Chapter 16: Within a divided heart

20.5K 348 47
                                        

     Mula sa bintana ng sasakyan ni Heath kitang-kita niya si Venice sa harapan ng main door ng bahay niya. Kandahaba ang leeg nito na parang may sinisipat sa kung saan. Panaka-naka din ang tapik ng paa nito sa sahig, halatang naiinip na ito sa kahihintay.

     Siya ba ang inaabangan ni Venice sa labas?

     Hindi nagdaan ang ilang sandal nahagip din ng malikot na mata nito ang sasakyan niya base sa ngiti at kaway nitong puno ng galak.

     Buti na lang tinted ang sasakyan niya, baka makita na naman ni Venice ang Heath na hindi na dapat nito makita. Nakapinta siguro doon ang lahat ng emosyon niya ng mga oras na iyon, ang “Heath” na parang tangang umiibig dito.

     Napapikit at napasandal si Heath sa upuan.

     Ngayon lang niya naramdaman ang pagod mula sa dapat sanang 3 araw niyang shooting, tensyonado kasi siya sa loob ng mga araw na iyon. Hindi siya makapag-trabaho ng aayos kakaisip kung iniwan na siya ni Venice. Hindi kasi nito sinabi ng direkta kung ilang araw pa itong mananatili sa bahay niya. Bago pa siya umuwi alam niyang hindi pa nakaka-alis si Venice dahil tumawag siya para sabihing pauwi na siya.

     Kahit alam niyang dadatnan niya si Venice sa bahay hindi pa rin niya maiwasang kabahan. He had to see with his own eyes that Venice was still there.

     Buti na lang may driver siyang kasama ng mga oras na iyon dahil kung hindi baka na-disgrasya na siya dahil lang sa nasilayan niya si Venice.

     Nanlalambot ang tuhod niya sa mga samut-saring emosyon na nararamdaman niya. His chest was hurting and his insides turned upside down and yet he was so happy to see her still there.

     Only Venice had that effect on him. Only Venice had the power to break him.

      “Heath, get a hold of yourself.” He whispered to himself while patting near his heart.

     Isang bagay lang ang sigurado ni Heath, iiwan din siya ni Venice… kaya dapat niyang paghandaan iyon.

     It didn’t take them long for the car to park. Rumaragasa ding sinalubong sila ni Venice. Ito pa nga ang nagbukas ng sasakyan.

      “Heath!”

     He rolled his head to face her. Masama itong babae, naisip ni Heath habang nakatingin dito. She just keeps on hurting him. It was a given since he was the only one involved. Si Heath lang kasi ang nagmamahal kaya siya din lang ang nasasaktan.

     Heath’s rejected heart was still getting bigger with love and doesn’t mind even if Venice only had a small heart for him. Hindi ba ganoon naman talaga ang nagmamahal? What’s the purpose of loving if given half-heartedly?

A Whisper of the Heart - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon