sino ba yung babae?
kagabi ko pa yun tinatanong sa sarili ko hanggang sa makarating ako sa school.... curious much lang naman eh
"HOY LESSIE""ARRRAAYYYY" sabay takip sa magakabilang tenga ko ....
paano ba naman kasi sinigawan ako sa magkabilang tenga ko... ang sakit kaya
"ano bang problema niyo? paano kung nabingi ako ah!!!!!!" singhal ko sa kanila
"oh easy lang... sa tingin namin ikaw ang may problema kasi kanina ka pa namin tinatawag eh.. di ka naman lumilingon... atsaka bingi ka talaga kasi katabi mo na nga kami at kinakausap ka pa namin kaso parang hangin ang kausap namin" nakapameywang na sabi ni Jane
"talaga??" tanong ko..."oo naman noh .. lutang ka teh... ano ba yung gumugulo sa isip mo?" pang-uusisa ni Marie
"ahh ..ano kasi..."
"ishare mo na nga..." sabi ni marie
"osige na nga! ganito kasi yun.. yung first love ko si Eric Montes" panimula ko
"yung charming president ng science club?.. di ba ang hot pa nun? teka diba kaclub mo yun?" pang-uusisa ni Jane
"oo siya nga.. kaya nga ako sumali ng science club dahil sa kanya noh" --> ako
"talaga? ang lakas ng tama mo dun ah.. kunsabagay he has the looks naman kasi eh at crush kaya namin ni Jane yun.. di ba Jane?" huh? karibal ko sila.. OH NO"yup.. kunot noo mo Lessie ah.. don't worry crush lang naman namin yun eh yung sayo love yan .. anong panama namin sayo noh? and besides in a relationship ang status namin noh" sabat naman ni Marie... aww touch ako! di ko sila karibal! OH YES..
"so bakit ka nga lutang?"kinuwento ko sakanila yung nangyari kahapon sa mall at tungkol dun sa pamimili namin hanggang sa tanong ni Bea kay Eric ...
"so may gusto sa isang girl si Eric matagal na ... ang kaso di mo kilala.. tama ba ako kaya curious ka at lutang kanina?" tanong ni Marie
"oo tama ka dun"
"haist! ... kung magtapat ka kaya"
"ha?! tanga ka ba? paano kung mareject si Lessie?"
"oo nga nuh!.."
"ang mabuti pa makiramdam ka muna at kung hindi ikaw yung girl eh magmove-on ka kahit mahirap atsaka andaming nanliligaw sayo di mo lang pinapansin eh" payo sa akin ni MArie
.... lunchbreak ngayon at papunta ako ngayon papuntang science club for our experiment kasi nga nakabili na kami ng materials
kung magtapat na lang kaya ako? aww.. wag na lang baka mareject pa
binuksan ko ang pintuan ng science club ^__________^ ang lapad ng ngiti ko noh? para naman smiling face pag makikita ako ni Eric
kaso yung smiling face ko napalitan ng lungkot :(
isang magandang eksena ang nasasaksihan ko sa science club... yung taong mahal ko may kayakap na babae at yung babae may dalang rosas..
"oo Eric payag ako na ligawan mo" masayang sabi ni Cheska ang muse ng science club
bakit di ko naisip yun? si Cheska ang babaeng gusto ni Eric .. maganda, maputi at muse pa di katulad ko simpleng babae lang... anong panlaban ko ? ngayon manliligaw pa si Eric kay Cheska ..napatingin siya sa door at nagtama ang mga mata namin... nakita ko ang gulat na ekspresyon sa kanyang mukha..
yumuko ako kasi talo na ako.. wala akong pag-asa ... isinara ko ang pinto at tumakbo palayo sa science club room
di ako iiyak.. DI AKO IIYAK
lagi ko ngang sinasabi pero di ako sinusunod ng mga luha ko, nag-uunahan silang tumulo mula sa mga mata ko...
tama nga ang barkada...
masasaktan lang ako sa huli...
ito nga ako ngayon nasasaktan....
ang taong mahal ko may mahal na iba </3
BINABASA MO ANG
PISO para sa PUSO
Krótkie Opowiadaniakaya bang tuparin ng piso ang kahilingan ng puso mo??