Chapter 10: A Glimpse of Heaven

23K 401 23
                                        

     Masayang pinagmasdan ni Venice ang dalawang lalake sa buhay niya.

     Si Maliit, seryoso at tahimik sa upuan nito. Pusturang-pustura ito na animo gagayak sa isang pagtitipon. Kinulit siya ng maliit ng magising ito, gusto daw nitong suotin ang pinakamagandang polo nito at pantalon. Sinabi niya dito na okay lang naman na pambahay ang suotin pero hindi siya nito pinakinggan bagkus ito pa ang humalukay sa maliit na bagahe nito. Kahit anong abot niya sa tsinelas nito kanina pinilit pa rin nitong suotin ang rubber shoes nito. Puting-puti pa ang muhka at leeg nito sa pulbo dahil ito mismo ang nagpulbo sa sarili bago lumabas ng silid ni Heath. Muhka itong maliit na mama dahil sa hati ng buhok nito na mamasa-masa pa. Lahat ng iyon dahil lamang sa kagustuhan nitong maging presentable sa harap ng Papa nito.

     Si Malaki naman, hindi mapakali sa harapan nila. Kanina pa ito nilalapag sa lamesa ang iba’t-ibang putahe. Lahat na ata ng frozen foods binili nito kanina ng lumabas ito. Hilong talong na sila ni Hezekiah sa kapaparoon at parito ni Heath mula sa kusina hangang sa hapag-kainan. Maya-maya lamang gatas at iba’t-ibang klase naman ng juice ang nilabas nito kasunod ng mga prutas at dessert. Humihingal, pawisan, at kabadong umupo ito sa tabi ng anak.

     Ganito pala ang pakiramdam ng nasa langit. Being with them... having breakfast together with both of them was a luxury for her.

     Alam ni Venice na mali ang ginagawa niya.

     She was creating memories. She knew very well that she was creating something beyond memories.

     She was again allowing herself to hope. And it was cruel especially to someone as hopeless as her.

     As for Heath… He was moving mountains for her. His actions and his feelings for her were so strong that he made her want a happy ending even though hope already abandoned her two weeks ago.

     This kind of hope generated her will to live.

     Sabi ng mga doctor noon may 5 taon na lang siya pero binigyan siya ng Diyos ng 6 na taon.

     Ngayon pinapahintulutan niya ang sariling umasa na sana dingin ulit siya nito.

     Kalabisan kayang hingin sa Diyos na sana bigyan pa ulit siya ng 6 na taon?

     Hinila ni Hezekiah ang hinliit ni Venice ng lumapit si Heath dito.

A Whisper of the Heart - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon