Note by Miss L : Hahaha alam kong maraming nag antay nito .. marami nga ba ?? Hahaha well ito na po ang nangyari After Life ^_^ .. Enjoy :* ♡
+
Bumuhos ang luha sa mga mata ko .. walang awat , walang pigil .. iyak lang ako nang iyak habang nakatingin ako sa Sulat na ginawa niya .. agad kong binulsa ang sulat sa skirt ko at sinubsub ko ang muka ko sa kanyang dibdib ..
" P-pleasee .. gumising ka ... pano tayo m-magkikita kung hindi ka gigising !!" Iyak ko habang nakayakap sa kanya .. puro dugo .. nababalot nang kadiliman ... ang sakit .. hindi ko matanggap .. ganito ba ang destiny ?? O baka naman sadyang hindi siya ang para saakin ?? ..
No .. ayoko .. ayoko na nang iba .. please. ...
Nakaramdam ako nang sakit sa ulo naramdaman ko nalang na may tumulo sa pisngi ko kinapa ko iyon .. malapot .. kinapa ko ang ulo ko .. mahapdi .. may sugat ako .. pinikit ko ang mga mata ko sa kanyang dibdib. .
" i-isama mo nalang ako sayo ... eros !!" Sabi ko at unti unti nakong nawawalan nang malay .. hanggang sa pinikit ko ang mga mata ko ..
*dug * dug * dug *
Pintig ba nang puso ko yun ??? B-bakit ... ang lakas ...
At doon ay nawalan na ako nang malay ...
*blackout*
++
Dinilat ko ang mga mata ko .. hindi ko pa nga ito maidilat .. may nakalagay sa bibig ko ... may kung anong kumikiliti sa ilong ko ..
Isang puting kisame. Sinubukan kong ilibot ang mga mata ko .. may nakita ako sa gilid na isang babaeng nakahiga at hawak ang kaliwa kong kamay ..
Ginilaw ko iyon dahilan para magising ang babae .. tumingin siya saakin at agad na tumulo ang luha ko ..
Si mama ...
" Y-Yanna ???" Gulat na sabi niya saakin .. ngumuti ako at tumutulo parin ang luha ko ..
" Danilo !! DANILO .. GISING .. Gising na ang anak natin .. tawagin mo ang doctor !!" Sigaw ni mama tapos nakita kong may bumangon sa sofa at nakita ko si Papa na medyo mangiyak ngiyak narin .. niyakap muna nila ako at tumakbo na palabas si papa ..
" anak ??? May masakit ba sayo !!??" Natatarantang tanong ni mama .. tumingin ako sa kisame at tumango ..
" alin ?alin ang masakit ??" Tanong niya .. dahan dahan kong nilagay ang kamay ko sa dibdib .. masakit .. masakit dito .. akala ko sinama na niya ako .. akala ko ...
Napapikit ang ako , nag unahan sa pagtulo ang mga luha ko .. hindi ko makakalimutan yun .. masakit na hanggang ngayon sariwa parin ang nangyari. ..
" huhu anak .. nakakainis ka .. ang drama mo .. !+" sabi ni mama tapos umiyak siya sa gilid nang kama .. ngumiti ako nang mapait.
Pinikit ko nalang ang mga mata ko .. kung nasaan man siya .. sana ... sana lagi siyang nasa tabi ko ...
*woshshhhh*
Bigla namang humangin nang malakas .. nagpalinga linga ako .. nagpaparamdam ba siya ???? Halos man laki ang mata ko nang tumama nanaman ang malakas na hangin sa balat ko ...
Tapos napatingin si mama saakin dahil siguro napansin niya na nanlaki ang mata ko ..
" nilalamig kaba ??? Binuksan ko yung aircon !!" Sabi ni mama agad naman akong napatingin sa taas sa harap ko at andoon nga ang aircon .. kahit broken hearted ako ay napairap nalang ako .. at pinikit ulit ang mga mata ko ..
BINABASA MO ANG
The Passenger ( Short Story )
Short Story***** The Passenger ( Complete ) ***** @2016 @LouieJeanStories