A Sudden Love Affair (Filipino Fanfic)

69 0 0
                                    

PROLOGUE

One year and four months.. Ganyan na katagal since I accidentally bumped on him. I can still remember the exact details of what happened that day, I was in a rush dahil late na ko sa trabaho ko  sa Asian Hospital nang hindi ko siya napansin kaya nabangga ako sa kanya na dahilan kung bakit nahulog ang mga dala ko na agad ko naman pinulot at tinulungan nya ako. Laking gulat ko nalang nang tumayo ako at makita kung sino ang nabangga ko. Walang iba kundi si Raymond Mikael Abracosa, o kilala sa tawag bilang Abra. Yes, 7 years ago I was his fan. Isa syang sikat na rapper sa Pilipinas. 7 years ago nagbababad ako sa internet kakapanood ng fliptop battles and music videos niya but suddenly I have to focus on my studies so nag lie low ako sa pagiging fan hanggang sa dumating sa point na hindi ko na siya napagtutuunan ng pansin. Sinong mag aakala na ang dati kong pantasya magiging abot kamay ko pala.. Abra/Miko and I are officially dating for 9 months now. Honestly hindi padin ako makapaniwala, kung ikaw din siguro sa sitwasyon ko ganito din mararamdaman mo. Masaya ako kay Miko although minsan mahirap i-handle ang issues dahil nga sikat siya, at ngayong aalis na ko 5 days from now hindi ko alam kung anong issues na naman ang ikakalat ng media. Yes tama ka, aalis ako to pursue my dreams. Ipagpapatuloy ko ang trabaho ko sa London, ang aking dream land. Hindi buo ang loob ni Miko sa pagpayag na umalis ako, pero dahil nga mahal niya ako pinilit niyang unawain ako dahil isa to sa mga pangarap ko. Mahal na mahal ko si Miko, hindi ko rin alam kung kakayanin kong malayo sa kanya..

A/N:

Hi there guys! So eto na yung pinalit ko sa first story, feeling ko kase masyadong random yung first story ko so habang di pako nakakalayo sa pag update I decided to change it into this. Sana magustuhan niyo. Hindi ako expert na author/writer so if may mga mali pagpasensyahan nyo nalang po. God bless!

-Peya

A Sudden Love Affair (Filipino Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon