010

38.1K 1K 187
                                    

Chapter 10: Message
              
Jewille's POV

Hanggang ngayon ay patuloy pa din akong nakakatanggap ng bulaklak. Ang yaman naman mas'yado ng nag bibigay sa'kin neto. Hindi ba s'ya nauubusan ng pera? Kung nag papakilala na sana s'ya sa'kin, edi sana hindi na n'ya kailangang mag tago sa mga pinapadala n'yang bulaklak at mga notes.

Torpe mas'yado. Hindi naman ako nangangagat. Hindi ba s'ya gwapo kaya ayaw n'yang magpakilala? Okay lang naman 'yun, eh. Hindi naman ako tumitingin sa pang labas na anyo, eh.

Sigh.

Bakit ko ba ini-stress sarili ko sa kakaisip kung sino 'yung nagpapadala sa'kin na bulaklak na may code pang '9455426'? Ewan ko din. Curious ako, sobra pa sa sobra. Feeling ko kasi kilala ko o na-meet ko na ang nagbibigay neto sa'kin, eh.

I sigh for the nth time.

"Ate? Nand'yan ka pa ba? Naririnig mo ba sinasabi ko?" Tanong ng kausap ko sa kabilang linya. Shit! Kausap ko pa nga pala si Jessica. Ugh, stupid.

"Ah, oo. Nandito pa ako. Ano nga ulit 'yung sinasabi mo?" Tanong ko.

"Ayun nga ate. Sabi ni mommy, pumunta ka daw dito ngayon dahil may ibibigay s'ya sa'yo. Hindi ko alam kung ano kaya kailangan mo talagang pumunta dito." Paliwanag n'ya.

"Okay. Pasabi nalang kay mommy na maya-maya na ako pupunta. Sabihin mo may inaasikaso pa ako, okay? Oo nga pala, nasaan si Justine?" Tanong ko sa kapatid ko.

"Okay ate, copy that! Si Justine? Nandoon sa mga kaibigan n'ya. Tuwing saturday kasi nanonood sila doon o kaya gumagala sila." Sabi ni Jessica sa kabilang linya.

"Ah, gala talaga 'yun! Hahaha! Sige na, bye na. I love you, sis!" Sabi ko.

"Alright ate. Bye! I love you too!" Sabi n'ya bago in-end call ang tawag.

Chinarge ko muna 'yung cellphone ko at inayos na 'tong study table ko at 'yung mga kalat dito. Nag aayos kasi ako ng mga papers ko na kailangan kapag bumalik na ako sa Korea.

Pagkatapos kong ayusin lahat, naligo na ako. Hindi ko pwedeng pag hintayin ang nanay ko, ano!

-----

Nakahiga ako ngayon dito sa kama ko sa bahay. Naibigay na sa'kin ni mommy 'yung ibibigay n'ya which is a bracelet. Silver at may heart pendant ito. It looks simple but elegant.

Habang nagce-cellphone ako, may kumatok sa kwarto ko.

"Pasok!" Sigaw ko at iniluwa ng pintuan si Jessica. Umayos naman ako at umupo. S'ya naman ay umupo din sa kama ko.

"What do you need, sis?" Tanong ko sakaniya.

"Wala naman ate. Gusto lang sana kitang makausap." Sabi n'ya. I think it's going to be a serious talk.

"Tungkol saan?" I asked. Before she replied, she let out a sigh.

"Ate kasi, naguguluhan ako." Sabi n'ya.

"Saan?" Tanong ko.

"Sa feelings ko." Sabi n'ya.

Forever? Never. (ISMTCH BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon