[46.]

1.9K 94 7
                                    

Nang makarating na kami ni Jimin sa hotel na sinasabi niya, kinausap muna niya 'yung front desk clerk para sa room na tutuluyan ko. Pagkatapos nun ay naglakad na kami palapit sa elevator, siya nasa likod ko bitbit ang luggage ko habang ako feeling amo niya, well maybe it's time for me to treat him, the way he treated me long ago. But I still have this feeling that I hate what I am doing.

Hindi ako sanay na may inaalila. Lalo na kung kasing gwapo ng taong nasa likod ko ang inaalila ko, pero okay lang talaga. Ginawa na niya sa akin 'to dati and it is my turn now.

At turn niya na din para maramdaman niya kung anong nararamdaman ko noon, nung mga panahon na hinahayaan ko pa siya na gawin niya ang gusto niyang gawin sa akin. Sounds revengeful ang peg ko ngayon, pero 'yun talaga ang nasa isip ko ngayon.

Gusto kong maghigante kaso hanggang pang aalila lang ang kaya kong gawin sa ngayon. I'm still Mia San, who's still afraid of hurting someone's feeling.

Lumingon ako para tingnan siya at para na din tanungin sana siya kaso inunahan niya na ako ng sagot, nag thumbs up siya sa akin na parang alam niya kung ano ang itatanong ko sa kanya. Tumango na lang ako bilang sagot.

Nang makarating kami sa tapat ng elevator, tumabi siya sa akin. Pasimple akong sumulyap sa kanya, hindi na ako magdedeny pa, sa eight months na nawala ako, madaming nagbago sa kanya. I must admit, medyo tumangkad siya, pumayat siya pero halata pa din sa pangangatawan niya na may tinatago pa din siyang pandesal sa likod ng damit na suot niya.

Nagbago na din ang kulay ng buhok niya into orange, tapos 'yung hati ng buhok niya nasa gitna na that made him become hotter.

Napabuntong hininga ako, heto na naman ako sa pagpupuri sa kanya, sa pag iisip sa kanya ng mga positive things na pwedeng magdahilan ng pag atras ko sa pag momove on at balikan na lang siya.

"Ahh, ibebenta ko na pala 'yung bahay." Out of the blue niyang saad. Napakunot noo ako at binalingan siya, why would he sell that house? Hindi na ba niya mapapakinabangan 'yun? At saka regalo 'yun sa amin ng mga magulang namin.

"Why would you sell it? Regalo 'yun sa atin ng mga magulang natin." gulat na napatingin sa akin si Jimin, kasabay din niyon ang paglaki ng mata ko sa nasabi ko. D-did I just said those?! Oh gosh, baka kung ano ng iniisip ni Jimin.

Lumunok ako at binuo ulit ang confidence sa sarili ko. "What I mean is, sayang naman kung ibebenta mo. Mapapakinabangan mo pa naman 'yun at ng magiging pamilya mo sa hinaharap. So why sell it right?" Sabi ko para mapagtakpan ang kahihiyan na sinabi ko. Pakintape, kung bakit kasi bigla na lang iyon lumabas mula sa bibig ko eh.

"Okay." Saktong nagbukas ang elevator at pumasok na kami ni Jimin. Kapwa lang kaming nakatingin ng diretso at ni isa sa amin hindi kumikibo. Feeling ko nga pati paghinga naming dalawa, pinipigilan namin. 'Yung totoo? Naglalaro ba kami ng patahimikan? Kung sino ang unang gumawa ng ingay siya ang talo? Feeling ko naglalaro kami eh.

Sa gilid ng mata ko, napansin ko na hinawakan niya ang batok niya, pagkatapos niyon ay pasimple siyang sumulyap sa akin.

"Ah Mia?" Tawag niya sa akin. "Yes?" Sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya, matagal siya bago nagsalita kaya binalingan ko siya, as usual nagtama ang mga mata namin at naramdaman ko na naman ang hindi ko dapat nararamdaman ngayon.

"May sasabihin ka?" Tanong ko sa kanya. Binigyan niya lang ako ng isang tipid na ngiti na para bang nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin niya ba or hindi.

"Kung wala ka palang sasabihin sana hindi ka nagpakita ng motibo." Bulong ko sapat na para marinig niya. Well sinadya ko talagang iparinig sa kanya 'yun para sabihin niya kung ano man ang sasabihin niya.

As usual ngumiti lang ulit siya at mukhang napagdesisyunan na niya na huwag na lang niyang sabihin sa akin. Tsk.. paasa.

"Siguro sa tamang panahon na lang." Sabi niya. Hindi ko na lang siya pinansin pa, bahala siya, hindi naman ako interesado sa sasabihin niya. Nang makarating na kami sa floor kung na saan ang room ko agad namin iyon hinanap at madali din namin iyon nakita. Pumasok na kami doon. Saglit lang na naupo si Jimin sa nag iisang sofa sa kwarto na tutuluyan ko. Sinandal niya ang ulo niya.

Mukhang pagod na pagod siya. Kinuha ko na lang ang bottled water na hindi ko pa nabubuksan. Lumapit ako sa kanya, iniangat niya ang ulo niya at tiningnan ako. Ngumiti lang ako sa kanya at inabot sa kanya ang bottled water.

"Pagod ka hindi ba? Heto oh tubig." Nakangiti niya itong inabot at ininom, samantalang ako humiga na muna sa nag iisang kama dahil na din siguro sa pagod.

"Can I just ask you something?" Tanong niya sa akin.

"You're already asking. Sure what is it?" I said with a blank expression on my face.

"Can we start all over again?"

Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko, with matching nanlalaki ang mata tiningnan ko siya, asking him kung bakit niya iyon natanong. Bakit nga ba kasi niya natanong? Does it have something to do with our lives? Paano namin uumpisahan lahat kung it's complicated pa din ang status namin?

"Alam kong nabigla kita sa tanong ko, pero kasi ito na lang ang naiisip kong paraan para maayos na 'tong gulo na pinasukan ko." Nakayuko niyang sabi sa akin.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Iyon ang paraan niya? Ano? Saan niya sisimulan?

"Ano bang sinasabi mo dyan Jimin? 'Diba tinanong mo ako kung okay na ba ako kanina? Hindi ba sinabi ko naman sa'yo na okay na ako. Ayos na, wala na tayong aayusin pa kasi ayos na tayo." Ngunit umiling lang siya, hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. Yeah right, I'm stating a lie because that is also my one way of fixing this. To pretend it's already fixed at wala ng aayusin pa, kahit na meron pa at madami pa kaming dapat pag usapan.

"Hindi, Mia. Kahit na okay ka na ngayon, hindi pa din 'to maaayos. Mia, ako ba? Hindi mo ba ako tatanungin kung okay na ba ako?" Napalunok na lamang ako. Hindi ko na alam ang susunod na gagawin at sasabihin ko. Para bang may bumabara sa utak ko at hindi ako nakapag-iisip ng maayos.

"Because I'm not yet okay Mia. Hindi pa ako okay, I'm still regretting the things that I did that made you hurt. Ayokong baunin 'tong nararamdaman na 'to habang buhay, gusto kong gumawa ng paraan para maging okay ako. Babawi ako sa'yo."

◈●◈●◈●◈

End of chapter

★ Giving Up My Love For Park Jimin || Jimin [Bts]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon