Comments and votes are well appreciated. Sa mga ayaw ng predictable stories, wag niyo to basahin.
PAGPAG
Sabi nila pag pumunta ka daw sa patay kailangan mong pumunta sa ibang lugar para magpagpag.
"Crystal, sama ka na oh. Lilibre kita" sabi ni France, ang babae kong bestfriend.
Ililibre mo ko? Mukha ba kong mahirap ha? Di ko kailangan ng pera mo no. Sinasama kasi niya ko sa burol ng kaibigan daw niya. Bat ako sasama eh hindi ko nga kilala yun eh. Di ko din alam pangalan niya. Bakit pa ko pupunta sa lamay niya eh hindi nga kami magkakilala.
"Bat ba ko sasama eh di kami magkakilala" sagot ko sakanya.
"Eh samahan mo ko" sabi ni France.
"Okay sige na nga." Sagot ko kasi naiinis na ko sa kakulitan niya.
"Yaaaaay. Lika na" sabi niya ng galak na galak
"Teka teka magbibihis muna ko" sambit ko.
Nang matapos ako magbihis ay pumunta na kami sa lamay niya. Wala naman akong ginawa dun, nagdasal, kumain, patahanin ang kaibigan ko at kumain muli. Napakaclose siguro nila netong kaibigan ko para mapaiyak ng ganito si france. Mag-gagabi na at nagsiuwian na ang lahat, habang ako, eto nagaantay ng taxi sa labas. Tagal ko ng nakatayo dito ni isa wala manlang akong nakitang taxi. Sa inis ko bumili muna ako ng inumin at umupo sa park bench. May tumabi naman saking lalaki, di ko siya pinansin. Wala akong pake sakanya kasi nga I don't talk to strangers. Nagulat ako ng bigla siyang magsalita. Teka ako ba yung kausap niya? Oo ata, kami lang naman nandito eh.
"Yung panyo mo po nahulog" sambit niya na siyang ikinagulat ko. Tinitigan ko lang siya, natauhan nalang ako nung tinuro niya yung panyong nasa lupa.
"A-ah salamat" sabi ko ng pautal-utal. Ang gwapo naman kasi niya diba. Maputi siya na gwapo tapos matipuno siya, hindi payatot. Matangkad pa siya at napakagwapo ng boses niya, pang gentleman. Pinulot ko na yung panyo ko ng tanungin niya ko. "Bago ka rito? Ngayon lang kita nakita ah" tanong niya. "Ah eh hindi. Sinama lang ako ng kaibigan ko sa lamay ng kaibigan niya. Ako nga pala si Crystalline Hestia. Tagadito ka?" Sagot ko sakanya.
"Ah o--" di niya natuloy ang pagsasalita nang nagring phone ko. Nako si mama to kailangan ko na umuwi. "Sorry ah kailangan ko na umuwi, bukas nalang bye" sabi ko sakanya habang tumatayo ako. "Sige bye, kita ulit tayo bukas dito" sabi niya na may ngiti sa kanyang labi. Ang tamis ng ngiti niya, nakakaloka.
Nginitian ko siya at umalis na sa park, sa awa ng diyos may dumating din na taxi. Nakauwi din ako sa bahay sa wakas. Pinaliwanag ko kela mama kung bakit ako nagabi. Humiga na ako sa kama at pinikit ang mga mata. Ay teka nga, di ko natanong yung pangalan ni gwapo. Ano kaya pangalan niya? Tanungin ko nalang bukas.
zzzzzzzz
Kinabukasan ng umaga
"Haaaaaay *stretch stretch* inaantok pa ko *hikab hikab*" sabi ko habang antok na antok. Bumaba naman ako sa kusina kahit sobrang inaantok pa ko. Eh gutom na ko eh. Ayos! May pagkaing niluto si ate. Kumain na ko at nagayos ng kwarto. Humiga ulit ako sa kama, matutulog na sana ako nang maalala ko yung gwapo kahapon. Sabi niya magkita ulit kami. Anong oras na ba? Wala naman siyang sinabi kung anong oras kami magkikita eh. Siguro mga 12:00 nalang ako pupunta. Natulog ulit ako, pag-gising ko naman agad kong tinignan ang oras. 2:14 na?! Teka kanina mga 9:30 lang tapos ngayon 2:00 na. Tumakbo ako sa cr at naligo. Nagayos ayos ako at umalis na papunta sa park. Nandun pa siya! Buti naman, pinaghintay ko kaya siya? Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya. "Sorry ah, kanina ka pa nandito?" Tanong ko sakanya. "Okay lang. Ah nga pala" sabi niya with matching ngiting nakakatunaw, may hinahalungkat siya sa bulsa niya. May nilabas siyang ticket sabay sabi ng "tadaaaa, nood tayo ng concert ng BTS. Ok lang ba sayo?".
BINABASA MO ANG
Pagpag
RomanceSabi nila kapag pumunta ka sa patay, kailangan mong pumunta sa ibang lugar para magpagpag. A one shot story by imabbyyy