Part: I

13 0 0
                                    

Tania's POV

"Hoy Titania Crizelle Gamboa Devan! San mo na naman balak pumunta ha!" Sigaw sakin ni Francheska de Lamore ang bakla kong stylist/ manager. Bungangera? Oo sobra. Pero masayang kasama at mabait yan.

Nahuli na naman niya kasi akong tumatakas. Katatapos lang ng photo shoot ko para sa bagong pabango ko.
Bukas pa daw yung comercial kaya may time akong magliwaliw.

"Hoy babaita kinakausap kita!" Sigaw niya ulit sakin.

Humarap ako sakanya at ngumiti.

"Ah mamamasyal sana cheska" sabi ko sakanya.

"Yan ka na naman sa escapades mo. Tigilan mo na yan at baka pagkaguluhan ka ng fans mo pag nakita ka na naman. Di mo ba naaalala yung nangyare last time na namasyal ka. Muntik ka nang masagasaan kakatakbo mo!" Sigaw niya. Ang sweet ng manager ko no. Ganyan yan magalala. Hindi lang halata dahil sa sobrang pagsisigaw hehe.

"Mag-iingat na ako ngayon promise. Please cheska hayaan mo muna ako. Nakakasawa kasing nakabuntot sakin yang mga body gaurds na kinuha mo eh. Tsaka naka Hoodie jacket naman ako, di nila makikita muka ko basta nakayuko ako" sabi ko sakanya.
She gave me a sigh.

"Bakit ba kasi ang kulit mo, bahala ka nga. Sosolohin ko nalang yung mga body gaurds, ayaw mo pa. Ang yummy kaya nila mmmmnn" sabi niya habang kinikilig na nang gigigil.

"Thank you Cheska!! I Love you
Mwaaaah!" Sabi ko and nag flying kiss sakanya. Iniwasan naman niya.

"Eeww kadiri ka ah, ayoko ng kiss mo. Gusto ko sa lalake galing" sabi niya.
Napatawa nalang ako dahil sa kalandian niya.

Umalis na ako para hindi na masayang yung oras na pwede kong magamit. Supposedly isasama ko kambal ko na si Dianna Kristen,fraternal twins kami. Mas matangkad din siya sakin.2 inches lang naman haha. Kaso busy siya sa shooting niya sa movie niya. Ang malas ni sissy laging busy. Di siya nakakakuha ng break para makapag pasyal.

I started to head to my first destination. The mall. Yes, I know maraming tao pero ngayon lang ako makakapag shopping na walang sumusunod na body gaurd. Medyo nakakaasar kasi sila, minsan naririnig ko bulungan nila na nakakatamad daw ako samahan.
As if naman sinabi kong sumama sila no. Kalalakeng tao ang aarte bwisit.

Nevermind. Maghahanap na ako ng hoodie jackets.
Mahilig ako sa hoodie. Punong puno nga cabinet ko ng ganun eh. Oo kabinet lang at hindi walk in closet. Ayoko ng masyadong sosyal dahil simpleng tao lang ako. Gusto ko simple lang ako at walang arte.
Hindi rin ako girly. Skip na tayo ng tungkol sakin dahil sigurado ako may readers na hindi mahilig magbasa ng mahabang narration. Kasi ganun ako kapag nagbabasa hehe.

Lakad lakad lakad...

Hala ang cute naman nung suot na hoodie nung lalake. Black na may pusang puti na nakatahi sa gitna.
Pero bakit parang wala ako nakitang ganun dito. Saan niya kaya nabili. Hmmm well its no use if I just stand here. I might as well ask him para madali lang ang paghahanap ko.

Nilapitan ko at sinabayan siya sa paglakad. Sinusulyapan ko lang siya para walang ibang makakita sakin.

Naramdaman kong nakatingin na siya sakin at bigla siyang tumigil sa paglakad. Dahil sa abnormal ako tumigil din ako.

"Ah sinusundan mo ba ako?" Tanong niya sakin.

Hindi ko alam isasagot ko. Oo ba? Eh kasi sinusundan ko naman talaga siya. Gusto ko lang naman malaman kung san niya nabili yung suot niya.

"Nakikinig ka ba? Tignan mo ko pwede?" siya ulit. Ayy ang sungit ni kuya.
Di ako tumingin sakanya kasi kailangan ko tumingala kapag titignan ko siya. Matangkad eh anong magagawa ko diba.

Our Story To TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon