~~•~~
Nakakainis. Nakakabwisit. Nakakasira ng araw. Yan lang naman ang kakayahan ng kumag na Night Sanders na yun. Kainis. Simula nung linigtas nya ako kay Hell, dyan nya na din sinimulan ang panggugulo ng buhay ko.
Sa katunayan nga, pinipigilan ko lang ang sarili ko sa kanya. Pagkakita ko kasi na pagkakita sa mukha nya gusto ko na agad syang upakann at patayin sa suntok. Nakakainis. Masyado na lang syang mahangin, tapos kung makadikit sa akin akala mo close kami. Tss. Masyado rin feeler e.
Naglalakad ako papunta ngayon sa cafeteria dahil kanina pa talaga gusto kumain ng halimaw sa tyan ko. At hindi rin ako kumain ng breakfast.
"Hi Elle." yan. Dumating na yung kumag, at nasa tabi ko sya ngayon. Argggh! Sira na naman ang araw ko!
I rolled mye eyes na lang. Nnag dahil kasi sa kanya palagi na lang sira ang araw ko. Tss. Alam nyo yung pakiramdam na yun, yubg feeling na inis na inis ka na sa taong pinipilit yung sarili sayo tapos maaalala mo kahit papaano may utang na loob ka sa kanya. Ayan! Yan yung nararamdaman ko. Grrrr. Kaya gustong gusto ko na syang suntukin.
 ̄︿ ̄
"Oh my god. That slut is dating with my baby Night?" conyo girl #1.
"Ano ba naman yan. Maimili na nga lang si Night yan pang panget na yan?" conyo girl #2
"Like G-R-R-R. So ewwie." conyo girl #1
Mga gungong yata tong mga babaeng to e. Magbubulungan na nga lang rinig na rinig ko pa? Seriously? Bulungan pa ba yung ginagawa nila? More like a pagpaparinig. Tsaka sino pa nga ba ang kasama ni Night? Diba ako lang naman?
"Hi girls. May problema ba tayo dito?" sarkastikong tanong ko sa kanila. Bwisit na bwisit na kasia ko. Masyado ang pagkainsecure nila sa akin. Palibhasa kasi mga inggitera.
Si Night naman na kanina pa ako kinakalabit ay hindi ko pinapansin. Dahil may mga higad pa akong kinakausap dito, and actually wala naman talaga akong balak kausapin sya e. Manigas sya dyan. Ano sya sinuswerte para pansinin ko sya? Tss.
"Wala naman. Kaso bigla kasi kaming nakakita ng asong malande e, kaya ayun sira araw namin. Tsk tsk tsk." sarkastiko din nyang sagot.
Aba bastos din tong hayop na to ah. Alam ko naman na ako ang sinasabihan nya e. Tss. Hina ng utak.
Hindi na talaga ako nakapagpigil pa. Heto na. Tikman nyo ang lupit ni Regina Anderson. Mga hinyupak kayo.
Sinabunutan ko sya, at pagkatapos ko syang sabunutan agad ko naman syang sinampal sa mukha sabay suntok sa kanyang kanang mukha. Their face is very annoying. Akala mo kung sinong makapagparinig kanina, akala mo naman kung sinong maganda dinaig pa yung clown sa sobrang kapal ng make-up.
Kaya agad syang napahiga sa sobrang lakas ng impact ng suntok ko sa kanya. Nginisihan ko lang sya dahil ang sarap lang nyang pikunin. Nakita naman ito ng kasama nyang conyo girl #2, agad namang nanlaki ang mata nito at agad na tinulungan ang kanyang gungong na kaibigan.
Psh. How pathetic.
"How dare you to do that at Neela? How dare you!" galit na sigaw sakin ni conyo girl #2. I just rolled my eyes. Wala akong pake dyan sa conyo mong kaibigan.
Narinig ko pa syang nagtatatalak pero hindi ko na lang ito pinansin, habang yung kaibigan nya tumayo na din para sigawan din ako.
Pero naglakad na lang ako papalayo. Napansin ko din na may mga nakapalibot na din na mga estudyante na para bang nanunuod ng isang action movie.
"You'll pay for this stupid brat!" narinig ko pang sigaw nung nasuntok ko sa mukha. Psh. Really? Oooh takot ako ah. Tss.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa narating ko na ang fountain ng academy. Haay. Dito ang comfort place ko. Dito ako palaging tumatambay pag puro na lang ako problema.
Sabagay, gangster nga ako e so natural lang naman siguro na puro problema ang darating sa buhay ko. Tss. Isip nga Regina.
Umupo lang ulit ako sa bermuda grass, at binaon ang ulo ko sa tuhod ko. Sa peripheral view ko, napansin kong nakasunod pa rin pala sakin si Night at umupo din sya sa tabi ko. Nakita ko namang tinitignan nya ako, mukha namang di nya ito napansin kaya patuloy lang nya akong tinitignan kung umiiyak ba ako.
Hahaha. Ako iiyak? Not in a zillion years. Psh.
"Hey Elle. Nagseselos kaba dun sa babae dahil tinawag akong baby Night?" sabi nya sabay poke sakin.
Kahit kailan talaga napakafeelingero nitong kumag nato. Sarap ilibing ng buhay e! Parehong pareho sila nung babae kanina, sobraaaaang lande. Walang kasing lande! As in LANDE! (Nanggigil na si Regina hahaha)
Minsan pa nya akong kinalabit pero dineadma ko lang uli ito.
"Silence means yes. Ayieee selos sya! Selos si Baby Elle ko!" the hell?!? He's so kadiri! Ay. Ayan tuloy nacoconyo nako dahil sa kumag na to!
Grrr. Nakakagigil sarap upakan!
Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at agad ko syang sinampal. Sheeez! Ngayon wala na akong pakielam pa kung may utang na loob pa ako sa kanya kung ano! Basta ngayon sumosobra na sya, at nakakagigil na talaga sya!
Sarap ibaon sa lupa!
"Excuse me?! Ako magseselos? Duhh. Kung magseselos man ako hindi sayo! At never magiging sayo! At ang kapal din ng mukha mong sabihan ako ng Baby 'no?! Kapal ng mukha mo!" iritadong sabi ko sa kanya.
*WAPAAAAAK*
Pinatikim ko sa kanya ang isang malutong na sampal sa mukha. At dahil dun namula ang mukha nya. Buti nga sayo kutong lupa ka! Masyado ka kasing mayabang, makapal ang mukha, walang hiya at feelingero!
"What was that for?!? Dapat nga tanggapin mo na lang e. Ako na nga tong kusang lumalapit sayo e, yung iba babae halos magmakaawa na sakin para lapitan ko sa kanila. Iba ka talaga." seryoso nitong sabi habang hawak ang kanyang kanang pisngi na hanggang ngayon ay namumula pa rin.
Nababagay sayo kumag.
Hindi ko na lang sya pinansin at naglakad na palayo sa fountain.
Haay. Pupunta nga lang ako sa dormitory, dina lang ako papasok maghahalf day lang ako ngayon.
Sirang sira ang araw ko ng dahil sa kutong lupa, kumag, kupal, walang hiyang jerk na hinayupak na lalaking yun!
~~•~~
"Gosh girl. Ikaw ang topic ng buong academy ah." sabi ni Cass na kakadating lang pero hindi nya kasama si Vanessa dahil may inaasikaso daw ito para sa welcome party ng C.A.
Huh? Seriously? Masyado naman atang nahuli ang welcome party nila sa mga transferee.
Tinaasan ko lang ng kilay si Cass at umupo para itali ang buhok ko. Ganon pala kabilis kumalat ang balita dito sa academy na to. Sa bagay sa dami ba naman ng nakakita ng ginawa ko kanina. Buti nga hindi pa ako napapatawag sa disciplinary e. Legal talaga ang mga gangster dito e. Parang hindi talaga nageexist ang salitang 'DISCIPLINE' dito.
I am already liking this academy.
"Seryoso ako Regina. Yung sinuntok mo kasi kanina ang Heartthrob princess ng Cervantes Academy." aniya. Yung mukhang yun? Heartthrob princess? Yan linagyan ko sya ng marka sa mukha. Magtanda sya.
Seryosong seryoso sya na para bang sya yung host ng S.O.C.O na may kinukwentong gawa ng kriminal. Tss.
"Di ako natatakot sa kanya." sabi ko kay Cass.
Narinig ko namang nagsigh sya at nagtungong banyo para maligo.
Hay nako.
~~•~~

BINABASA MO ANG
The Gangster Princess
Fanfiction"Wag na wag mong kakalabanin ang Gangster Princess kung ayaw mo pang mamatay." Iyan ang mga salitang palaging sasabihin sa iyo kung bagong lipat ka sa paaralang tinatawag na Cervantes Academy. Ang paaralang hindi nageexist ang salitang DISIPLINA at...