Chapter 1

76 4 0
                                    

Tahimik lang ako habang nakaupo. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin at iisipin ko ng mga oras na ito. Actually hindi ako makapaniwala sa narinig ko kani-kanina lang. ARRANGED MARRIAGE??!! Whoooaaaaa... That is the last thing I expect from my parents! Can you imagine that? Let me tell you how it all started.

My name is Danielle Ignacio Elizalde. I'm 22 years old and I'm a nurse by profession. I was the youngest in the family and I have two siblings.  Both my Ate and Kuya are happily married with their one true love. Samantalang ako ay NBSB. Hindi naman ako ganun ka-choosy. 'Pag gusto ko ang guy, gogora na ako. Pero since wala ako magustuhan sa lahat ng naging suitors ko, kaya eto akala yata ng Mommy at Daddy ko tatanda na akong dalaga. Hello???!!! Twenty two lang kaya ako noh! Lagi sinasabi sa akin ni Mommy ang mga katagang ito. "Bata ka kung may balak kang tumandang dalaga, aba'y huwag, sayang ang bahay-bata!" And that is the reason why I ended in this situation.  Napaka-ironic talaga ng buhay.

"Balae, your daughter is very beautiful. I'm sure Clark will like her."nakangiting sabi ni Tita Mariz kay Mommy.

Kung sa ibang pagkakataon ko narinig ang papuri na yun, malamang pumalakpak na ang tenga ko. Ahehehehe... Very beautiful daw eh.

"Naku balae, siyempre kanino pa ba magmamana kundi sa nanay." ang lapad ng ngiti na sabi ng nanay ko.

Siya nga pala, si Mommy at si Tita Mariz ay mag-bestfriend since college. Pareho silang doctor. My mom is a Pediatrician and Tita Mariz is an OB-Gyne. Their family owned the hospital where my mom is a shareholder and i also work there as a Pedia Nurse. I never knew that they have a third son.I thought that they only have two child, Kuya Marco at Ate Zhyra. I never got the chance to know Clark maybe because their youngest son is based on US. Sabi nila he is a renowed Neurosurgeon.

Nagkasundo sina Mommy at Tita na ipapakasal nila ang bunso sa magiging anak nila kung ito ay magiging babae at lalaki. At laking tuwa naman  nila ng mangyari ang kanilang hiling. Ipinanganak ako at ipinanganak din siya.

At ngayon nga ay andito sina Tita Mariz at ang asawang niyang si Tito Ricky sa aming bahay para sabihin na itutuloy na nila ang plano nila. Ahuhuhu... kawawa naman talaga ako. WAAAAAHHHHHHH! Help me Lord!

Patuloy lang sila sa chikahan habang aking aking Daddy at si Tito Ricky ay naglalaro ng chess. Seryoso ang dalawa. Feeling mo naman ay kasali sa tournament sa sobrang serious.hehehe...

"Eh Mariz, nasan na nga pala ang binata mo?"tanong ni Mom kay Tita.

OMG! Bigla akong kinabahan sa narinig ko.

"He's on his way now. Nagkaroon lang siya ng emergency sa hospital. He just texted."

Parang maiihi ako sa kaba. Para akong kiti-kiti sa pagkakaupo. Kung pede lang sana na tumakbo ako papasok sa kuwarto ko. Aiiisssshhh! What should i do? Nakita ko na sinensyasan ako ni mommy na pumirmi ng upo.

"So, hija, hows your work at the hospital?"tanong sa akin ni Tita.

"Ahhhhmmm.... aherrrmmm..."parang may malaking plema na nakabara sa lalamunan ko. Pasimple akong siniko ni mom. "Well,  its good naman po. Getting used sa mga ka-toxican ng mga patients."tabingi ang ngiti na sabi ko.

Nakita yata ni mom yun ngiti ko kaya siniko niya ulit ako. And this time medyo malakas na. Ouchie ha! Nabali yata yung isang ribs ko dun. Napilitan tuloy akong magbigay ng isang pang Close Up commercial na smile.

Nakarinig kami ngmay  tumigil na sasakyan. Napaunat ang likod ko pagkarinig dun. Is this the end of the world? I can't help thinking, maybe their son is not that so good looking that's why they have arranged this meeting. Kasi based naman sa sabi nina Tita, he's very much successful and still young. Imagine at the age of 25 he is now a surgeon. Neurosurgeon to be exact. Eh sa pagkakaalam ko nga ang mga surgeon ang hindi nawawalan ng babae. Shucks! Baka naman HIV na. Hair is vanishing na! Holy mackerel! Kawawa naman ang lahi ko. Kung ano-ano pang negative thoughts ang pumapasok sa isip ko.

Natigil lang ako sa pag-iisip ng pumasok ang isang lalaki. Sapatos lang niya ang nakita ko kasi  nakayuko lang ako. Natatakot kasi akong magtaas ng tingin. Feeling ko nga magka-cardiac arrest na ako anytime sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.Hahahaha... Literal. Baliw na yata ako eh.

"Oh hijo, i'm glad that you made it."masiglang sabi ni Tita Mariz sa lalaking dumating.

"Of course Mom. i just had an emergency operation. I'm sorry for being late."sabi niya. Nakita ko siyang lumapit sa Mom ko at nag beso-beso. "Hi Tita, its nice to see you again."

"Oh Clark, me too. Nothing has changed ha. Still good looking."

Napangiwi naman ako kay Mom. Parang kasing elementary student na kinikilig eh. Nag-angat na ako ng tingin. At tumambad sa akin ang makatulo laway at makalaglag panty na kaguwapuhan niya.Ang bango-bango niya. He has a very lean, muscular body. And he is very tall. Siguro mga 6'1''. Eh ako nga 5'8" pero feeling nkatingala parin ako kapag katabi ko siya. Biglang lumagabog ang puso ko ng tingnan niya ako. Feeling ko natuyo ang lalamunan ko sa sobrang intense ng titig niya. Para akong ice cream na natutunaw.

"I supposed she's your daughter Tita?"tanong niya sa mommy ko pero sakin pa din nakatingin.

"Ah hindi po, private nurse niya po ako!"parang timang lang na sabi ko. Ano ba Danielle? Get your act together. 

Nakakahiya at sa harap pa talaga niya ako nagkalat ha. Huhuhuhuhu.... Nagpakilala siya pero parang hindi nag register sa utak ko ang pangalan niya. Nakakatulala kasi ang kaguwapuhan eh... Medyo kinilig pa nga ako nung nag-smirk siya.hehe...(pero medyo lang ha.hehe)

And after nun ay para na akong nasa lala land. Hindi na kasi ma-absorb ng utak ko ang mga nangyayari. Basta nakita ko na lang na paalis na sila.

"Hayyzzz.... what a tiring day..." mahinang bulong ko at bumalik na ako sa kuwarto ko...


____________________________________________________________________________________


...first time ko ulit magsulat... na miss ko 'to...hehe

thank you Lord!






Feels Like HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon