Alexandra Hathaway
-
"Alexandra, as you know, it's already 5 months passed since you've became princess" paguumpisa ni Mommy sa usapan habang sabay sabay kaming kumakain sa isang mahabang mesa. Yung tipong mula Korea hanggang China. Ganern. Haha djek.
"Blah blah blah blah"
*sigh*
Ayan na lang ba yung pag-uusapan namin palagi? Ang mga gagawin ng isang prinsesang tulad ko?
Ayy, hindi nyo pala maiintindihan so let me introduce myself.
I'm Alexandra Hathaway at tama kayo ng nabasa kanina. Ako ang prinsesa sa lugar namin na tinatawag na Vermilion. They crowned me as a princess when I reached 18. Yeah right, I'm already 18 years old.
Kung tinatanong nyo kung masaya ang maging prinsesa, well yan din ang inaakala ko. Nung hindi pa ako official princess, sobrang naghahangad ako na sana mangyari na yun pero nung naging isang ganap na prinsesa na ako,gustong gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko.
Hindi kaya madaling maging isang prinsesa. Madaming bawal, madaming kailangan gawin. Bawat tutorials nga sakin feeling ko bagsak ako lagi at buti na lang nalagpasan ko na yun and now nandito na ako sa stage kung saan soon magiging isang ganap na reyna na ako.
"Alexandra" napabalik ang tingin ko kay mommy.
"You're not paying attention" sita nya.
"Sorry"
"As I'm saying, dahil soon magiging isang ganap na queen ka na, may isang bagay na dapat kang gawin" napakunot ang noo ko sa sinabi nya.
Dapat gawin? Ano naman kaya yun?
"What's that? Anong dapat kong gawin?"
Bago nya ako sagutin, nagtinginan muna sila ni dad. Oh no, I think hindi ko magugustuhan ang bagay na yun.
"Mom, dad, wag nyo naman akong pakabahin" paalala ko sa kanila.
Err. Yung mga expression ng mukha kasi nila nakakapressure. Parang gusto ko na tuloy magback out.
"Lahat kasi ng mga tagapagmana, prinsesa man o prinsipe, may dapat silang gawin bago maging isang ganap na tagapagmana" panimula ni Dad then huminga sya ng malalim habang ako napataas na lang ng kilay.
"Yun yung maghahanap sila ng kapartner nila sa buhay. In short, you need to get married" nanlaki ang mata ko pero at the same time nakahinga ako ng maluwag. Akala ko sobrang hirap ng pinapagawa.
"Dad, Mom, akala ko naman kung ano. Of course kailangan ko naman talaga ng Prince so anong bago doon?" takhang tanong ko.
Hinawakan ni mommy yung kamay ko.
"Dear, this is not just getting married. Kailangan mong maghanap ng prince. Ikaw mismo at ang mirror ang magsasabi sayo kung sino ang magiging prince mo" para akong nabingi sa mga sinasabi ni mommy.
"W-wait. Ako mismo ang maghahanap sa prince ko? At ang mirror ang magsasabi kung sino sya? Mom, you're kidding me. Hahaha." natatawang sabi ko.
Paano naman kasi ako maniniwala sa sinasabi nya? Mirror ang magsasabi ng mapapangasawa ko? It's impossible!
"No. We're serious Alexandra" putol sakin ni mommy kaya napatingin ulit ako sa kanila ng seryoso.
"You mean..."
"Yes, Alexandra. Totoo lahat ng sinasabi namin at pinapaliwanag na namin ito sayo" sabi ni mommy.
"Alam mo, Alexandra. Ganyan din ng reaksyon ko nung pinaliwanag sa akin ng Grandma mo ang tradisyon sa Vermilion pero totoo yun. Kailangan-"
"No!" pinigilan ko na agad yung pagsasalita ni daddy. I know it sound rude pero hindi ko na talaga kaya yung sinasabi nila.
"Mom, dad, I agreed to be a queen pero to find my prince using a mirror? No way. Ako ang magsasabi kung sino ang magiging asawa ko. You don't find true love, you just fall for it that's why it is called falling in love kaya kung tatanuningin nyo kung papayag ako sa ganyang bagay? hindi ko gagawin yan. That's it" at hindi na ako nagdalawang isip na tumayo at umalis sa hapag kainan. Dumirecho na ako agad sa kwarto at ni-lock ito.
Why would I do that tradition? I can make my own decision at my decision is not to follow that stupid tradition.
Bakit ba kasi may mga ganung tradisyon pa? Hindi ba pwedeng hantayin na lang yung time na magkagusto ako sa isang lalaki?
Love is the most powerful in the world. Bakit nila basta basta na lang nila ginagamit yun?
At isa pa, bakit naman ako maniniwala sa mirror na yun? What if hindi ko naman magustuhan yung taong sasabihin nun? What if hindi naman sya worth it? Edi nasayang yung paghahanap ko sa lalaking yun?
Bakit ba kasi ako pa ang maghahanap sa kanya? Bakit hindi na lang sya patawagin sa palasyo? Bakit hindi sya ang maghanap sa prinsesa? Bakit baliktad ang sitwasyon?
Nakakainis naman, nakakaasar talaga!
Ang dami dami kong tanong at ayokong malaman pa ang sagot sa mga tanong na yun. Mas magkakadahilan lang ako para magback out.
To be continued
BINABASA MO ANG
Finding My Prince [On Going]
FantasyHindi sa lahat ng fairytale, ang prinsipe lagi ang humahanap sa kanyang prinsesa. Sa sitwasyon ni Alexandra Hathaway, sya mismo ang maghahanap sa kanyang prinisipe bago dumating ang araw na kikilalanin sya bilang isang reyna. Magtatagumpay kaya sya...