006

37.1K 1.1K 130
                                    

Chapter 6: Debut

Jewille's POV

Mabilis lumipas ang araw at eto na nga, debut ko na ngayon. Sumilip ako sa bintana ng kwarto ko at nakita ko ang mga taong abala sa pag aayos ng mga gamit na gagamitin sa debut ko. Hindi na kaming nag abala pa na gawin sa hotel itong debut ko kasi malaki naman ang space dito sa bahay.

"Jewille, nandito na 'yung mag aayos sa'yo." Rinig kong sabi ni mommy sa labas ng kwarto ko kaya binuksan ko 'yung pintuan at nakita ko naman 'yung mag aayos sa'kin.

"Maiwan ko muna kayo. Trixie, ikaw ng bahala d'yan sa anak ko." Sabi ni mom.

"Oh yes, madir!" Sabi ni Trixie. Natawa si mommy at bumaba na. Pinapasok ko naman si Trixie sa kwarto ko. S'ya naman ay lumibot sa kwarto ko.

"Girl, ang ganda ng kwarto mo ha!" Sabi n'ya.

Natawa ako ng kaunti, "Thank you." Sabi ko. Pinaupo na n'ya ako at sinabing sisimulan na n'yang ayusan ako.

"Trixie, light lang 'yung make-up na ilagay mo, please? Ayoko kasi ng masyadong makapal eh. Parang ang pangit kasing tignan." Sabi ko.

"Sure thing, Jewille!" Sabi n'ya. Nilabas n'ya 'yung mga make-up n'ya at na-amaze ako dahil sa dami nito. Woah.

Nag simula na s'yang mag lagay sa'kin ng make-up. Magaan 'yung kamay n'ya kaya muntikan na akong matulog. Buti na nga lang tinapik n'ya 'yung pisnge ko.

Makalipas ang isang oras, natapos na din akong ayusan. Inayos n'ya din 'yung buhok ko para daw bagay sa make-up ko. Kinulot n'ya 'yung dulo neto at sinabing 'wag daw itali dahil mas bagay daw kung hindi ito nakatali. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi naman nag iba ang itsura ko dahil light lang naman 'yung make-up ko.

"Thank you, Trixie." Sabi ko.

"No problem, Jewille! Gawain ko ang mag paganda ng mga babaeng katulad ko!" Sabi n'ya kaya natawa ako.

"Sige, sis. Aalis na ako. Tapos na ang gampanin ko ditey. Bye!" Sabi n'ya at umalis na ng kwarto ko. Ako naman ay umupo sa kama ko. Tinatamad pa akong kumilos. Mag bibihis nalang naman ako at baba na.

Habang ginagamit ko ang cellphone ko ay may kumatok sa kwarto ko kaya pumunta ako doon para buksan ang pintuan. Nakita ko naman si mommy.

"Bakit po?" Tanong ko.

"Mag bihis ka na. Malapit ng mag 7 PM." Sabi ni mommy.

"Sige po." Sabi ko.

"You look so beautiful, anak." Sabi ni mom.

"Thank you, mom." Sabi ko, niyakap naman n'ya ako.

"Sige na, mag bihis ka na." Sabi ni mommy kaya sinara ko na 'yung pintuan at nag bihis na ako ng susuotin ko.

Pagkatapos kong mag bihis ay tinignan ko ang cellphone ko. 6:30 pm na at 30 minutes nalang, lalabas na ako. Sumilip muna ako sa bintana ng kwarto ko at nakita kong may mga dumadating nang mga bisita. Natagpuan ko naman 'yung mga kaibigan ko na papasok ng bahay namin.

Lumakad ako papunta sa kama ko at umupo muna. Nakakangawit din namang mag hintay na tawagin ako. May grand entrance pa ako. Gano'n daw kasi kapag nagde-debut, may grand entrance. Mayroon pa ngang film na ginagawa eh. May mga camera kang makikita sa paligid dahil kinukuhaan nila 'yung mahahalagang parte ng debut ko. Kanina nga habang nagme-make-up si Trixie, may pumasok sa kwarto ko at sinabing kukuhanan daw nila ng video ang paghahanda ko. Bakit may ganito pang bagay?

Forever? Never. (ISMTCH BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon