ERIC's POV...............
"sana magkaroon ako ng lakas na loob na magtapat sa kanya"
pagkatapos kong sabihin yun itinapon ko na sa fountain yung piso
madalas ako dito para magwish ng mga bagay-bagay lalo na kung yung babaeng gusto ko ang pinag-uusapan .... naniniwala kasi ako ng kayang tuprin ng piso yun... at kaya kong magtiis maghulog ng piso dito kakawish basta magustuhan lang ako ng babaeng gusto ko
"Eric .. halika na" may bigla umakbay sa akin
at yun ay si Marvin... bestfriend ko
"ahh, nandyan na ba lahat ?" tanong ko
pupunta kasi kami ngayon sa bahay ni Marvin kasi birthday ng kapatid niya na kababata ko rin si Bea... yung member din ng science club kung saan ako ang president
"oo kanina pa.. ikaw na lang ang hinihintay.. teka! wag mo sabihing nagwiwish ka na naman dito sa fountain para dun sa babae" alam niya kasi bestfriend ko siya
"haist.. chismoso mo kalalaki mong tao eh" kunsabagay may lahing chismoso nga toh , sila ng kapatid niya
"chismoso mo mukha mo! magtapat ka na lang kaya" ito na naman magbibigay na naman ng payo =____=
"tigilan mo nga ako para ka ng si papa jack niyan.. may tamang oras naman para dyan" meron nga ba?
"fan ka ni papa jack? WEW! ..tamang oras ka dyan eh paano pag na unahan ka ng iba?" sana hindi
"at isa pa ang sabihin mo natotorpe ka lang..psh"
"oo na! ako na torpe! masaya ka na?"
"wow! aminado ka brad ah! haha.. "
"halika na nga" umalis na kami ng school at dumiretso sa bahay nila Marvin
.......................................
kinabukasan.............................
"sir, gising na po baka malate pa kayo" gising sa akin ni manang
OUCH... nga pala may hang-over pa pala ako kagabi napa-inom kasi heartbroken yung kabarkada ko eh... malakas tama nun kay Bea kaso busted .. HAHA
sana ako din hindi maheartbroken
.. pumasok na ako sa school pero dumiretso muna ako sa science club room kasi nagtext yung physics teacher namin gawin naman yung experiment sa sinabi niya sa akin kahapon
nagpatawag ako ng meeting para dun at syempre para makita ko yung inpirasyon ko..
corny ba?
di naman siguro in love lang...
ang kaso parang di na siya dadating kasi siya na lang ang hinihintay namin kaso wala pa rin... na saan na ba yun?
"mukhang absent si ms.treasurer magstart na lang ta---"
"I'm sorry for being late.... huuh" sabay hawak sa dibdib niya dahil sa hinihingal ito....
nung nakita ko siya napangiti ako kasi kahit magulo konti yung buhok niya dahil na rin siguro sa pagtakbo niya sa hallway nagagandahan pa rin ako sakanya... kasi kahit simple lang siya ang cute niya pa rin...
napatingin siya sa direksyon kung saan ako naka-upo ... bigla na lang lumakas ang heartbeat ko.. haaay umiibig nga talaga ako... nung tumingin siya sa akin mukhang nagulat siya baka naman iniisip niya na pra akong asong ulol na nakangiti sa kanya ... TAE naman oh! turn-off na siya sa akin? SANA HINDI
"buti na lang nandito ka na. di pa kasi nagstart ang meeting" sabi ni Kris (vice president)
"ahh.. sige magstart na tayo"