Alexandra
-Ilang oras na ang nakalipas simula nung nagkulong ako sa kwarto. I still can't get over dun sa pinagsasabi nila sakin. Siguro nth times ko ng tinatanong sa sarili ko kung bakit kailangan pa sumunod sa tradisyon na yun? Pang nth times ko na din sinasabi sa sarili ko na hindi ako papayag.
Nakarinig ako ng katok.
"I'm not in the mood! And kung tatanungin nyo ako kung nagbago na ang desisyon ko, well, hindi! That's final!" sigaw ko sabay taklob ng kumot.
"Let's talk first, dear. I have a deal to offer you" narinig kong sabi ni mommy.
Deal? Ano naman kaya yun? Hindi ko pa naririnig kung ano yung deal pero bigla akong napabangon mula sa pagkakahiga. It only means one thing.
I still have an option.
I open the door at pumasok naman si mommy. Bumalik naman ako sa higaan, sumandal ako head board habang naka indian seat. Si mommy naman umupo lang sa may gilid. Hays, kahit pagupo nya sa higaan ko, may poise pa din.
"Alexandra, dear. What you did a while ago is not what princess do" napayuko na lang ako sa paalala nyang yun.
"I'm sorry. I just.. I just can accept the fact na isang mirror ang magsasabi sakin ng magiging prince ko" dahilan ko. Naramdaman ko na hinawakan nya yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"I know, ayan ang mararamdaman mo but believe me na ganyan din ang daddy mo. You see, Alexandra, hindi naman ganito ang tradition dati"
"Really? Ano ba ang system dati?"
"Before, pumipili ang hari at reyna ng 20 na karapatdapat at ang mga ito ay naglalaban laban para sa position at sa puso ng prinsesa o ng prinsipe"
Wow! Parang yung sa kwentong The Selection lang! Mas gusto ko pa yung ganoong sistema.
"Pero bakit pinalitan na nila? I prefer that system tho"
"Sa panahon kasi ni Queen Kate, nagkaroon ng isang gulo kung saan, may nakasaling isa sa mamamayan na ang intensyon pala ay pabagsakin sya" paliwanag sakin ni mommy.
"You mean nagkaroon ng pagtataksil?" napatungo si mommy sa sinabi ko.
"Kaya binago nila ang sistema. Sa tulong ng mga wizards and magic, nakagawa sila ng isang mirror na tinatawag na Kathréptis. Ito ay may kakayahang basahin ang book of soulmates kaya nakakasigurong ligtas iyon" manghang mangha ako sa pagpapaliwanag sakin ni momny tungkol sa kathréptis pero...
"I understand now mom pero hindi pa din nagbago ang isip ko. Bakit kasi ako pa ang maghahanap sa prinsipe ko? Hindi ba pwedeng ipatawag na lang sya? What if sa paghahanap ko na yun ay mapahamak ako? Hindi ba naisip yun ni Queen Kate?"
"Alexandra, being a queen or a king is a great honor and responsibility, kung hindi mo kayang malagpasan ang pagsubok sa paghahanap mo pa lang ng partner, you don't deserve to reign Vermilion"
Hindi na ako nakasagot sa sinabi nya.
"Alexandra" napatingin ako kay mommy na nakangiti sakin. I smiled a little.
"There's another option. If you can't do the task, you will find a substitute at ang mirror din ang magsasabi sayo nun"
Maghahanap ako ng kapalit ko?
"Pero pareho lang yun. Is that even an option?"
"That's the point Alexandra. Kung maghahanap ka ng kapalit mo, bakit hindi mo na lang hanapin yung magiging bahagi ng buhay mo? Yung taong mamahalin ka?"
Napa-iling na lang ako.
"I-i don't know mom. I will think about it" sabi ko then nagnod lang sya sakin.
"Okay, I will give you time to think pero bukas, I will ask you again" nagnod lang din ako. She kissed me on my forehead bago tumayo at naglakad papunta sa pinto.
"Alexandra" napatingin ulit ako sa kanya.
"This is not about your marriage. It's about you, being a Queen and remember that the Queen not just think about herself" paalala nya sakin bago sya lumabas ng kwarto.
Napabuntong hininga na lang ako.
It's been an hour after namin magusap ni mommy at hindi pa din ako makapagdesisyon.
Papalit palit yung posisyon ko sa paghiga dahil sa kakaisip sa options na binigay sakin ni mommy.
This is not about your marriage. It's about you, being a Queen and remember that the Queen not just think about herself
I don't know what to do. Hindi ko alam kung anong desisyon ko.
Papayag ba ako na hanapin ang Prince ko? O hahanapin ko ang substitute Queen ko?
To be continued
BINABASA MO ANG
Finding My Prince [On Going]
FantasyHindi sa lahat ng fairytale, ang prinsipe lagi ang humahanap sa kanyang prinsesa. Sa sitwasyon ni Alexandra Hathaway, sya mismo ang maghahanap sa kanyang prinisipe bago dumating ang araw na kikilalanin sya bilang isang reyna. Magtatagumpay kaya sya...