Andito ako ngayon sa kwarto ko nag-aayos ng mga gamit na dadalhin ko. Sabi kasi ni Grandma kailangan kong lumipat ng school simula nang may kakaiba akong nararamdaman sa sarili ko at hindi ko alam kung ano ang dahilan.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Grandma. "Apo, halika na at baka gabihin pa tayo sa byahe". sabi ni Grandma.
"Sige po Grandma, susunod po ako sa baba". At lumabas na nga siya sa kwarto ko. Pagkayari ko ayusin ang mga gamit na dadalhin ko ay agad na akong bumaba at dumeresyo na sa kotse kung saan naghihintay si Grandma.
-
2 hours later...
Kanina pa kami dito sa daan at wala pa rin akong makitang school. Puro mga puno lamang ang nakikita ko dito. Siguro ay nasa kalagitnaan na kami ng gubat at baka mamaya ay naliligaw na kami. Baka hindi alam ni Grandma kung saan kami pupunta.
"Grandma malayo pa ba tayo, kasi puro puno lang ang nakikita ko sa daan eh". Sabi ko
"Malapit na tayo apo". Ani Grandma. Maya-maya ay huminto kami sa isang malaking gate na may nakasulat na 'Saffaria Academy' at may mataas na bakod. Nagulat ako ng bumukas ito sa isang pitik lang ni Grandma.
Biglang tumingin sakin si Grandma at ngumiti. "Ipapaliwanag ko sayo ang lahat mamaya apo". Sabi ni Grandma at pumasok na nga kami sa loob.
Pagkapasok namin nakita ko ang malawak at magandang kapaligiran. Madaming makukulay na halaman. Mga ibon at paru-parung malayang nakakalipad. At sa gitna ay may malaking fountain na parang kristal ang tubig.
Nahinto ako sa pagmamasid sa paligid nang mag salita si Grandma. "Ellah apo dito kana mag-aaral. Ito na ang bago mong shool. At ito na siguro ang tamang panahon para sabihin ko sayo ang lahat apo." Sabi ni Grandma na ipinagtaka ko naman.
"Anu pong totoo ang sasabihin nyo sakin Grandma??". Sabi ko ng may pagtataka.
"Kakaiba ka Ellah, at sa mundong ito ka nabibilang. Dito kana mag-aaral para mas lalo mo pang makilala ang buo mong pagkatao apo". At ngumiti si lola sa akin pagkatapos nyang sanihin saki yun.
Nagsimula na kaming maglakad ni Grandma papasok sa main entrance ng malaking school na ito.Habang naglalakad kami ay may iba pa siyang ikinuwento at ipinaliwanag sa akin.
Huminto kami sa isang malaking pinto at nagulat ako ng bigla nalang itong bumukas ng kusa. Pumasok kami at nakita ko ang isang babae na nakatalikod sa amin habang nakaupo ito.
"Kanina ko pa kayo hinihintay, mabuti at nakarating na rin kayo". Masayang sabi nito at humarap samin ng nakangiti.
"Welcome Ellah sa bago mong school. Ako nga pala si Ms.Rivera ang namumuno sa school na ito".
"Ms.Rivera ikaw na ang bahala sa apo ko. Marami pa kasi akong dapat na ayusin". Paalam ni grandma at humaran sakin.
"Pano ba yan apo, maiwan na kita dito ha. Magpakabait ka at wag pasaway".
"Sige po. Lagi ka pong mag-iingat grandma". Sabi ko at niyakap ng mahigpit si grandma.
"Tara na Ellah. Ihahatid na kita sa magiging silid mo, at ng makilala mo narin ang mga magiging kasama mo sa kwarto". aniya at nag lakad kami papunta sa dormitoryo ng school na ito.
Huminto kami sa isang silid.kumatok kamin at binuksan iton ng isang babae na sa tantya ko ay kasing idan ko lamang.
"Nagandang hapon po Ms.Rivera. Ahm sya na po ba yung magiging room mate namin dito?" Tanong niya habang naka ngiti sa akin. Grabe sobrang ganda niya.
"Hi, ako nga pala si Criss Alonzo" Pagpapakilala nya sakin.
"Hello ako naman si Shiellah ferrer. Masaya ako na makilala ka criss" At nakipag shakehands ako sa kanya.
Pumasok kami sa loob. nilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng kwarto at namang ha ako dahil Sobrang laki. Mayroong apang na king size bed na iba iba ang kulay may red, blue, violet at green.
"Ito na ang magiging kwarto mo ellah" Sabi sakin ni Ms.Rivera at tumingin siya kay criss.
"Maiwan ko na kayo dito. Ikaw na ang bahala kay Ellah kung ano ang mga dapat niyang gawin. Aalis na ako" At lumabas na siya ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Saffara Academy
FantasyIsang school kung saan naroon ang piling mag aaral, na may natatangi at kakaibang kapanyarihan. School na matatagpuan lamang sa gitna ng malaking kagubatan. Isang lugar kung saan tangi ang my kapangyarihan lang ang makakapasok. Ang Saffara Academy (...