandak mong asawa, at ako naman ang magpapasaya sa'yo."

Kumunot ang noo ko. Ano bang sinasabi nito? Kung makikipag hiwalay ako kay Jimin at kay Chen lang ako babagsak, mas magandang magtitiis na lang ako sa kamay ni Jimin kaysa sa taong ito.

At isa pa! Kung makapandak siya kay Jimin, parang ang tangkad tangkad naman niya! Kung alam niya lang na 'di sila nagkakalayo ng height! Kapal ng pagmumukha e.

Mas lalo yata akong na istress sa mga pinag iisip ko ngayon, sakit sa ulo!

Babalik na sana ulit ako sa trabaho ng mag ring ang cellphone ko.

Jimin calling...

Ano na naman ba kailangan nito? Utusan? Psk! 'Di pa ba malinaw sa kanya na pagod na akong maging alila niya?

"Hello." Walang ganang bati ko sa kanya.

[Ate Mia, si Jungkook po ito. Si kuya naisugod sa hospital.]

Si kuya naisugod sa hospital

"Ano?!"

◈●◈●◈●◈

End of chapter

★ Giving Up My Love For Park Jimin || Jimin [Bts]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon