II : Darian

4 0 0
                                    

FALLEN 2 :

-

Timothy's POV

Napasalampak agad ako sa upuan pagkatapos ko syang maihiga ng maayos. Nakakapagod syang buhatin! Bigla na lang kasi syang nahimatay pagkatapos himas-himasin ang muka ko. Napaka weirdo talaga ng babaeng 'to. Sasakay na lang dapat ako sa cab papunta rito pero naalala ko wala nga pala akong perang dala. Naiwan sa school. Buti na lang at nasa bulsa ko ang cellphone ko kanina kaya naitext ko sila Mika at France na dalhin na lang yung bag ko dito sa bahay pag-uwi nila. Buti na lang at alam kong may klase sila kaya di na sila nagtanong pa. Napatingin naman ako sa babaeng nakahiga sa kama ko.

"Tss. Ikaw ang unang babaeng nakahiga dyan!" Sabi ko na parang maririnig nya ko.

Kung titingnan ang babaeng 'to, parang wala naman syang gagawing masama. Maputi sya, hindi lang gaano katangkaran. Tapos... maganda rin sya. Oo na! Maganda nga sya. Maamo ang kanyang mukha. Matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Para syang anghel na bumaba galing sa langit. Pero imposible naman na anghel nga ang isang 'to. Napaka imposible!

Tumayo na ko tsaka nagpalit ng damit. Syempre hindi dun sa kwarto ko! Sa C.r syempre ng kwarto ko. Malay mo nagpapanggap lang palang tulog yun. E di nakita nya pa ang maganda kong katawan. *hangin* Iniwan ko sya sa kwarto ko at nagpasya na akong bumaba. Naabutan ko naman si Lola na nasa kusina at umiinom ng tsaa.

"Mano po." Sabi ko tsaka ako nagmano.

"Maayos mo bang naihiga ang babaeng yun sa kama mo?" Tanong ni Lola.

"Opo."

"Mabuti kung ganun. Gusto mo ba ng tsaa?"

"Sige po." Sabi ko. "Ako na po ang maglalagay." Tsaka ako naglagay ng tsaa sa baso ko.

"Saan mo ba nakita ang babaeng yan?" Napatigil naman ako sa pag-inom ng tsaa ko.

Saan nga ba kami nagtagpo? Aah! Muntik akong mahulog kanina tapos... tapos... iniligtas nya ko? Teka! Paano naman nya nagawa yun? Sa taas ng building na yun at sa payat nya napaka imposibleng mabuhat o masalo nya ko. Paano nga ba?! Nakakapagtaka naman na wala akong maalala.

"Muntik akong mahulog sa rooftop at nailigtas nya ako?" Wala sa sariling kong tanong pero di ko naman akalain na maririnig yun ni Lola.

"Ano? Naaksidente ka?"

"H-huh? Ano po y-yun?"

"Okay ka na ba ngayon?" Tumango ako. "Mabuti naman kung ganun. Dapat tayong magpasalamat sa babaeng yun."

Naku! Yung babaeng yun talaga. Nakapag Cutting pa tuloy ako sa klase ko. Tsk!

"Alam mo ba ang pangalan nya?" Napailing ako.

Di ko sure kung totoo nga bang niligtas nya ako e, pangalan nya pa kaya?

Pagkatapos naming mag-tsaa ay dumiretso naman agad ako sa shop namin. Meron kaming maliit na grocery. Dito kami kumukuha ng panggatos namin sa araw-araw. Buti na lamang at scholar ako kaya nakaka bawad yun sa gastusin namin. Hindi naman kasi ganun kalaki ang kinikita ng grocery namin araw-araw. May maliit din kaming taniman ng mga gulay at prutas. Dun namin kinukuha ang tinitinda dito.

"Hi. Good Afternoon po." Pagbati ko sa babaeng costumer na pumasok.

"Hi Timothy." Kaway nung isang babae.

"Ano ka ba!" Bulong ng kasama nyang babae. Nginitian ko na lang sila para gumalang.

Kumuha sila ng tig-isang inumin sa ref at ibingay saken upang magbayad.

"Salamat po." Sabi ko.

Karamihan sa mga customers namin rito ay mga taga rito at mga taga Yuston High. Pero karamihan sa mga estudyante ng Yuston na pumupunta rito e para lang sumilay at magpapansin saken. Tulad kanina. Kasi kahit naman papaano e may ibubuga rin naman ako sa pagwapohan. Doon rin kasi ako nag-aaral.

My Fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon